Mrs. Rina Casiño went to Precinct 9 of the Makati Police Station in Poblacion, Makati to file a police report about a brawl involving her son, young actor Albie Casiño.

Photo: Facebook / Gorgy Rula

“In the first place, nag-umpisa yun sa kanya sa loob.”

Ang tinutukoy ni Mrs. Casino ay ang kumprontasyon sa pagitan ni Albie at ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann sa loob ng Fiamma Bar ilang sandali bago naganap ang pambubugbog sa young actor.

Patuloy ni Mrs. Casiño, “I mean, di ba? From slapping him, then going to him… ano sa tingin mo ang sasabihin ng anak ko sa kanya?

“Totoo, he cursed her, sinigawan niya, ‘Get out!’

“Siyempre, masakit sa kanya yun, e.”

Ngayon ay nagpapahinga raw muna si Albie sa kanilang tahanan at kailangan daw nitong magpagaling para pormal na nilang maisampa ang kaso laban sa mga nambugbog sa kanya.

Ayon pa kay Mrs. Casiño, “Siyempre, he’ so hurt physically at saka emotionally.

“Parang hindi niya maintindihan, e. Nananahimik na yung bata, wala naman siyang inaagrabyado.

“Parang it’s so unfair, siyempre may galit din siya.”

“AN EVIL THING TO DO.” Umiiyak pa ring nagparating ng mensahe si Mrs. Casiño sa mga taong nambugbog sa kanyang anak.

“Ano ba ang ginawa ng anak ko sa inyo, at saka ang tatanda nila para patulan nila ang anak ko.

“You know, may nanay sila. Isipin na lang nila kunwari sa kanila nangyari yun, ano ang feeling ng nanay nila?

“Parang… such an evil thing to do. Wala na ba silang magandang magawa?

“I don’t know, e. I don’t understand. Walang atraso sa kanila si Albie.”

Sa ngayon, wala pa raw nagpaparamdam o kumakausap sa kanila mula sa kampo ni Andi at ang mga taong gumawa nito sa kanyang anak.