news

Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 154288 Views | 398 Comments

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)

Photo By: Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
  

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.
  

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest.  Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.  

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

398 Comments

  • 338  humandynamics

    05/07/2012 | 04:33 PM
    Ang Cebu Pacific daw ay sinasadyang iwan talaga ang ibang bagahe for safety reason. Paano na lang kung connectiong flight? hanggang kailan sila maghihintay para sa bagahe nila? dahil domestic lang naman ang Cebu Pacific hindi naman didiretso sa final destination nila at kailangan nilang i check in ulit sa international flight.. shees, thats the dumbest ive ever heard kaya nga may limit ang bagahe para walang iniiwan.. siguro nagka cargo din sila imbes na para sa passengers baggage tumatanggap sila ng mga cargos dahil another income na naman yon.. hayyyys ewan puro corrupt, matatakaw. totoo nga ang sabi kaya hindi umaasenso ang pinas maraming matakaw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 337  mai_chan

    05/07/2012 | 04:20 PM
    kuntodo pose si claudine sa pagkasabunot nakabikangkang pa lol..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 336  snowhitetx

    05/07/2012 | 04:13 PM
    Zeelin pa rin, panoorin mo ang video sa youtube. Sinabi ni Mr. Tulfo HINDI NAMAN NILA AKO KALABAN. Kinukuha ang cp ni Tulfo na doon nagsimula. Kung walang tinatago si RC huwag silang mangaba doon sa kinuhanan na pictures. Simple lang naman iyon. Tignan mo nga kung sino ang may galos at pasa? Diba si Tulfo? Yung pinakita ni Claudine ay dumi lang yun ni wala ka ngang makitang reddish or bluish sa hita niya. Kung ang concern niya ay ang mga anak niya dahil nakita ng mga bata, doon palang sa pagtatalak at pagmumura niya sana naisip niya na nandon ang mga anak niya. Pangalawa sana umawat siya sa asawa niya hindi yung nakitulong pa siyang makibugbog. Siya lang ang babae doon nakibugbog.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 335  snowhitetx

    05/07/2012 | 04:09 PM
    Zeelin, kung sa akin nangyari yung kay Claudine. I will be calmed and directly talk to the management who is more responsible in answering the missing luggage. Ano ang maisasagot ng isang ordinaryong staff na hindi naman niya responsibility na sagutin ang mga nawawalang bagahe. Wala akong karapatan na alipustahin, pagalitan, pagsisigawan at murahin ang ground attendant according to Mr. Tulfo kaya niya kinuhanan ng pictures sila RC
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 334  zeelin

    05/07/2012 | 03:53 PM
    this sad incident is caused by no.1 poor and inefficient customer service of cebu pacific and sadly incompetent and not well trained staff no. 2 lack of respect on the part of mr. tulfo, they make money at the expense of other people's weaknesses no.3 claudine for just being human and true to herself....friends we dont have the right to judge because we dont know the whole story....if you were in claudine's shoes being not informed with luggage, what would you have done?and to make matters worst mr. tulfo came in....with her lame excuse of being concern for the attendant....ya right....open your mind and not only your eyes people...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 333  dos_ampalaya4ever

    05/07/2012 | 03:37 PM
    Stick to the topic marian_pukpikina..wag papansin!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 332  Prd2bpnay8

    05/07/2012 | 03:26 PM
    Kapag lumamig na ang mga ulo ng mag-asawa na ito at ng mga kasamahan nila sigurado ako na magsisisi sila sa ginawa nila. Sirang-sira na ang image nila at na-expose na ang mga kawalanghiyaan nila sa publiko. Lalo na kayong malalaos at wala ng career. Magiging katulad kayo ni Nadia Montenegro, paglaki ng mga anak niyo ay pag-artistahin niyo para buhayin kayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 331  fagero

    05/07/2012 | 03:20 PM
    I dont like claudine, but i also dont like mon tulfo. Between them, mas maraming kasalanan sa bayan si tulfo kasi nakipagsabwatan siya noon sa mga arroyo para sirain ang mga kritiko nila na ang layunin lang naman e maexpose ang mga kawalanghiyaan sa bayan ng kurakot na mag-asawa. So dito, kay claudine ako susuporta kasi mas malamng kaysa hindi, gagamitin ni tulfo saageexaggerate ng balita ang mga kinuha niyang video or photos.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 330  lotwina

    05/07/2012 | 03:17 PM
    Ang papanget naman ng issue kay claudine, parang ang baho na ng image nya. parang YUNG HITSURA NYA PAPANGET NG PAPANGET. Hindi na rin sya nakakapagparetoke ng lips buti pa si sis gretchen michael jackson baretto. Hwahahahah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 329  ayabaolinteu2

