news

Video of fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, and Claudine Barretto goes viral

by Jojo Gabinete posted on May 6, 2012  STATS: 154182 Views | 398 Comments

Here's the video of the actual fistfight involving Mon Tulfo, Raymart Santiago, Claudine Barretto, and the couple's friends.

This version, however, doesn't show how the fight began. (CLICK HERE)

Photo By: Screen Grab from GMA-7 (main photos)/ YouTube (inset)

"Sana ilabas ng airport security ang CCTV," ang hiling ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Ito ay para malaman kung sino sa kanila ng columnist na si Mon Tulfo ang lumikha ng gulo kaninang tanghali, May 6, sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
  

Isang Glamchiq00 ang nag-upload ngayong gabi sa YouTube ng video ng insidente na kinasangkutan nina Raymart at Mon pero hindi ito kumpleto.
  

May pamagat na Mon Tulfo and Raymart Santiago/Claudine Barretto Celebrity Showdown ang video na halos isang minuto ang running time.

At press time, may mahigit 300 views na ito, ang ilang version na rin ang kumalat sa Internet.

Mapapanood sa video na nagsusuntukan ang isang lalaking naka-gray shirt at isa pang lalaking naka-vest, habang inaawat ng isang security guard ang isa pang lalaking naka-pink.

Maya-maya, nakawala ang huli at nakipagsuntukan din sa lalaking naka-vest.  Nakasunod ang isang babaeng nakasuot din ng shirt na kulay pink.

Naging agresibo ang lalaking naka-vest, at hinila niya pababa ang lalaking naka-pink habang nagsusuntukan. Hinawakan naman ng lalaking naka-gray sa leeg ang lalaking naka-vest.

Nang hindi nakapalag ang lalaking naka-vest, sunud-sunod na suntok ang inabot niya mula sa lalaki at babaeng naka-pink.

Naunang naawat ang lalaking naka-pink, at naiwan ang babae na patuloy ang pananadyak.

Mistulang tug-of-war ang nangyari dahil pinagitnaan ng lalaking naka-gray at babaeng naka-pink ang lalaking naka-vest.

Pitong tao ang umawat para matigil ang away, kung saan naiwan sa sahig ang lalaking naka-vest, na mamamataang si Mon Tulfo.

Ang lalaking naka-gray ay si Raymart, habang ang babaeng naka-pink naman ay si Claudine. Hindi na nagbihis ang mag-asawa noong nagpa-interview sa Showbiz Central.  

(CLICK HERE to view the video)

Dahil hindi kumpleto ang YouTube video, kailangan pa rin na ilabas ng airport ang video mula sa CCTV para ma-validate ang kuwento ng mag-asawa na si Mon ang unang sumuntok kay Raymart at nagalit ito nang makita niya ang dalawang beses na diumano'y pagtadyak ng broadcast journalist kay Claudine na ikinamaga ng hita ng huli.

THE STORY ACCORDING TO THE COUPLE. Heto ang detalyeng isinalaysay ni Raymart sa panayam ng Showbiz Central.

"From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

398 Comments

  • 298  lotwina

    05/07/2012 | 12:21 PM
    Last part na lang pala yang video na nakunan ng nagmalasakit kay tulfo at nag upload sa youtube. Dahil mabilis ang mga pangyayari, 7 pala ang mga basagulerong kasamahan nung barumbadong mag asawang lao s ang kumuyog kay tulfo sa simula ng gulo, kasama sila sa demanda,. Nakakatawa lang at kasali pa sa nangyaring gulo ang malapalakang pag ibabaw ni claudine, YUK ang panget ng hitsura. Para syang hindi celebrity, Wa-class, parang nasa palengke. Isang kilong tilapia nga aling claudine. bwahahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 297  MissHugoBacungan

    05/07/2012 | 12:16 PM
    PEACE AND ORDER STATUS AT ITS WORST. Eto na naman ang nagdudumilat na katibayan na walang PEACE and order sa bansang pinas. PNoy, showbiz cat fight itetch, gusto mong mag join, baka tumaas ang popularity points mo ulit sa survey kung maayos mo itetch!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 296  HornBlower

