news

Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 155370 Views | 396 Comments

Ayon sa eyewitness na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang away sa pagitan nina Raymart Santiago at Mon Tulfo ay nag-ugat sa pagrereklamo raw ni Claudine Barretto sa airport.

Photo By: Screen grab from GMA-7

Nagkaroon ng kaguluhan kaninang tanghali, May 6, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sangkot sa eskandalo ang columnist/TV host na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
    

Isang eyewitness ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita niyang nagwawala si Claudine Barretto sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Galing ang mag-asawa mula sa Boracay, at nagmula naman sa Davao City si Tulfo.
   

Ayon sa eyewitness, nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

Sa panayam ng dzMM kay Tulfo, sinabi nitong awang-awa siya sa ground steward na tinalakan daw ni Claudine.

Sa hiwalay na interview naman ng dzIQ kay Tulfo, sinabi nitong pilit daw na kinukuha ni Raymart at ng mga kasama nito ang kanyang cellphone. 

Nauwi ito sa palitan ng mga suntok.

Namula raw ang mga mata at namaga ang mukha ni Tulfo dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa kanyang mga attacker.
   

Nagtungo ang magkabilang panig sa Investigation and Intelligence Division ng Airport Police Station para sa kanilang mga statement at complaint.
    

Mapapanood ngayong hapon sa Showbiz Central ang exclusive interviews kay Mon at sa mag-asawang Claudine at Raymart tungkol sa insidente na kanilang kinasasangkutan.

Ipinakita ni Claudine sa Showbiz Central ang pasa niya sa binti dahil natadyakan daw siya ni Mon habang nakikipagsuntukan kay Raymart at sa mga kasama nito.

Samantala, pinadalhan na rin ng PEP ng text message ang manager ni Claudine na si Shirley Kuan para makakuha ng pahayag mula sa mag-asawa.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

396 Comments

  • 256  myca_bag

    05/06/2012 | 11:10 PM
    napanood ko ang vid neto, mukhang nadehado talaga dito si mon tulfo. pinagtulungan talaga siya kasama pa ang mag-asawang war freak. hahahaha kaloka ang mga kaganapan ngayon, puros jombagan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  roxie_rookie

    05/06/2012 | 11:05 PM
    in raymond's attempt to protect his bipolar wife, nadiin pa lalo...knowing tulfo,...makakasuhan siya ng grave physical injury, si tulfo walang ano ikakaso dun eh ng video lang naman..wala namang batas na bawal mg video...so good luck raymond sa kaso mo along with ur wife na laos...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  alexis2222

    05/06/2012 | 11:04 PM
    grabe... alam natuing lahat lalo na ng mga nag byahe.. nangyayari talaga ang lost baggage... karapatan ni claudine ang mag reklamo... pero pwede namang mag reklamo ng hindi nag-sisigaw or nagmumura... kalokah si tita klaw... nababalita nalang pag nasasali sa gulo... hahahhahaahahah...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  Meredith

    05/06/2012 | 11:02 PM
    shame on you claudine and raymart you were hitting a man who is already down for a cell phone video come on.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  amfkah

    05/06/2012 | 10:58 PM
    kahit ako ang nasa kalagayan ni claudine magagalit at kung pede murahin ang mga taga cebu pacific para matauhan sila na ayusin serbisyo nila ggawin ko. aba bakit kelangan si claudin o ibang tao magmakaawa/umagree nalang sa kanila sa kapalpakan nila tama lang sa knila makatikim na massamang salita kung inaayos nila ang serbisyo nila edi hindi sila nakaktikim ng ganun sa ibang tao.delayed ok lang pero yung tipong maiiwan bagahe ang as far as i eheard madami ganyan ngyari sa iabng tao hindi na makatwiran yan. ngkataon lang artista si claudine at dapat nating isipin kahit pa sabhn may attitude problem yan si claudine tao padin yang napipikon.cno ba naman ang matinong tao ngingiti kahit alam mo masyado ng naagrabyado ka kapag ngbayad ka para sa serbisyo nila tpos ganun mapapala mo. about kay tulfo kahit pa sabhin reporter sya kung cocern talaga sya sa FA edi sana tumawag sya ng mga officer sa naia hindi eh inuna nya pagvideo. pano nalang kunwari hindi alam nila raymond na navideohan sila nila mon? anu mangyayari
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  pear1102

    05/06/2012 | 10:58 PM
    246bac_tol 05/06/2012 | 10:47 PMPara sa mga fans ni Claudine. Wag sana kayong magalit kung meron mga hindi natutuwa sa mga pinaggagagawa ng idolo nyo. Hindi ipokrita tawag dun kundi pagbibgay ng sariling opinyon. Saka ganyan talaga ang life, you can't please everyone. Matuwa na lang kyo at may news na naman tungkol sa idolo nyo. Mabuhay! Haha! ---- HAHAHAHA. I'M A FAN.. CAN'T STOP LAUGHING. HAHAH..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  magnus_ni

