news

Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 155504 Views | 396 Comments

Ayon sa eyewitness na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang away sa pagitan nina Raymart Santiago at Mon Tulfo ay nag-ugat sa pagrereklamo raw ni Claudine Barretto sa airport.

Photo By: Screen grab from GMA-7

Nagkaroon ng kaguluhan kaninang tanghali, May 6, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sangkot sa eskandalo ang columnist/TV host na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
    

Isang eyewitness ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita niyang nagwawala si Claudine Barretto sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Galing ang mag-asawa mula sa Boracay, at nagmula naman sa Davao City si Tulfo.
   

Ayon sa eyewitness, nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

Sa panayam ng dzMM kay Tulfo, sinabi nitong awang-awa siya sa ground steward na tinalakan daw ni Claudine.

Sa hiwalay na interview naman ng dzIQ kay Tulfo, sinabi nitong pilit daw na kinukuha ni Raymart at ng mga kasama nito ang kanyang cellphone. 

Nauwi ito sa palitan ng mga suntok.

Namula raw ang mga mata at namaga ang mukha ni Tulfo dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa kanyang mga attacker.
   

Nagtungo ang magkabilang panig sa Investigation and Intelligence Division ng Airport Police Station para sa kanilang mga statement at complaint.
    

Mapapanood ngayong hapon sa Showbiz Central ang exclusive interviews kay Mon at sa mag-asawang Claudine at Raymart tungkol sa insidente na kanilang kinasasangkutan.

Ipinakita ni Claudine sa Showbiz Central ang pasa niya sa binti dahil natadyakan daw siya ni Mon habang nakikipagsuntukan kay Raymart at sa mga kasama nito.

Samantala, pinadalhan na rin ng PEP ng text message ang manager ni Claudine na si Shirley Kuan para makakuha ng pahayag mula sa mag-asawa.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

396 Comments

  • 196  jasmyn

    05/06/2012 | 09:45 PM
    Ano nga ba ang issue dito? Ung pagkawala ng bagahe ni claudine? Ung pagwawala nya? Ung pagkuha ng video? O ung pambubugbog kay tulfo? Andami atang pagpipilian , so dapat malaman kung ano ang pinagmulan... Pero isa lang ang dating sa kin nya, that's entertainment! De vah kuya germs? Lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 195  yamnt2007

    05/06/2012 | 09:44 PM
    Grabe yung video merong lalaki na humawak sa leeg ni tulfo habang binubugbog sya ni raymart at claudine! Isang tao andami bumugbog?!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 194  edmund_galila

    05/06/2012 | 09:44 PM
    si TULFO MAGALING LANG PAG IBA IM SURE KUNG SHA NAWALAN NG LUGGAGE MASAHOL PA SA ASO ANG GAGAWIN NIYANG PAGMUMURA SA AIRLINE STAFF. NAKU TIGILAN NI TULFO KALOKOHAN NIYA HE GOT WHAT HE DESERVE. PAKIALAMERO KC.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 193  angel25

    05/06/2012 | 09:43 PM
    ito namang dalawang to na self proclaimed at super proud na maging born again ang lagi na lang may mga kaaway. ano ba yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 192  pear1102

    05/06/2012 | 09:35 PM
    CLAUDINE BARRETO IS SIMPLY PALENGKERA. NO CLASS AT ALL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 191  blithe

    05/06/2012 | 09:34 PM
    pwede naman magalit without resorting sa pagmura sa tao. you can be angry but still keep your dignity. but what can we expect from claudine? hindi naman ito first time na nagwala siya in public. on the part of raymart, pwede naman siguro niya kausapin ng maayos si tulfo at magrequest na wag na lang ilabas ang pics o video. maraming cases ng ganito sa america, yung mga paparazzi na kumukuha ng private pics ng celebs. some stars turn violent, but there are also those who request in a nice way. sa part naman ni tulfo, sa media siya eh. natural instinct nila ang kumuha ng news. im sure kung ordinaryong tao yun, kukunan din niya ng pic and then lambast the airline sa radio. the point of it all is, lahat pwede pag-usapan ng maayos. what made this incident worse is the fact na isang tao pinagtulungan ng marami. kung sino ang nauna, kung sino may kasalanan is no longer relevant.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 190  Geresh7

