news

Raymart Santiago and Mon Tulfo engage in fistfight over flare-up video of Claudine Barretto at the airport

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 155369 Views | 396 Comments

Ayon sa eyewitness na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang away sa pagitan nina Raymart Santiago at Mon Tulfo ay nag-ugat sa pagrereklamo raw ni Claudine Barretto sa airport.

Photo By: Screen grab from GMA-7

Nagkaroon ng kaguluhan kaninang tanghali, May 6, sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sangkot sa eskandalo ang columnist/TV host na si Mon Tulfo at ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.
    

Isang eyewitness ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakita niyang nagwawala si Claudine Barretto sa counter ng NAIA 3 dahil nawawala ang bagahe nila ni Raymart.

Galing ang mag-asawa mula sa Boracay, at nagmula naman sa Davao City si Tulfo.
   

Ayon sa eyewitness, nakita ni Raymart na kinukunan ni Mon ng video sa pamamagitan ng cellphone camera ang pagwawala ni Claudine.

Ito raw ang pinagsimulan ng gulo.

Sa panayam ng dzMM kay Tulfo, sinabi nitong awang-awa siya sa ground steward na tinalakan daw ni Claudine.

Sa hiwalay na interview naman ng dzIQ kay Tulfo, sinabi nitong pilit daw na kinukuha ni Raymart at ng mga kasama nito ang kanyang cellphone. 

Nauwi ito sa palitan ng mga suntok.

Namula raw ang mga mata at namaga ang mukha ni Tulfo dahil sa mga suntok na tinanggap niya mula sa kanyang mga attacker.
   

Nagtungo ang magkabilang panig sa Investigation and Intelligence Division ng Airport Police Station para sa kanilang mga statement at complaint.
    

Mapapanood ngayong hapon sa Showbiz Central ang exclusive interviews kay Mon at sa mag-asawang Claudine at Raymart tungkol sa insidente na kanilang kinasasangkutan.

Ipinakita ni Claudine sa Showbiz Central ang pasa niya sa binti dahil natadyakan daw siya ni Mon habang nakikipagsuntukan kay Raymart at sa mga kasama nito.

Samantala, pinadalhan na rin ng PEP ng text message ang manager ni Claudine na si Shirley Kuan para makakuha ng pahayag mula sa mag-asawa.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

396 Comments

  • 36  Pedrohh

    05/06/2012 | 04:34 PM
    worst talaga ang airport jan sa pinas grabeh maraming pangyayari na mawawalang ng bagahi mapa local at international flight iwan koba jan sa mga staff ng airport kahit ganyan ginagawa nila walang mga disiplina kaya ang mga tourista ang pangit ng tingin nila sa pinas.... si claudine i understand kung mawalan ka ng gamit iinit talaga ng ulo un nga lang celberity xa dapat i kontrol din niya pero di maiwasan iinit ang ulo mo sa ganyan sitwasyon ito naman si tolfo dapat hindi niya nag video kasi may prvacy din ung tao kahit artista yan parang bakla 2 si tolfo kasi ehosera din hehhee buti na lng nabug bog hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  edmund_galila

    05/06/2012 | 04:32 PM
    kita ninyo ba at dinig ninyo na nagwala? kau makahusga??? sawsaw...wala kau proof..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  pretty

    05/06/2012 | 04:19 PM
    29 antagal ng kakapuso mo si claudine hanggang ngayon di mo pa naturuan. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  pretty

    05/06/2012 | 04:18 PM
    29 hello angtagal ng kakapuso mo si claudine. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  ka_epal

    05/06/2012 | 04:15 PM
    NAKAKAHIYA ang artista ng GME! kay TATANDA na eh kumikilos pa din ng ganito??? shame shame shame on you GME!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  ashsss

    05/06/2012 | 04:12 PM
    at least may pag uusapan tungkol sa GMA ARTIST COUPLE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  malaya2007

    05/06/2012 | 04:08 PM
    sa dami ng taong me cellphone with cam ngayon i doubt kung si tulfo lang gumawa nun. dapat ineexpect na ni claudine na atista sya kaya agaw pansin, e mas lalo na pag nagwala sya. Pano kung ordinaryong miron lang yung nag vivideo e di nabugbog. Claudine pg suntukan na lalayo ka kasi talagang masasaktan ka, kanya kanyang wasiwas ng kamao yan eh hindi naman sila nagiisip kung kanino tatama yung suntok basta na lang susuntok at sisipa yang mga yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  Speed_OfLight

