news

Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 154161 Views | 398 Comments

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)

Photo By: Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
  

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.
  

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest.  Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.  

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

398 Comments

  • 118  sweetum

    05/07/2012 | 05:38 AM
    kitang kita sa video na si Raymart ang sumugod pati si Claudine tumutulong na manuntok kay Tulfo. Yong scratches na nakuha ni Claudine kakasugod nya yon habang pinagtutulungan nila si Tulfo. Too bad for Claudine and Raymart may nag upload nitong video at hindi pa kampo ni Tulfo maybe concerned citizen kaya nakunan yong ginawa nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  chowee143

    05/07/2012 | 05:28 AM
    nkapag tataka alang reaksyon ang cebupac at airport hehehe ung cctv ata ng airport e not working ata for display only hayyst nku tas pag nalagay sa pnka worst na airport e dami daldal ng aiport authorities, naghihikayat pa ng turista, isa nnmn damaged sa airport na kakalat nnmn sa buong mundo, pilipinas kong mahal npapabayaan kna ng sobra sobra!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 05:22 AM
    OO na may point ang both parties. Kaso you cannot point your fingers na kesyo mas may right si Claudine or Tulfo or yung Cebu Pacific na magalit. Don't underestimate emotions. Kung ako lng eh gusto kong MAGWALA sa lahat ng pagkakataong nabastos ako sa DFA or any public agencies, nagtitimpi lng ako dahil private citizen ako pero yung trato na nakukuha ko sobra pa sa alipusta!!! May mga airline staff na masidhi ring manghamak at kahit na highblood ka na eh walang simpatiya kahit plastikan lng. Gusto ring makipagbunuan sayo. CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT. Asan na ang kasabihang ito? Ako naman ay never nakipagsuntukan sa kahit kaninong staff, pero I wish I did. Sa lahat ng nanghamak at alipusta sa akin, this one is for you. Go Claudine, hehe! At kay Tulfo naman scoop nya yun dahil media sya. Pero tandaan nyo kung kayo ang Mister hahayaan nyo ba na ganunin asawa ninyo? THERE IS MORAL na mapupulot dito. Know your boundary!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  FusionHan

    05/07/2012 | 05:18 AM
    Mas asal palengkera at walang pinagaralan pa nga si Claudine kesa kay Marian
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  lotwina

    05/07/2012 | 04:59 AM
    Naku mon tulfo tama lang na hindi ka nagpasindak sa mga laos na yan. Porke artista sila akala mo mga untouchables. Pwe! Tama lang na ilabas mo ang lahat ng mga kagaspangan ng mga paguugali ng mga artistang naglalakihan na ang mga ulot akala mo kung sino na sila. ang yayabang wala naman real talent talaga yang magasawang barumbado na yan. wahhahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  chowee143

    05/07/2012 | 04:58 AM
    tsk, nangangamoy resbak to sa mga tulfo bros n apos, kitang kita sa vid pnag tulungan ng mag asawa at nkaladkad pa ng mga sekyus c tulfo, aping api c tulfo sa vid bukod sa matanda na mukhang knawawa pa.. hmmm ubusan ng lahi to, twagin mna c atong ang claudine hehehe hire na ng bodyguards.. inferness naawa ako ke tulfo ha, being a hardcore ska respetadong media man , ung pagkaka balandra nya sa floor at pnag tulungan e mejo nkakagigil un.. kung tatay ko c tulfo aba e lagot sa pnaka lagot ang mag asawa hehehe lagot kau ke tulfo hala lagot kau hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  chowee143

    05/07/2012 | 04:44 AM
    opkors malaking ksalanan ng cebupac ang lhat pero come to thnk of it guys, cebupac is a lo budget airlines dnt expect too much like a royal service and natural din magalit jst incase nwawala ang bagahe pero kung iisipin lht nmn ng airlines may nwawalan din ng bagahe ol over d world, ika nga prang nde nmn inaasahan at kagustuhan ang lht ng ito pero sna man lng mag reak ang cebupac at ayusin ang serbisyo, pero nkaka lurkey ang securities sa airport ha, to thnk maliit lng cla claudin at raymart ala man lng pumagitna at umawat or ung normal procedure ng security system, isa lng hnawakan nila c tulfo, panu na if mga dambuhala mag amok sa airport mag tataguan na lng ? tsk kya pnaka worst ang airport ng pnas e
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  lotwina

    05/07/2012 | 04:42 AM
    GUSTO PANG PAGTAKPAN ANG KAMALDITAHAN NYA, hoy hungas na claudine kung hindi ka guilty makahaharap ka naman sa tv para ipaliwanag yon. Nasa public place ka hindi ka nagiingat sa kilos mo. Trabaho ng isang media hindi mo maintindihan, kahit pa hindi si tulfo yan basta media kukuhanan talaga kayo. halata tuloy na wala kayong pinagaralan ni raymart. Yan ang nagyayari sa mga artistang wala ng trabaho, nabuburyong na, konting bagay lang nagiinit na ang ulo, mga nawawala na sa katinuan dahil hindi matanggap na LAO S na sila. bwahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  hhamlin

    05/07/2012 | 04:39 AM
    hahaha ang drama ni Claudine may pa iyak iyak pa sya samantalang sa video ang tapang nya. Parang sya pa yata ang na nununtok kay tulfo habang si raymart sabunot ang ginagawa kay tulfo lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  PTnextdoor

