news

Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 154180 Views | 398 Comments

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)

Photo By: Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
  

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.
  

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest.  Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.  

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

398 Comments

  • 138  lefty

    05/07/2012 | 07:02 AM
    sus kung hindi pa kinuyog si mon baka TKO si raymart..luka luka na talaga yang mag asawa na yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  snowhitetx

    05/07/2012 | 07:01 AM
    Ang sabi ni Claudine sa interview niya na napanood ko lang dito sa You Tube, naroon pa ang mga anak niya at concern niya napanood sila ng mga anak niya. Kung ganoon sana, umawat na lang siya hindi yung nakipag punong braso pa. Isang Raymart at Claudine at isang Tulfo. Mga tinitingala ng mga tao. Sino man ang nauna, keso si Tulfo, si Raymart or si Claudine. Ang ginawa ninyo sa public ay karumaldumal sa mata ng mga tagahanga ninyo. Hindi lamang sa inyong taga hanga kundi sa public. Kung natadyakan ka, pinabayaan mo na lang sana tutal karapatan mo ang maghabla. Kung nawala ang luggage mo, wala kang karapatang upang bulyawan o paratangan o pagalitan ang emplaydo ng airlines na nadestino sa Manila sapagkat wala naman siyang kinalaman ang pag dispatch sa luggage ninyo. Bagkus niresolba mo ito ng walang commotion upang hindi ka nagnakaw ng atensyon ng publiko. Santiago at Barretto kayo ano ang aasahan ninyo? Kung ang ordinaryong tao nga, kinukuhanan ng video, kayo pa kaya na mga celebrities?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  milomilo123

    05/07/2012 | 06:57 AM
    first round pa lang TKO si tolpo....///////Raymart winner by technical knockout...bravo again raymart..job well done. I am proud to be a filipino.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 06:54 AM
    To be fair hanga ako sa kanila for being there for each other. It shows na intact sila na gano kamahal ni Raymart si Claudine. So cute in that aspect!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  snowhitetx

    05/07/2012 | 06:53 AM
    Opinyon ko lamang. Ang mga artista ay pag-aari ng publiko. Binabantayan ng bawat kilos mo kaya dapat ang mga artista ay dapat lamang na mag-ingat ang mga kinikilos nila. Matutong magtimpi at karapatdapat lamang na kumilos sila bilang modelo sapagkat sila ay mga publikong modelo kaya nga sila ay umaarte sa telebisyon at sa pelikula. Sa salitang IDOL, inaidollize sila ng mga tao. Expect mo na bawat kilos at galaw mo, sinusundan kahit pa hindi ito journalist, reporter o di kaya writers. Ako man siguro ang nasa airport at nakarinig ako ng ganoon commotion at Raymart at Claudine pa ang nasa commotion, aba kukunan ko talaga camera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  lefty

    05/07/2012 | 06:47 AM
    nakakatawa itong si claw na ito at pati anak dinamay sa pag iyak..GG pala sya eh yung pagtalak at pagmumura nya sa babae eh naririnig dun ng anak nya..painumin na yan ng valium..sira ulo na ang babaing ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  fabglam

    05/07/2012 | 06:45 AM
    Dapat idimenda rin yang Cebu Pacific dahil sa palpak nilang serbisyo! Naiintindihan ko sina Claudine kasi nangyari na rin sa akin yung mawalan ng bagahe maiinis ka talaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  ClawClown

    05/07/2012 | 06:36 AM
    Ayan, Klawklaw strikes again! Hindi nagsisinungaling ang video. Raymart, hindi ka nga pinalaki ng mga magulang na maging ganyan. Pinag-aral ka pa nga sa La Salle. Kaya lang ang pinili mong asawa maganda lang sa panlabas. Imbes na ikaw mag-impluwensiya na umayos si Klaw, ikaw pa ang nagpa-impluwensiya. Pwes, tapatan na lang kayo ni Mon Tulfo. Nakahanap kayo ng katapat ninyo. At please lang, huwag nyo nang gamitin ang mga anak nyo para makakuha ng simpatiya at tigilan na ang paggamit ng salitang 'we are Christians.'
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  dreamer

    05/07/2012 | 06:32 AM
    since LAOS naman na sya, it's but time for some anger management therapy. she's so down the drain! lumabas na talaga BAHO niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  pretty

    05/07/2012 | 06:25 AM
    si mang tulfo ang gustong mang-scoop tapos siya ang na-scoop at headliner pa. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  pretty

    05/07/2012 | 06:24 AM
    ang taray ni aling claudine, ayan nasipa tuloy ni mang mom, sinugod pa ni aling claudine si mang mom. taray.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 06:24 AM
    Sana nakipagsuntukan din si Annabel at Nadia! Mga artista these days mga pasttime daig ang mga tao sa talipapa! Pero keri lng, pag hinintay mo ang batas hahaba pa eh. Tapusin na right there and then! Pabilisan na ngayon diba? Digital na diba? Kahit nga ako wala sa Pilipinas updated sa gulo sa airport naten. Kung may katwiran, PAGLABAN NYO!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  pretty

    05/07/2012 | 06:21 AM
    Pala-away si Claudine - ate Gretchen niya, Angel locsin, Angelica Panganiban, Mr. M, airline counter, iglot, etc. etc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  pretty

    05/07/2012 | 06:16 AM
    kung naki-usap ng tama si claudine sa airline counter di sana umabot sa bogbogan, nawalan ng poise si claudine. pala-away pala siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  lefty

    05/07/2012 | 06:13 AM
    tatlo ang tulfo brother tatlo rin kayong nga santiago..ubusan na ng lahi...patay kayo sa nga tulfo..humanda na kayong mag asawa sa tulfo brother..sira ulo na itong mag asawa na toh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  jill_pep

    05/07/2012 | 06:11 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  sweetum

    05/07/2012 | 06:10 AM
    nasaktan sila Claudine dahil sinugod nya si tulfo. Thanks sa nag upload atleast nakita na sila Raymart ang pumunta kay Tulfo na sumugod at sunod sunod din si Claudine. Naawa ako kay Tulfo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  lefty

    05/07/2012 | 06:05 AM
    nagrereklamo ka clau na nasipa ka luka luka ka pala eh sugod ka ng sugod natural masisipa ka...humanda kayo sa nga tulfo brother baklang raymart..kailangan mo ng i shackle yang luka luka mong asawa raymart!!..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  lefty

    05/07/2012 | 06:02 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  chowee143

    05/07/2012 | 05:54 AM
    mahina tlaga mga sekyu sa airport, na gang up c tulfo, kitang kita sa vid na cnakal ni raymart patalikod c tulfo ska pnag susuntok ng guy na nka pink ska ni claudine, nde sna mangyayare to kung alert, may proper training ska phsyically fit mga sekyus or meron cla crisis management training, may nag sisigaw pa cge cge cge!!! wag mko hawakan!! hehehe kulang tlaga , dami kulang sa airport. may sekyu pa don nde alam gagawin, takot umawat, e kung tutuusin may right ang sekyu don hawakan cla raymart ska claudine nde lng c tulfo kc nagugulo ang buong airport at passengers. hay nku mga skeyu nde alam ang karapatan nila. porket mga celebrities e naduwag na ay onli n d pinas na naman! WALANG ALAM MGA STAFF N SEKYUS!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About