    05/07/2012 | 12:16 PM
    Nakunan din ng video ang mga biktima ng Maguindanao masacre. Kawalan din ba ng respeto sa pumaslang sa mga naging biktima dahil walang consent ito o permission sa gumawa ng krimen?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 295  lotwina

    05/07/2012 | 12:11 PM
    Nagdemanda na si mon tulfo sa pasay RTC laban sa mag-asawang barumbado at mga iba pa nilang kasamahang idol din sila sa pagkabarumbado. bwahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 294  kikay75

    05/07/2012 | 12:11 PM
    Dito sa video kitang kita na pinagtulungan si Mr. Tulfo....pero syempre sgradong may nagtrigger sa mag asawa kaya nila ginawa iyon. Minsan napapanood ko ang show ni Mr. Tulfo at sumosobra ang pananalita nya. lalu na kung guilty ang tao talagang babastusin nya. Pero hindi naman dapat iyon. Masyado sya kung manghusga. Ginagalang kita Mr. Tulfo pero sana matuto ka namang rumespeto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 293  HornBlower

    05/07/2012 | 12:08 PM
    Nakunan din ng video ang mga Pilipinong Caregivers sa London na sinasaktan ang inaalagaan nilang mga matatanda. Kawalan din ba ng respeto ang pagkuhang video na iyon dahil walang consent or permission? Paano mo masasabing mali ang kung ang hanap mo ay ebidensiya. Ang pagkuha ng video ay ebidensiya para mapatotohanan na inaabuso ng mga caregivers ang inaalagaan nilang matatanda sa London. At ang pagkuha ng video ni Tulfo kay Claudine ay ebidensiya para hindi mapasinungalingan ang maling pang aabuso nito sa mga staff ng airline.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 292  gossipboy

    05/07/2012 | 12:04 PM
    Kapag ikaw ay ARTISTA, dapat hindi lang doble kung hindi triple ang PASENSYA mo sa mga bagay bagay, because you will be looked at ng tao sa isang PUBLIC AREA dahil kilala ka. Kung sakaling kinunan ng litrato o video si Raymond at Claudine sa NAIA, that's the PRICE they have to pay for being ARTISTA. Nasa sa iyo kung gusto mong magpa-CONTROVERSIAL. O di ba, nasa huli ang PAGSISISI, sinayang nyo pa bakasyon nyo! Tsk. Tsk. Yang mag-asawa na yan talaga, MAINITIN ANG ULO. E ano kung nakunan kayo ng litrato o video na nakikipagtalo sa CEBUPACIFIC staff na yan, e may good reason naman kayo later on...Pero ang PANANAPAK O PAGTULUNG-TULUNGAN NG MAG-ASAWA ang MATANDANG TULFO, e WALA!!! Hay naku, Raymart at Claudine, laos na nga kayo, abala pa inabot nyo. Dapat KALMA lang sa mga bagay bagay, lahat sa buhay ay may solusyon. - Opinyon ko lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 291  sexydulce

    05/07/2012 | 11:56 AM
    saka bakit ayaw magdemanda ni tulfo... dahil guilty cya? kung hnd pa magdemanda yung mag-asawa, hindi cya mag counter-demanda. ayan tuloy nakatikim cya k action star raymart santiago. kaloka ang showbiz this week, from naunang bugbugan issue involving albie and andi, raymart and tulfo naman ngayun. kaloka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  wanna_change

    05/07/2012 | 11:54 AM
    kawalang respeto ang pagkuha ng video o picture sa sinuman kung walang consent o permission... unless, kung ang isang lipunan ay approve ang kanyang rude na kaugalian..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 289  Tweetumzz123

    05/07/2012 | 11:52 AM
    tulfo brothers pa rin ako,atleast sila napapakinabangan ng mga kababayan nating pilipino ang kaangasan nila,andaming kababayan nating kawawa na pinagsasamantalahan ng mga mas nakakataas,atleast ng dahil sa tulfo brothers maski papano nagkakaruon sila ng lakas ng loob na lumaban,pero itong mag asawa na baliw na ito perwisyo sa kapwa yung kasamaan ng ugali..wala naman sigurong tao na nasa matinong pag iisip ang gugustuhin na may magmumura sayo at ito si babae palagi na lang nagwawala,after nung sa bank account issue ito naman ngayon?! Kawawa naman yung mga taong napagbubuntungan nila ng galit...perwisyo talaga..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  pinay123