    05/06/2012 | 04:07 PM
    Purong kapamilya, di naturuan ng abs-cbn starmagic si claudine ng tamang asal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  pretty

    05/06/2012 | 04:06 PM
    ano ba yan... mainit kasi ang panahon ngayon kaya mainit din ang ulo ng mga tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  pinas48

    05/06/2012 | 04:04 PM
    next time ms.claudine ingat sa pagdeal mo ng problem in public dahil isa kang artista..maaring hindi lang si mr. tulfo ang ngvivdeo sayo dahil kilala ka pa rin naman kahit pano.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  milomilo123

    05/06/2012 | 04:02 PM
    si raymart lang pala ang katapat ni tulfong duwag, matapang lang sa salita kasi may hawak siyang lapis at papel. tama lang na pinagsuntok ni raymart si tulfo , akala mo kong umasta parang siya lang ang tama...good job raymart godd job.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  ayenbratz

    05/06/2012 | 04:02 PM
    kung nawala sya ng gamit ok lang naman na mag wala sya.pero wag naman nyang sabihan na ipapatanggal sa trabaho..ano sya? may ari ng eroplano?? pep make your story komplete..kulang2 eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  malaya2007

    05/06/2012 | 03:57 PM
    understandable na magwala kung nawawala nag bagahe pero paano ba ngagwala as in walang wala na puro mura ang lumabas sa bibig yun foul yun. Mali naman na basta basta mo na lang agawin ang cellphone ng may cellphone pagnanakaw yun, madadala naman siguro yun sa mabuting usapan, yung pagkuha ng video ginagawa ng lahat yan kahit ordinaryong tao nasa konsiderasyon na lang ng kumukuha kung ilalabas nya yun, yan ang isang disadvantage ng technology ngayon, kahit sino pedeng kumuha ng video at ipost sa internet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  winonao1

    05/06/2012 | 03:46 PM
    pwedeng mag best friend etong si claudine at cristine reyes hehehe joke anyway in a way naiintindihan ko si claudine kasi nakakainis naman talaga yung mawalan ng bagahe pero sana pinigilan nya na lng sarili nya o di kaya ok lng yung magalit pro wag naman yung MAGWALA talaga dba lalong lalong lalo na celebrity sya dba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  purong_kapamilya

    05/06/2012 | 03:45 PM
    Tsk tsk mga taga GMA nga naman..number one sila...Number one sa mga awayan hahahahahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  bulagafan

    05/06/2012 | 03:45 PM
    bakit naman pinatulan ni raymond si tulfo e ang tanda na noon. kaya nga maingay gaya sa tubig e mababaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  hototguy

    05/06/2012 | 03:45 PM
    Karanasan ko ng mawalan ng isang item sa Airport natin. Wala di naman silang action. Sasama lang loob mo. Kaya tama na magwala lalo pagmalaking bagay na ang pinag uusapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  fabglam

    05/06/2012 | 03:43 PM
    Ang hilig kasing makisawsaw nyang mga Tulfo na yan may maibalita lang, mayayabang! Tama ba namang kuhanan ng video si Claudine dahil lang sa may kinocomplain sa Cebu Pacific na laging palpak ang serbisyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  lizdwacky

    05/06/2012 | 03:42 PM
    Haay naku sinumpong nanaman si Clau ano bah yan! Bat kase kailangan magwala sa airport naman.. Ok lang magalit since nawawala bagahe mo pero kung magsisisigaw ka dun at baka nagmumura pa eh yun ang hindi naman maganda kalokah! Si Mon Tulfo naman bat naman kumukuha pa ng video anu ba yan di sana kung gusto nya yan ibalita eh sana sa TV nalang. Hindi na kinunan pa ng video. Nagtataka lang ako dito kay Raymart baket ba hindi nya makontrol yang asawa nya pag sinusumpong na? Pwede naman nya yan sabihan na huminahon at madaming taong nakakarinig at nakakakita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  hototguy

    05/06/2012 | 03:38 PM
    Dapat nga talagang magwala, maraming nawawalan ng gamit dyan sa airport dahil marami rin ang tumatahimik. Ang malas lang ni Claudine, nandyan si ate Mon at umiiscoop ng chika.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About