    05/07/2012 | 04:38 AM
    Ano kaya mangyayari dun sa staff ng cebu pacific kung lahat ng nakaiwan ng baggage tinalakan sya. Kung sa ibang bansa nangyari to kay claudine magagawa nya kaya talakan ang staff ng airlines. Nkakainis tlga, maiwanan ng baggage pero it does nt giving them the right na mambastos at mag threaten ng staff. Dun sa nag upload ng video may nagalit ba, dahil kinunan nya ng video ung nangyari, same thing din kay Mon reporter sya, artista si claudine na nanghahamak ng tao. Natural lang na gawin nya un dhil reporter sya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  lotwina

    05/07/2012 | 04:36 AM
    Knowing tulfo, hindi sya mag uumpisa ng gulo, media sya natural lang yung ginawa nya, kahit hindi yan sina raymart at claudine uusisain nya rin kung anong dahilan ng kaguluhan at kukunan nya yan para may ebidensya. Yang mag-asawang yan kilalang pangit ang ugali, si claudine mayabang at matapobre at si raymart naman pikon. hahah. Ano ba naman ang ikinakatakot nyo kung makuhanan kayo ng picture e mga celebrity naman kayo, yun lang mga guilty ang takot, so GUILTY KAYO CLAUDINE AT RAYMART kaya pilit nyo inagaw kay tulfo yung camera pero nung hindi nyo makuha pinagtulungan nyo na syang suntukin. Yuk pati si claudine sumali pa sa gulo yan ang napala mo natadyakan ka pa kahit na hawak pa ni raymart si tulfo at hindi na makasuntok at pinagtutulungan nyo pa kahit papano nakakatadyak pa sya,.wa-poise ka claudine, wa-class, ang sagwa mo! Kunsabagay mukang boxer at wrestler na nga hitsura mo ngayon e. wahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  liwayway

    05/07/2012 | 04:34 AM
    nabugbog din ba ang kumuha ng video na ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  lanalang08

    05/07/2012 | 04:18 AM
    si claudine instead na umawat eh nakisuntok at tadyak rin siya. may sayad na nga talaga itong si claudine. wala na kasing career kaya kung ano ano ang pinaggagawa. kung ako ang clerk na sinusurot surot niya uupakan ko siya. ano palagay niya sa mga clerk nang airlines walang pakiramdam. walang mga modo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 04:14 AM
    Walang suntukan na naganap kung walang video. Walang video kung walang nagwala. Walang nagwala kung walang baggage na missing. Root cause analysis tayo. CEBU PAC HAS LOUSY SERVICE. Wag nyo nang ligawin ang issue, may karapatan si Claudine magwala. Yung level ng pag wild nya, ibigay na natin sa kanya yun. Private na yan. Pangit man or mali sino kayo para husgahan yung tao? It is between her and the customer service person. Hindi kayang tumbasan ninuman ang emotional value ng missing baggage nila. Kung maayos nilang hinandle ang customer naagapan ang pagwala. Kulang sa training kaya ganon. Ikaw naman Tulfo, this is part of your job as a paparazzi. Malas mo lng nandyan ang asawa at may kaibigan pa. Wrong Timing ka Dong. Wrong place, wrong Time. Habol mo scoop to disgrace Claw Claw. Trabahante ka ba ng Cebu Pac? Gusto mo lng magkapera eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  javakula

    05/07/2012 | 04:12 AM
    Maaring may mali si Claudine pero sumosobra na rin itong mga Tulfo sa pakikialam to the point na nakakapikon na. Oo reporter ka pero marunong ka din sanang lumagay sa ayos. Di mo pa alam kung bakit nagwawala si Claudine. Yes, mali ang airline dahil nag decide silang iwan ang mga luggage ng passengers. Of course kahit ako eh maiinis din pag nalaman ko on my arrival that my luggage was left behind, specially kung merong necessities doon. Mga tulfo, magbigay naman kayo ng respeto at huwag i abuse ang lagi ninyong excuse na reporters kayo. Get some news worthy stories, not someone complaining about their luggage. Geeez!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  topengga

    05/07/2012 | 03:48 AM
    Magmula ng lumipat si Claudine, wala nang nabalitaan tungkol sa kanya kung hindi puro negative. Nanlalalaki, nagdra-drugs, may kaaway, unprofessional, money issues nilang magasawa at saka ngayon, umbagan sa airport. Nakakahiya ang babaeng ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  milomilo123

    05/07/2012 | 03:46 AM
    parang si KOTTO si tulfo . Yan ang napala mo yabang, sigue raymart kokotohan mo pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  topengga

    05/07/2012 | 03:42 AM
    Hindi magsisinungaling ang video. Itong magasawang Santiago, parehong laos na kasi. Kung hindi sila nahiyang i-broadcast na nagnanakawan sila ng bank account, wala rin silang hiya pag dating sa suntukan. Mukhang may katapat si Annabelle Rama. Claudine, sira ulo, Raymart, nahawaan na rin. Walang delikadeza. Nakakahiyang pareho. Kasama pa naman ang mga anak. Kaya nga parehong laos na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  glen

    05/07/2012 | 03:41 AM
    Dapat lang naman talakan ang mga tao ng Airline. porke ba artista kaya nya bini video han.. Dapat tinuliyan na si Tulfo hindi naman mga straight yang brothers na yan. mga ba ya ran din yan. Tama ba? Sen Lacson.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  empress_mortal

    05/07/2012 | 03:31 AM
    Grabe pinagtulungan ang matanda.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About