news

Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 155374 Views | 396 Comments

Ayon sa eyewitness na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang away sa pagitan nina Raymart Santiago at Mon Tulfo ay nag-ugat sa pagrereklamo raw ni Claudine Barretto sa airport.

Photo By: Screen grab from GMA-7

Nagkaroon ng kaguluhan kaninang tanghali, May 6, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sangkot sa eskandalo ang columnist/TV host na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
    

Isang eyewitness ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita niyang nagwawala si Claudine Barretto sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Galing ang mag-asawa mula sa Boracay, at nagmula naman sa Davao City si Tulfo.
   

Ayon sa eyewitness, nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

Sa panayam ng dzMM kay Tulfo, sinabi nitong awang-awa siya sa ground steward na tinalakan daw ni Claudine.

Sa hiwalay na interview naman ng dzIQ kay Tulfo, sinabi nitong pilit daw na kinukuha ni Raymart at ng mga kasama nito ang kanyang cellphone. 

Nauwi ito sa palitan ng mga suntok.

Namula raw ang mga mata at namaga ang mukha ni Tulfo dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa kanyang mga attacker.
   

Nagtungo ang magkabilang panig sa Investigation and Intelligence Division ng Airport Police Station para sa kanilang mga statement at complaint.
    

Mapapanood ngayong hapon sa Showbiz Central ang exclusive interviews kay Mon at sa mag-asawang Claudine at Raymart tungkol sa insidente na kanilang kinasasangkutan.

Ipinakita ni Claudine sa Showbiz Central ang pasa niya sa binti dahil natadyakan daw siya ni Mon habang nakikipagsuntukan kay Raymart at sa mga kasama nito.

Samantala, pinadalhan na rin ng PEP ng text message ang manager ni Claudine na si Shirley Kuan para makakuha ng pahayag mula sa mag-asawa.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

396 Comments

  • 96  roxie_rookie

    05/06/2012 | 07:49 PM
    CELEBRITY IS AS CELEBRITY DOES. ha..ha...paano na ngaun yan...lalong WALANG NG CAREER ANG malditang claudine baretto na iyan...too bad si mon tulfo ang nakabangga nla na isa ring palaaaban..ha..ha..ha..SERVED YOU JUST RIGHT GUYS!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  jill_pep

    05/06/2012 | 07:46 PM
    I pray for Claudine and her family to be protected from any serious ramifications this incident may cause in the future. We love you Claudine!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  seabulletin

    05/06/2012 | 07:45 PM
    90. PEAR1101... A shout back at ya! Hope you're cool. xoxo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  pear1102

    05/06/2012 | 07:43 PM
    nag iisa lang ang tunay na warfreak.. ang poser kong si pearlyshell.. hahaha.. from laosyang deep gaya ng idolet nyang starlet na si mariang buwang. ang pinaka warfreak sa lahat. hahaha.. say mo claudine?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  seabulletin

    05/06/2012 | 07:41 PM
    84. PEARLYSHELLS.... Here's some SHREWD COUNSEL for you- the inclusion of TV NETWORKS to validate your opinion about a certain Filipino celebrity should be perpetually sidelined. xoxo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  jill_pep

    05/06/2012 | 07:40 PM
    I hope Cebu Pacific airs their side. Claudine is asking/demanding CEBU PACIFIC to release the CCTV footage. I agree with this. Para once and for all, malaman kung sino nagsimula ng gulo. at uulitin ko lang, PEAR1102, NONSENSE KA. Telling you once wasn't enough. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  pear1102

    05/06/2012 | 07:39 PM
    hay naky pearlyshell. iniwan na kita sa article ng idolet mong psychology hanggang dito sunod ka pa din.... hahahaha.. game on! hello seabulletin. wazzup!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  pear1102

    05/06/2012 | 07:35 PM
    basagulera talaga itong si claudine at barombado si raymart. bagay nga silang mag asawa. hahah. tatak kapusoy. hahha. gumigimik ang dalawang laosyang deep.... naman.. alangan namang si marian lng ang palengkera at palaaway dba claudine? papatalo ka ba. hahaha... aber...... hhahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  pearl102

    05/06/2012 | 07:34 PM
    80 pear1102 05/06/2012 | 07:24 PM TATAK KAPUSOD! SAY MO PEARLYSHELL. HAHAHA.. --------------------Look at this CERTIFIED PALENGKERANG CABRON na POSER ko naghahanap na naman ng away. Will the real WAR FREAK please stand up??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  pear1102

