In a rare opportunity of being seen together in public, Nora Aunor (left) and Grace Ibuna (right) expressed and described how their friendship blossomed and maintained through the years. Nora says: "Ang sa amin, yung puso namin sa isa't isa, yung respetohan namin… Yung pagka-loyal namin sa isa't isa." Grace confirms: "At ‘pag totoong magkaibigan kayo, at hindi superficial yung pinagsamahan ninyo, hindi mawawala yun."

Photo: Allan Sancon / File photo

Pakumbabang sabi naman ni Ate Guy, "Kaibigan mo lang ako..."

Meron bang balak si Ate Guy na makasama sa alinmang susunod niyang proyekto si Grace upang gumanap?

"Ay, ngayon, niyayaya ko siya," sabi ni Nora. 

"Sabi ko, ‘Sa susunod na gagawin ko, kailangan, sumama ka na...'"

Balak naman yayain ni Grace si Ate Guy sa ginagawang charity works sa kanyang lalawigan.

Birong tugon ni Grace, "It's crossing the bridge at the right time... hindi na nga kami maghihiwalay.

"Marami kaming dapat ayusin, marami kaming dapat tulungan.

"You know naman si Guy, di ba? Matulungin siya ever since."

MOTHER'S DAY. This coming Mother's Day, paano ise-celebrate ng magkaibigan ang okasyon?

"Tayu-tayo pa rin?" nakangiting tanong ni Ate Guy kay Grace.

"Tayong mga ina... at mga anak [magkasama], surely," pagsang-ayon ni Grace.

Ano naman ang mensahe nila sa mga "karibal" nila, sa personal man o professional na buhay?

"Basta, ipinagdarasal ko na lang… For my friends, I wish them real happiness," ang kay Grace.

For Ate Guy, she didn't say anything. 

Nakinig lang siya, na nakangiti sa sinabi ni Grace.