Laguna Governor ER Ejercito gives an update on his movie, El Presidente: The Life Story of Emilio Aguinaldo: “We have a new director, si Direk Mark Meiley.  At maraming artista ngayon ang gustong sumama sa pelikula.  Hopefully, matapos namin ito by November this year, in time for the festival [2012 Metro Manila Film Festival].”

Photo: Noel Orsal

Si Laguna Governor ER Ejercito ang guest of honor sa launching ng PMPC (Philippine Movie Press Club) website na ginanap kagabi sa Zirkoh Timog.  Kasama niyang dumalo sa nasabing event ang asawa niyang si Pagsanjan Mayor Maita Ejercito.

“It’s very fortunate na for the first time, after 28 long years, ang PMPC has its own website,” pahayag ng actor-politician nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“In am one of the supporters of PMPC.  And I would like to congratrulate them sa pagkakaroon nila ng sariling website.”

Masiglang naikuwento ni Governor ER ang tungkol sa pagpapatuloy ng shooting nila para sa El Presidente: The Life Story of Emilio Aguinaldo.

“We have a new director, si Direk Mark Meiley.  At maraming artista ngayon ang gustong sumama sa pelikula.  Hopefully, matapos namin ito by November this year, in time for the festival [2012 Metro Manila Film Festival].”

Kabilang sa cast ay si Nora Aunor na siyang gumaganap na unang asawa ni Emilio Aguinaldo.  At balitang hahabaan daw ang papel na gagampanan ng Superstar.   

 
 
“Four shooting days lang siya dapat.  Dadagdagan namin ng four more days.”
 
 
LIKE FATHER LIKE SON. Very proud ding nabanggit ng actor-politician na ang anak niyang si Jericho Estregan ang napili ng Viva Films na magbida sa remake ng Ben Tumbling.
 
 
“Ilu-launch siya ng Viva Films at ng Scenema Concept bilang bida sa Wanted Dead Or Alive:Ben Tumbling.
 
 
"Hindi ko maawat ‘yong mga anak ko, mahilig mag-artista, e!” sabay tawa niya.
 
 
“Ang bilin ko lang… huwag nilang pababayaan ang kanilang pag-aaral.  Kasi sa Dela Salle – Taft sila nag-aaral ng college ngayon, e.
 
 
“Basta huwag na huwag lang pababayaan ang pag-aaral.  Kung gusto nilang mag-artista, mag-artista sila.  At galingan nila.
 
 
“Dahil multi-awarded ang ama nila, ang mga tiyuhin nila, ang lolo!” natawa ulit na biro ni Governor ER.”
 
 
POLITICS IS IN THE BLOOD. Hindi lang showbiz, nasa dugo rin ng pamilya nila ang politika.  Kaya may posibilidad din na maengganyo ang kanyang mga anak na pumasok sa pagiging public servant balang araw.
 
 
“Siguro politics will come in due time.  Like si Jericho, hindi pa siya handa for politics.  Movies muna.”
 
 
Ano nga pala ang political agenda niya sa eleksiyon next year?
 
 
“I’m running for governor of Laguna.  Second term ko bale.”
 
 
Mukhang wala naman siyang matinding makakalaban sa Laguna bilang governor?
 
 
“Meron din.  May ilalagay ang Liberal Party, e.  Ako, sa partido ako ni Pangulong Erap [Joseph Estrada] at ni Vice President Binay, e. Ang PMP [Puwersa Ng masang Pilipino] – PDP Laban.”
 
 
ERAP'S PLANS. Tuloy na na nga ba wala nang atrasan pa ang pagtakbo rin ni dating Pangulong Estrada bilang mayor ng Maynila?
 
 
“Sa Miyerkules, lilipat na siya sa kanyang bahay sa Maynila. 
 
 
“And I’m sure kapag lumaban siyang mayor ng Maynila, siguradong panalo.  Dahil sa survey pa lang ng Pulse Asia ay mataas ang kanyang rating.  Siguradong magiging mayor ulit.
 
 
"Nagsimula siya bilang Mayor ng San Juan.  At ngayon, bilang mayor naman ng Maynila.”