    05/07/2012 | 11:52 AM
    di naman natin alam ang buong katotohanan so let's not pass judgement. kung kukunan ka nga naman ng video at ipa brobroadcast sa internet at tv, sino ba naman ang di ma hi high blood.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  sexydulce

    05/07/2012 | 11:48 AM
    naku, i can't help but comment. yan ang napapala ng PAKIALAMERO at TSISMOSONG journalist. hello, magpakatotoo nga kayo! kung kayo man ang mawalan ng bagahe sa airport na naglalaman ng mga importanteng valuables, magwawala din kayo! for all you know, baka may laptop dun or other gadgets, etc! eh kung ako yun, ipapatawag ko ang manager at cya ang makakatikim sa akin. i can understand claudine. she is just human, hnd naman pwedeng sweet ka pa din nawalan ka na nga. i can understand the couple bursting out their frustration over the situaton to the ground stewardess. for sure, frustrated sila sa sitwasyon kaya sila galit. galit sila sa sitwasyon at hnd sa attendant. mga tao naman dito makahusga. baka kung kayo ang mawalan ng bagahae na may mga importatnteng laman, eh masahol pa reaction nyo. at ito namang c tulfo, porke artista eh, parang tsismoso na nag-video. respeto na lang di ba? mainit na nga ulo nung mga tao dahil nawalan ng luggage, gatungan pa nitong c tulfo, eh di lalong sumabog. saka bakit ayaw nya m
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  bumblebee1

    05/07/2012 | 11:46 AM
    at paano nasali ang agoncillo dito mga teh! wa care kami sa idol mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  Kazumichan

    05/07/2012 | 11:46 AM
    Kasalanan ng CebuPac and their incompetence. Hindi excuse ang Piso Fare sa poor service.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  flipflops123456

    05/07/2012 | 11:46 AM
    ung dispatcher ang may problema jan.may kanya kanya naman trabaho ang mga iyan.di lahat ng stafff na lalapitan about laguage ay aware sila.hindi?..unless ipaalam nila sa mga responsable na may kinalaman ja, di mo pwedeng ipagtanong sa accounting dept.yan.etc.etc. gets nyo.?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  bumblebee1

    05/07/2012 | 11:46 AM
    as if ang lilinis ninyo mga teh! ano daw? ikaw nawalan ng bagahe tapos di ka nagalit dahil my respeto ka? duh talk that to your own face teh kung kaya mo yan sinabi mo! huwag magsinungaling sa sarili mga teh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  HornBlower

    05/07/2012 | 11:45 AM
    Dahil nga sila ay HUMAN kaya nagkakasala. At ang kasalanan ay may angkop na kaparusahan at kapatawaran. Pero walang angkop na kasinungalingan para lamang maging tama sa mata ng iba at ng hustisya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  bumblebee1

    05/07/2012 | 11:42 AM
    empress mortal thats Jesus and Claudine and Raymart is Human!what Im trying to say is Even Jesus nagagalit tayo pa kaya na tao pa? we are not perfect lahat tayo makasalan! kung sinong nagsasabi na sila ay walang kasalan sila ay mga sinungaling! and CLaudine and Raymart si Human
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  HornBlower

    05/07/2012 | 11:41 AM
    Si Claudine at Raymart pa ang naagrabyado sa lagay na yon. Ibang klase talaga ang artista, konting iyak kala na nila kanila na ang simpatiya ng tao. Iyun kayang murahin niya ang mga empleyado arte lang din kaya ni Claudine iyon. Eh si Raymart naman nag ala action star kala kasi nag shoo-shooting ng pelikula. Ibang klase rin naman talaga.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  iceprince

    05/07/2012 | 11:39 AM
    im sure umiral na naman ang pagka-brat at diva ni claudine dito na pinagsimulan ng lahat hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About