Mrs. Rina Casiño went to Precinct 9 of the Makati Police Station in Poblacion, Makati to file a police report about a brawl involving her son, young actor Albie Casiño.

Photo: Facebook / Gorgy Rula

Nagpa-blotter na kagabi, May 5, ang ina ni Albie Casiño na si Rina Casiño sa Precinct 9 ng Makati Police Station sa may Poblacion, Makati.

Ito ay kaugnay ng pambubugbog sa kanyang anak kahapon ng madaling-araw sa parking lot ng Fiamma Bar sa Makati City.

(CLICK HERE to read related story.)

Kasamang dumating ni Rina sa police station ang asawa niyang si Bonjet Casiño, na galit na galit din sa nangyari sa kanilang anak.

Hindi sumama si Albie dahil kailangan pa raw nitong magpahinga sa mga sugat at pasang tinamo nito sa pambubugbog sa kanya.

Pinayuhan pa raw ng doktor ang young actor na bumalik ng Makati Medical Center para sa karagdagang tests.

NOT FOUR, BUT SIX. Ayon kay Mrs. Casiño, hindi lang apat kundi anim ang nambugbog sa kanyang anak.

Pinayuhan daw siya ng kanyang abugado na huwag munang magbanggit ng pangalan ng mga hinihinalang nambugbog kay Albie dahil hindi pa raw nila naisampa ang kaso.

Umiiyak ang ina ni Albie na inilahad ang nangyari sa kanyang anak.

Ang ikinasama pa niya ng loob, walang kalaban-laban ang anak niya sa mga malalaking taong may kagagawan nito.

“My son is turning 19 [on] May 14, and ten years older yung mga dumamba sa kanya,” mangiyak-ngiyak na pahayag Mrs. Casiño.

“Ngayon I’m getting reports... kasi ang daming tao namang may concern sa kanya [Albie] ang nagkuwento sa amin.

“May warning kasi sa kanya ang mga friends nito na sinabihan siyang ‘Pare, umalis na kayo kasi parang may mangyayari.’”           

Dagdag pang kuwento ng ina ni Albie, “After na binugbog siya, tumakbo itong si Andi, ‘Oh, what happened to you, what’s wrong?’

“Siyempre, alangan namang sagutin ng anak kong ‘I’m okay. I’m fine.’ Siyempre galit sa kanya ang anak ko.