In a rare opportunity of being seen together in public, Nora Aunor (left) and Grace Ibuna (right) expressed and described how their friendship blossomed and maintained through the years. Nora says: "Ang sa amin, yung puso namin sa isa't isa, yung respetohan namin… Yung pagka-loyal namin sa isa't isa." Grace confirms: "At ‘pag totoong magkaibigan kayo, at hindi superficial yung pinagsamahan ninyo, hindi mawawala yun."

Photo: Allan Sancon / File photo

Kabilang ang Superstar na si Nora Aunor sa mga celebrity na na-invite na maging judge sa grand finals ng TV5 talent-reality show Talentadong Pinoy na hinu-host ni Ryan Agoncillo.

Dalawang magkasunod na gabi—Sabado, May 5, at Linggo, May 6—special guest sa live telecast ng show si Ate Guy na ginanap sa Quezon Memorial Circle.

Noong Sabado lang nag-judge si Nora, pero the following day, Sunday, sa finale lumabas ang Superstar na katuwang ni Ryan sa pag-announce ng Talentadong Pinoy grand winner na si Astroboy.

Naging masaya si Nora in the company of old-time friends, 'tulad ng dati niyang talent manager na si Vivian Recio at ang dating konsehal ng San Juan na si Grace Ibuna.

Si Grace ang ina ng ngayo'y bini-build up na young singer-recording artist na si Garrie Concepcion. Si Garie ay anak naman ni Gabby Concepcion kay Grace.

Si Vivian ang tumatayong manager ngayon ng mag-inang Grace at Garrie.

OLD TIMES. Off-camera, naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkukuwentuhan sa loob ng Extreme Makeover van ng TV5 sina Ate Guy at Grace na bihirang makitang magkasama in public.


Marami ang nasorpresa at nagtanong kung gaano nga ba sila ka-close at paano sila naging malapit na magkaibigan.

"Love ko 'yan," sabi ni Ate Guy tungkol kay Grace.

"Since way, way back pa," sabi naman ni Grace.

After a very long time, ngayon lang daw uli sila nagkita at nagkasama ni Ate Guy.

Kuwento ni Grace, "Kasi, di ba, kababalik ko lang din [from London]?

"Siya [Nora] naman, nag-Amerika siya.

"When she was in the States, nagtatawagan kami, but our schedules never met. 

“Yung time na aalis siya, puwede kaming magkita, 'tapos no'ng dumating siya from the States, nasa London naman ako.

"Until tonight... paano nga ba niya ako inimbitahan?" tanong din ng dating konsehala.