Natatawang pag-alala naman ni Grace, "Nalimutan niya, alas-kuwatro na ng madaling-araw nang pumunta siya sa bahay ko!"
Nakangiting sabi naman ni Nora, "Sa kagustuhan [ko] lang na makita siya."
Ganun na raw talaga sila ka-close na sa puntong ito, ayon kay Ate Guy, "Hindi n'yo na kami mapaghihiwalay."
NORA'S BIRTHDAY. Sa May 21 ang birthday ni Nora Aunor. Pero tulad din ng nabanggit ng Superstar sa isang naunang panayam ng PEP, wala siya sa bansa sa mismong araw na 'yon.
Aniya, "Naka-schedule na ako papuntang States.
"May operation, may therapy din [para sa kanyang throat at vocal chords]."
Ano naman ang mensahe o birthday message/wish ni Grace para sa kaibigan?
Si Nora din ang unang sumagot sa naitanong kay Grace.
"Pagmamahal... alam ko yun," masayang banggit ni Nora.
"Alam niya," pagkumpirma ni Grace.
Si Nora uli ang nagsalita, patungkol sa maganda nilang samahan ni Grace: "Alam ko yun. Walang materyal na bagay sa amin.
"Ang sa amin, yung puso namin sa isa't isa, yung respetohan naming…
“Yung pagka-loyal namin sa isa't isa. Na ang problema ko, sinasabi ko lahat sa kanya...
"Yun lang ang puwede naming tanggapin."
Tugon naman ni Grace, "Yung material [things], it's fleeting—nawawala.
"Ang pera, kinikita mo rin lang ulit. Pero ang totoong kaibigan, mahirap…




CALLED OUT
ALL COMMENTS
6 milomilo123
5 angie_po
4 palengkera
3 ike
2 FusionHan
1 purong_kapamilya