    05/06/2012 | 09:30 PM
    pear1102 05/06/2012 | 09:15 PM 172jasmyn 05/06/2012 | 09:06 PM Siguro ung iba jan, di pa nakaranas mawalan ng bagahe at hindi pinapansin ng mga staff... Natatawa na lang ako sa mga gumagamit ng term na breeding dito.... Naalala ko tuloy ng ang persian cat namin na nalahian ng pusang kalye.... Hahahahaha! ------ NO CLASS AT ALL. SHE COULD HAVE HANDLE IT PROFESSIONALLY AND WITH BEARING. ITS DISGUSTING. SHE IS BECOMING LIKE A PALENGKERA QUEEN LIKE MARIAN... ======Pano naman naisingit dito si MArian? Pangit ka cguro anu at promding galing sa vismin na uto-uto ng Kapamilya channel?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 189  jasmyn

    05/06/2012 | 09:28 PM
    Sorry pearl, pero nakakarelate ako kay claudine... Im not a fan of her, pero nangyari na sa akin yan.. No one bothers to check and recheck.. I asked for the incharge, supervisor or manager... Pero kung saan saan ako tnuturo... Pagod ka na sa byahe, pagod ka pa kahahanap sa kung sino sinong tinuturo.... Nung magwala na ako at umalsa ang boses ko, lahat ng staff na nakatayo lang at nakikipagchismisan sa tabi tabi, pati ang mga admin na nasa tabing office came out to know what's going on, saka lang nila tsinek ang problema ko... Mabilis pa sa speed ng ferrari na nahanap ang bagahe ko! Lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 188  malditapokemon

    05/06/2012 | 09:28 PM
    kung ayaw nyong mavideo wag kaung mag-artista...part of being celebrity is losing your privacy....natural kukuhanan yan ni mon dhil scoop yan noh! never kng nagustuhan ang babaeng ito dhil cya din dahiln ng pagkawask ni rico yan.hmp!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 187  GMAsimplyTHEbest

    05/06/2012 | 09:28 PM
    napanood nio na ba ung video kung paano pagtulungan ng mag aswang laos na ito at isang kaibigay ng unanong raymart si Mon Tulfo... tapos may gana pang magsinungalaing ang lukaret na si claw-claw na tinadyakan daw xa.. if i know nakuha lang nya yun sa pag awat sa kanya ng mga security guard... kung wala keo ginagawang masama bakit galit keo ng kunan keo ng video?? mga palusot ng mag asawang laos na ito sablay...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 186  Speed_OfLight

    05/06/2012 | 09:26 PM
    may poser na nag-wawala dito. napainum na ba ng gamot yan? down boy.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 185  pear1102

    05/06/2012 | 09:23 PM
    178silangan24 05/06/2012 | 09:13 PMkasi naman ang press kung makapag-video lang. walang respect sa privacy ng mga artista. sa mga airport staff at airlines sana ayusin nyo ang service nyo para walang gulo ---- PRIVACY? THEY ARE A PUBLIC FIGURE AND THAT IS THEIR LIFESTYLE... GO FIGURE IT OUT MATE...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 184  GMAsimplyTHEbest

    05/06/2012 | 09:21 PM
    hindi tamang reaksyon ni claudine ang ganun, dahil lang sa nawalan xa ng gamit... pwede naman xa magreklamo ng maayos at ng may diplomasya.. ganyan dapat ang ginagawa ng normal na tao, ang ginawa ni claudine na pagiging butangera gawin ng isang lukaret na babae gaya nya... haist humanda ka unanong Raymart at lukaret na Claw-claw... hindi kayo tatantanan ng tulfo brothers... si Cesar Montano nga nabahag ang buntot ng magkaroon sila ng away ni Erwin Tulfo, eh ikaw pa kaya unanong raymart....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 183  malditapokemon

    05/06/2012 | 09:21 PM
    laos na kaya wala ng reputasyon na pinapahalagaan...sabagy even before na sikat sya ganyan na ugali nya palengkera pero mas lumala nga lng ngyn dhil d na takot masira kc sirang sira na.kawawa nmn sya pangit kc ugali kya ambilis nalaos smantlang si juday lalong nagboom ang career nung mag-asawa.tsk,tsk.ganyan din mangyayari ke CR.malapit nadin karma nya.haha.kahit pa nawala ang bagahe pwed nmn magrekramo in a nice way noh.tao ang mga attendant na yan hnd hayop.kulng pa ung pasa nya na un.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 182  bac_tol