    05/07/2012 | 02:54 PM
    as usual, pinagpipiyestahan ang claumartulfo istorya ng mga pinakamagagaling na judges, psychologists, psychiatrists, scientists at hetzetera ng peplandia.. hahaha. haynakow ang gulo nyo pero ako'y naaaliw. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 328  ayabaolinteu2

    05/07/2012 | 02:49 PM
    as usual, pinagpipiyestahan ang claumartulfo istorya ng mga pinakamagagaling na judges, psychologists, psychiatrists, scientists, at mga hetzetera ng peplandia... hahaha. haynakow ang gulo nyo pero ako'y naaaliw.. hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 327  lotwina

    05/07/2012 | 02:44 PM
    Ang hirap sa ilang malditang artista na ito porke kilala sila akala mo kung sino na umasta. Hoy kayong dalawang LA OS na ,mag asawa, pakiamoy lang at baka nakakalimutan nyong MABAHO rin ang utot nyo no. bwahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 326  kapuspalad1

    05/07/2012 | 02:43 PM
    kung ako siguro nakakita ng ganito, involve asawa ko, di na ako makakagalaw..si claudine, grabe..hahaha!!at iiyak pang natadyakan daw..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 325  paminchever4u

    05/07/2012 | 02:40 PM
    sisihin din dapat dito ang cebu pacific na yan kung ndi dahil sa kapalpakan nila d sana magkakaganyan yan.. gahamad kasi yan cebu pac na yan... kakaloka sila.. ni ultimo nga un mangga na nakalagay sa paper bag na check in baggage sa cebu pac ninanakaw eh yan pa kaya mga bagahe na yan na nawawala... kakaloka tlaga yan cebu pac na yan.. kung ndi delay mawawala ang gamit mo... madami na reklamo sa kanila kaya wag sila mag malinis mga chosera...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 324  lotwina

    05/07/2012 | 02:34 PM
    Tatalakan mo ang isang staff na wala namang alam sa nangyari? Mas mabuting ipatawag mo ang manager at doon ka magtatalak. Ganyan yata talaga ang epekto sa utak ng mga taong nalalala os, nababawasan ang brain cells. bwahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 323  HornBlower

    05/07/2012 | 02:26 PM
    Walang sino man ang may karapatang murahin ang staff at abusuhin ang mga ito dahil lamang sa pagkawala ng mga bagahe nila. Sa management kayo mag complain at idemanda ang management kung kinakailangan. Pero ang murahin at takutin na patatanggal sa trabaho ang isang empleyado dahil lamang sa delay ng flight o ng kanilang bagahe ay hindi ito makatao. Maaring artista ka pero ang empleyado ng airline ay tao ring katulad mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 322  HornBlower

    05/07/2012 | 02:21 PM
    Ngayon naman kinukuha nina Raymond at Claudine ang simpatiya ng publiko ginagamit pa man din ang mga anak. Dapat kasi bago nila nagawa ang pambubugbog inisip na nila kung ano ang magiging resulta nito sa kanilang mga anak.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 321  lotwina

    05/07/2012 | 02:19 PM
    Maldita. brat lang talaga si clau, paanong scoop ang magiging hanap ni tulfo e hindi naman nya kilala si claudine at raymart, akala nga nya isang mabunganga, mataray at mapanlait na mat rona lang tong si claudine, patunay yan na wala naman syang kinikilingan kilala man o hindi, kukuhanan nya talaga dahil may nakita syang pang aapi na nagyayari doon na hindi nya basta mapalampas dahil tumutulong nga sila sa mga naaapi. At lalo na ayaw pang paawat tong si claudin sa pamamahiya sa staff na wala naman kinalaman sa nawawala nyang diary.Yun yon . bwahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 320  paminchever4u

    05/07/2012 | 02:18 PM
    kung ako din naman kay claudine tama na talakan ko ang staff na yan madaming beses na din naman nagkakaron ng ganon problema kaya tama din na talakan tlaga sila ng bongga... kung ako din naman mawawalan ng gamit tatalakan ko tlaga yan airlines na yan no' pinaghirapan ko un mga gamit ko tas mawawala na lang bigla syempre magagalit ako ng bongga.. about kay tulfo naman sa sobrang ka-epalan nya yan tuloy napapala nya more video sya kasalanan din nya un...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 319  Prd2bpnay8

    05/07/2012 | 02:09 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About