    05/06/2012 | 10:57 PM
    Ala talaga kwents security ng airport natin.Sa interviews kala mo kawawa sila Claudine at Raymart, napakasinungaling naman pala pareho bagay nga sila.Since celebrity kayo at ayaw nyong makita ng tao kung anong klaseng tao kayo magbehave kayo pag sa public place kayo.Buti nga ang hambog na si Tulfo ang nakabangga nyong mag-asawang parehong may tama sa tuktok for sure hindi kayo tantanan sa ginawa nyo.Sinungaling hambog at matapang na hambog nagkabangga magandang laban.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  bac_tol

    05/06/2012 | 10:56 PM
    Ang ipokrita, yung maninigaw ka, magmumura ka, mambubugbog ka, tapos sasabihin mo na wag kang gawing sinungaling kse kristiyano ka. Hindi importante kung sino unang sumuntok. Ang mas malala eh yung hindi parehas na laban. Kristiyanong gawain ba yung magtulong tulong para bugbugin yung may edad ng tao? Parang yung kay Albie lang. Kahit sabihin na nating may kasalanan sya kay Andi. Hindi pa din tama na bugbugin sya. Yan na ba ang "in" ngayon? Ang maging bayolente??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  PTnextdoor

    05/06/2012 | 10:53 PM
    just saw the video on youtube...pinagtulungan si mon tulfo, even si claudine nkikisuntok dahil ung security kay mon lng nkahawak,too late nung nilayo si raymart, and malinaw ung snabi ni raymart na "hindi pa ko tapos jan" sana malinaw ung cctv ng airport para malinawan ung issue..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  starqueen

    05/06/2012 | 10:51 PM
    I saw the video and if I were Tulfo - I will sue this couple. The man was already on the floor and they still kept on hitting him. Ay naku Raymond - why did you listen to your half neurotic wife. You wanted to hide her unbecoming behavior with the steward only to end up with a bigger and may I say would soon be a criminal case. Tulfo was doing what a reporter was doing - record something that has attracted his attention. And as someone has said here - these days - you need not be a reporter to record such an event. People in the public light should realize that everyone these days is a reporter. Even CNN recognizes this and encourages people to forward their stories, pictures and videos. Eto pa kayang si Tulfo na tunay na reporter ang hindi gumawa nyan. Tulfo was probably protecting his phone from being taken from him - which is the normal reaction. It is expected that they would have exchanged harsh words - pero to continue to hit a man who is already on the floor is another story. Some Hollywood stars hav
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  pear1102

    05/06/2012 | 10:50 PM
    240bac_tol 05/06/2012 | 10:31 PMHello 235Galila, paki ko kay Claudine. Kahit sino pa yang bumugbog kay Tulfo. Kahit si Juday at Ryan pa yan, o Jolina and Mark, kahit pa si Nora Aunor at John Rendez, magcocomment at magcocomment ako kse mali ang manakit ng kapwa tao! Kung ok lang syo maging palengkera at butangera, sa kin hindi ok maging boksingera lalo na kung wala kang gloves! Haha! ---- YOUR POST ARE REALLY AMUSING. YOU MADE ME LOL. HAHAHA.. NICE ONE BAC_TOL.. KEEP IT UP!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  nnayehr

    05/06/2012 | 10:49 PM
    OMG totoo ba ito??? c claudine yan? at c reymart ehh sinakal pa c mon tulfo...nakita ko sa video sa youtube...i mean, oo mali c mon tulfo na kinunan nia c claudine pero they could have handled it in a mature and right way...d ung ganyan na pag tutulungan xa...d naman makatao yan...nasan ang tamang batas dun??? akala ko ung ibang artista ehh educated sa nakita ko walang education na nangyari dun...ang OA nila REYMART!!! mga sinungaling pa...sa nakita ko nga na video ehh d nakalaban c mon tulfo..at c caludine sumasabay pa...wow!!! chaka bkit sila guilty? dahil talak xa ng talak dahil sa nawawalang gamit nila?? ako nga nawalan ehh hindi nag ganun...calm lang ako nakipag usap...natural madaming bagahe, hahanapin pa ung box...at sana pakiusapan c mon tulfo na wag kunan c claudine ehh kung harrassment naman ang ginagawa ni caludine...porket artista may karapatan magtatalak??? hoy! pare pareho lang taung tao!!! ang sabihin nila ayaw nila makita ng tao na may UGALING KALYE sina reymart at claudine..lahat ng tao may b
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  bac_tol