    05/06/2012 | 09:20 PM
    Napanuod ko na yung video ng pambubugbog nila kay Mon Tulfo. Eh kuyog pala ginawa ng mag-asawa at ng tropa nila! Yung isyu tungkol kay Claudine na nangmumura ng staff sa airport eh dati pa daw nyang gawain yan. May minura din daw yang tauhan sa airport nuong maiwan sya ng flight nya. Dagdag ko na din yung sinigawan nyang teller at manager sa bangko. Hindi naman bawal magalit noh, ang masama eh yung sisigawan mo mo yung mga staff na trabahador din lang naman ng kumpanya. Pwede namang magreklamo ng maayos. Magwala ka kung binastos ka ng staff, o kung sya mismo nakawala ng bagahe mo. Ang mas nakakairita dito kay Claudine is yung lagi nyang pinangangalandakan na Christian sya pero panay naman ang mura!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 181  partyPPol

    05/06/2012 | 09:19 PM
    masyadong MAYABANG!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 180  pear1102

    05/06/2012 | 09:18 PM
    180edmund_galila 05/06/2012 | 09:14 PMnaku mga walang modo ang tulfo...natural lng na reakyons ng normal na tao ang reaksyon ni claudine..mga d normal ang matutuwa pa pag nawalan ng luggage..un iba jan makareact d pa yata nakakasakay ng eroplano puro jeep lng nasasakyan kaya ang nawawala ay pamasahe lang...GWOW up pipol...know the sides of the story... kau kaya mawalan ng gamit..si tulfo KUNG SHA NAWALAN NG GAMIT IM SURE MASAHOL PA SA ASO ANG PUTAK NIYA MAS MATINDI PA ASA MURA ANG ATITIKMAN NG AILINE STAFF...MAGALING LANG SHA PAG IBA..PAG SA KANYA NANGYARI SURE LALO GRABE. ---- THIS CLEARLY SHOWS WHAT KIND OF PERSON YOU ARE.. NO CLASS AND BREEDING AT ALL. PLS DO NOT JUSTIFY A WRONG DOING WITH YOUR SHALLOW EXCUSES. SHE COULD HAVE SHOWED SELF RESTRAINT AND DISCIPLINE.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 179  pear1102

    05/06/2012 | 09:15 PM
    172jasmyn 05/06/2012 | 09:06 PM Siguro ung iba jan, di pa nakaranas mawalan ng bagahe at hindi pinapansin ng mga staff... Natatawa na lang ako sa mga gumagamit ng term na breeding dito.... Naalala ko tuloy ng ang persian cat namin na nalahian ng pusang kalye.... Hahahahaha! ------ NO CLASS AT ALL. SHE COULD HAVE HANDLE IT PROFESSIONALLY AND WITH BEARING. ITS DISGUSTING. SHE IS BECOMING LIKE A PALENGKERA QUEEN LIKE MARIAN...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 178  edmund_galila

    05/06/2012 | 09:14 PM
    naku mga walang modo ang tulfo...natural lng na reakyons ng normal na tao ang reaksyon ni claudine..mga d normal ang matutuwa pa pag nawalan ng luggage..un iba jan makareact d pa yata nakakasakay ng eroplano puro jeep lng nasasakyan kaya ang nawawala ay pamasahe lang...GWOW up pipol...know the sides of the story... kau kaya mawalan ng gamit..si tulfo KUNG SHA NAWALAN NG GAMIT IM SURE MASAHOL PA SA ASO ANG PUTAK NIYA MAS MATINDI PA ASA MURA ANG ATITIKMAN NG AILINE STAFF...MAGALING LANG SHA PAG IBA..PAG SA KANYA NANGYARI SURE LALO GRABE.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 177  GMAsimplyTHEbest

    05/06/2012 | 09:14 PM
    kawawa naman si Mon tulfo pinagtulungan ni Raymart at ng kaibigan nya, at itong si dabyanang claw-claw... lukaret talaga tindyakan daw siya, baka naman nakuha lang nya yung pasa nya sa benti sa pag awat sa kanya ng mga security guard habang nagwawala siya sa pagsuntok at pagsabunot sa natumabang si Mon tulfo sa pagsuntok ni raymart at ng kaibagan nya...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About