    05/06/2012 | 07:34 PM
    basagulera talaga itong si claudine at barombado si raymart. bagay nga silang mag asawa. hahah. tatak kapusoy. hahha. gumigimik ang dalawang laosyang deep.... naman.. alangan namang si marian lng ang palengkera at palaaway dba claudine? papatalo ka ba. hahaha... aber..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  magnus_ni

    05/06/2012 | 07:34 PM
    celebrity kang naturingan anong privacy ang iexpect mo lalo na nasa public place ka at nangtatalak ng tao. yan ang risk ng trabaho ni tulfo as reporter at yan ang price ng being celebrity ng siraulong tulad ni Raymart at Claudine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  seabulletin

    05/06/2012 | 07:32 PM
    70. STARQUEEN.... The COST of the LUGGAGE? You're OVERSIMPLIFYING it! Have you even bothered to consider the CHATTELS INSIDE the luggage? Perhaps it/they was/were something sentimental, unreplaceable etc.? Having said that, losing one's composure in given situations will only escalate the problem, not solve it. xoxo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  pearl102

    05/06/2012 | 07:31 PM
    Hindi ako maka Claudine pero natural reaction lang naman ang magalit ka kung mawalan ka ng luggage. Huwag gamitin ang mga networks dito dahil kung tutuusin, nasa DOS pa lang iyan matindi na ang attitude niyan. Kaya nga hindi siya hinabol ng DOS to think na siya ang PRIMETIME QUEEN nila noong time na lumipat siya di ba??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  jill_pep

    05/06/2012 | 07:30 PM
    perfect example si pear1102. NONSENSE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  jill_pep

    05/06/2012 | 07:26 PM
    thank you coolest_06 for that unbiased comment. Isa akong Claudinian, but I do admit Claudine may have crossed a line. Ganon sya ka-totoong tao eh. She acts by her insticts which unfortunately on this case, has taken the best of her. Pero sana isipin ng mga tao na hindi naman irrational si Claudine na bigla na lang magko-confront sa isang staff ng walang dahilan. Please people, comment on the issue not just for the sake of 'makalait' on the person you don't like. May mga comments na totally nonsensical and irrelevant. Ang tatapang manlait ng tao porket nakatago sa mga keyboard ng computer nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  pinktiger

    05/06/2012 | 07:25 PM
    kht sino mgre-react kung nawalan ng bagahe. Given na nagalit si claudine at ngmura? Tama na bang i-video agad ni Mon ang sitwasyon without asking what's the real story. Mas hahanga pa sana ako k Tulfo kung kakalmahin nlng nya si claudine eh sa ginawa nya lalo nya ginalit pati asawa nyang si raymaart. Kung si raymart ang ngre-react at ngmumura eh mas pangit eh ung babae nman at wag kau plastik kung nde rin kau mgwawala kun g bagahe nu nawala. Mabuti nga sa tulfo yan diba ang siga nu sa TV.. nde ko sinasabing tama si raymart na nakipagsuntukan pero Salamat sa pgtatanggol mo kay claudine at for sure kung nde sumuntok si tulfo eh nde sya susuntukin ni raymart dhl matanda na kaya si tulfo nu?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  pear1102

    05/06/2012 | 07:24 PM
    TATAK KAPUSOD! SAY MO PEARLYSHELL. HAHAHA..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  nenetski36

    05/06/2012 | 07:23 PM
    the incident happened in a public place so legal ang pagkuha ni tulfo ng video..eh reporter din siya kaya trabaho niya yun. nagtatalak si claudine in public na NAMAN, if Tulfo wants to report this in his show, dapat lang may ebidensya. Mali si Raymart sa pananakit niya sa Tulfo. IT should be Tulfo and the NAIA people who should be complaining against this couple.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  Paradigm

    05/06/2012 | 07:18 PM
    Napapariwara na si Bantatay at si Iglot.. ang tatanda na... Tsk tsk... VERY KAPUSO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  changdubai

    05/06/2012 | 07:16 PM
    kung dito sa UAE ginawa ni tulfo ang pagkuha ng video ng walang paalam kulong siya ng 6 months.. sa pinas kasi okey lang gawin ang mga bagay na ganyan. at kung ako ang mawawalan ng gamit sa airport magagalit din ako, lalo na kung importanteng mga bagay ang nawala sau...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About