news

Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 154157 Views | 398 Comments

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)

Photo By: Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
  

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.
  

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest.  Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.  

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

398 Comments

  • 18  winged_angel

    05/06/2012 | 11:44 PM
    Ito talagang si Claudine, lason sa buhay ng mga nagiging karelasyon niya. Nung sila pa ni Mark, may binugbog na subdivision guard yung group ni Mark dahil lang humingi ng id, instead na mang-awat, sumali pa si Claudine at tinadyakan yung guard. Tapos heto na naman. Nakisali pa sa karambola. Masama talaga ang ugali!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  winonao1

    05/06/2012 | 11:42 PM
    HINDI KAPLASTIKAN ANG PAGKAKAROON NG MAGANDANG ASAL that applies to any person celebrity or not.. im not a fan of judy ann pero i doubt kun sa kanila nangyari eto ganun din ang gagawin nila ky mon tulfo.. like i said im not judging her or them coz of their celebrity status kahit ordinaryong tao lng yan so far sa VIDEO nato ang simpatya ko ay kay mon tulfo. klarong-klaro naman eh.. AYON KY CLAUDINE SI MON TULFO ANG NAUNA papaano ako maniniwala sa kanya eh ang sabi nya tinadyakan daw sya at pinagmukhang sya pa ang kawawa eh kung papanoorin mo ang video NAKIGULPI NGA SYA EH! LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  pear1102

    05/06/2012 | 11:39 PM
    7milomilo123 05/06/2012 | 11:27 PMTEAM RAYMART AKO. KAILANGAN PA BA ANG BREEDING2 KONG IKAW AY NAAGRABYADO. PWEHHHHH BREEDING.. GOOD JOB R AN C --- SANA MABUGBOG KA DIN PARA MALAMAN MO NA MALI ANG GINAWA NI CLAUDINE AT RAYMART. ECHOSERANG PALAKA.. WALANG UTAK!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  winged_angel

    05/06/2012 | 11:39 PM
    Anong epal, eh sa public place nag-eskandalo si Claudine. Everyone and anyone had the right to film her. Bakit sa bahay ba kinunan ng picture ni Tulfo? Sa airport kaya. Tapos mang-aagaw sila ng celfon. Gagawa ng eksena tapos magagalit kung kukunan ng litrato. Kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  istoryahe

    05/06/2012 | 11:38 PM
    hahahaha christian??????? dapat sa management sya magalit hindi un mumurahin nya un ground stewardess at babanta pa sya na ipapatanngal nya sa work. dapat maging mabait sya di na nga sya sikat napag iwanan na ni Judy Ann Santos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pear1102

    05/06/2012 | 11:37 PM
    1milomilo123 05/06/2012 | 11:01 PMgood job raymart and claudine, dapat turoan itong mayabang na reporter akala mo mayari ng inquirer --- BASAGULERANG BAKLA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  candice76

    05/06/2012 | 11:34 PM
    hinde ako agree na pinagtulungan si tulfo kse matanda na pero i think nauna syang sumuntok sa iba pang kasama kaya sya napag tulungan. kse kayang kaya naman ni raymart yan kahit malaki pa sya kase may idad na at si raymart eh black belter. sana nga ilabas na ang cctv para malaaman na ang totoo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  xenaako

    05/06/2012 | 11:33 PM
    Dapat din nman magalit ang costumer nyo kng ganyan ka palpak ang service ng isang airlines. porket artista wla ng karapatan magalit? umiiyak ang steward kamo? bakit? kasi dinuro at sinurot? ang dami kayang security guards sa Terminal 3, imposible naman tingnan lng sila ng guards. Wag naman natin ilagay sa atong utak na kapag artista dapat MAGANDA LAHAT ANG IPAPAKITA. KAPLASTIKAN NA YUN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  winonao1

    05/06/2012 | 11:30 PM
    ive seen the video di naman nakita doon na nauna si tulfo in fact pinagtulungan nga sya eh kawawa sya tingnan matanda na pala yang si Mon Tulfo actually di ko sya kilala.. ano yung sinasabi ni claudine na sinipa sya? pinagtulungan na nga ni raymart at yung kaibigan nya si mon tulfo etong si claudine imbes umawat nakigulpi pa sya.. search nyo sa youtube Claudine Barreto Raymart Santiago VS Ramon Mon Tulfo Airport Fight at kayo na ang humusga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • xenaako

    05/06/2012 | 11:29 PM
    I think tama si Claudine, ilabas ang CCTV! GO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/06/2012 | 11:27 PM
    TEAM RAYMART AKO. KAILANGAN PA BA ANG BREEDING2 KONG IKAW AY NAAGRABYADO. PWEHHHHH BREEDING.. GOOD JOB R AN C
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • MrsFBI

    05/06/2012 | 11:26 PM
    nakakahiya si claudine...pinagsisgawan pa naman niya na christian daw siya hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pedrohh

    05/06/2012 | 11:24 PM
    para sa akin wala sana gulo kung hindi nag pa EPAL itong si tulfo... echosera kasi mayabang sabi pa niya nag picture lang daw xa... hindi video....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • slickchick02

    05/06/2012 | 11:19 PM
    team tulfo! hindi believable palusot ni raymart and claw, basagulero yang si raymart and may temper, sya ang nag umpisa plus may reputation yang si claudine, i believe tulfo in what he saw na sinisindak ni claw ung ground stewardess about what happened, they demanded the video to be shown to the public para kunwari hindi guilty
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • grinandgiggles

    05/06/2012 | 11:15 PM
    di nman siguro basta na lang susuntukin ni tulfo si raymart kung wala itong ginawa o sinabing di maganda...me kulang sa kwento pero syempre only witnesses can tell kung ano talaga ang nangyari dahil wala naman tayo dun. ..sana lang di init ng ulo ang pinagana nilang lahat para walang nasaktan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Manster10

    05/06/2012 | 11:14 PM
    mas maganda pa tong laban nato kaysa Cotto at Mayweather heh., pero sa npanood kung video ala namng ginawa c Tulfo parang sya ung pinag tulungan.,well cgurado marame pang video ang maglalabasan sabi pa nga hindi nag sisinungaling ang ebidensya ng video wew.,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • milomilo123

    05/06/2012 | 11:01 PM
    good job raymart and claudine, dapat turoan itong mayabang na reporter akala mo mayari ng inquirer
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About