    05/06/2012 | 10:47 PM
    Para sa mga fans ni Claudine. Wag sana kayong magalit kung meron mga hindi natutuwa sa mga pinaggagagawa ng idolo nyo. Hindi ipokrita tawag dun kundi pagbibgay ng sariling opinyon. Saka ganyan talaga ang life, you can't please everyone. Matuwa na lang kyo at may news na naman tungkol sa idolo nyo. Mabuhay! Haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  jasmyn

    05/06/2012 | 10:41 PM
    I just saw the video... Naka isa naman pala si tulfo..nasapak nya din si raymart.. Kaso grabe naman pala si claudine! At ang mga sikyo, ano va yan! Mga nakatingin lang..paikot ikot lang sa nag aaway..tapos ang hinawakan pa si tulfo.. Kung sino ung nanugod,un pa ang pinabayaan nilang manapak! Hayzzzz!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  okidokimac

    05/06/2012 | 10:40 PM
    Ok lang mairita, pero huwag mong murahin yung empleyado dahil hindi niya kasalanan yun... Ngayon kung na videohan ka kasalanan mo parin yung clauding kasi gumawa ka ng eksena, eskandalo sa public place... Anu ang karapatan ni Raymart na kunin ang cellphone ni Mon tulfo...? Kung kinunan man ni Mon ng video yung pangyayari para ma scoop niya TRABAHO niya po iyon. .. . Hindi ba alam ni Raymart ang FREEDOM of the PRESS...? Alam ba ni Raymart kung bakit kinukunan ng video ang asawa niyang walang hiya...? DAPAT kay Raymart kasuhan ng assault resulting to serious physical injury... Mahihirapan siyang mag paliwanang niyan sa korte, lalo na may video ng suntukan, kita naman na walang laban si Mon Dahil marami sila Raymart. Bakla pala si Raymart eh, pumapatol sa may edad na. . .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  DamonSalvatore143

    05/06/2012 | 10:38 PM
    natural na mairita kapag nawalan ng bagahe. ang problema kay Claudine, naturally palengkera talaga yan, bastos, at walang modo! kala mo kung sinong royalty na mapagmataas kung magsalita. sana i-upload ni Mon ang video.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  Lzqm

    05/06/2012 | 10:36 PM
    About worth it... Sa statement ni claudine, now tanong ko lang sa kanya worth it din ba if napatay nila ang tandang tulfo at naging ccccrrrriiimmmiiiinnnnaaaalllsss sila dahil sa pagtututulong tulong nilang pambugbog. Wag naman daanin lahat sa yabang at basag ulo. Vinideo lang naman o picture, sa tingin ko wala masamA. Kahit marian rivera may video ng pagmmura wala violence. Ayaw nia ba makita ng tao ang totoo nia ugali. Transparency is such a thing, kaya the word paparazzi exists, hindi alam kelan meron at san. Behave if artista wants good publicity and image. Kaya laos, laos din ugali. Kung reklamo pala un for poor service so dapat wala masama ivideo ang complaint nia with matching pangit behavior daw hehe. Cool is the word of the day.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  liwayway

    05/06/2012 | 10:34 PM
    yung mga kumuha ng video habang nagsusuntukan sila, pinagtulungan din ba nina claudine at raymart afterwards? madaling mag-empathize kung lost luggage ang issue. yang suntukan is a different matter. kanya-kanyang version ang lumabas, so kunin ang security tape sa airport para malaman kung sino ang nagsisinungaling.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  bac_tol

    05/06/2012 | 10:31 PM
    Hello 235Galila, paki ko kay Claudine. Kahit sino pa yang bumugbog kay Tulfo. Kahit si Juday at Ryan pa yan, o Jolina and Mark, kahit pa si Nora Aunor at John Rendez, magcocomment at magcocomment ako kse mali ang manakit ng kapwa tao! Kung ok lang syo maging palengkera at butangera, sa kin hindi ok maging boksingera lalo na kung wala kang gloves! Haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  Max_08

    05/06/2012 | 10:28 PM
    Root cause of the problem? .. Dahil sa nawalang bagahe .. Ngwala c Claudine kc nga di xa masagot ng maayos ng ground staff .. Pareho clang may Mali .. For clau i guess normal tlga na mairita ka if nawalan ka ng bagahe .. But da diff is .. Celebrety ka girl.. Sa ordinaryong tao ok lng .. For the airline company CEBU Pacific .. Ilang reklamo pa ba ang gusto nyo pra ma improve ang Customer service nyo.. Mr Gocongwei .. Mag alot naman kau ng budget for training ng mga tao nyo .. Manpower is ur best assets .. Charot!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About