news

NPC President calls for boycott of couple Raymart Santiago and Claudine Barretto over airport incident

by Jojo Gabinete posted on May 7, 2012  STATS: 53448 Views | 125 Comments

NPC President Jerry Yap (inset, bottom) on couple Claudine Barretto and Raymart Santiago: “Sa nakikita ko, may violent… ano itong mag-asawang ito. Nananawagan ako, kahit sa ating mga kasamahan na showbiz writers, na dapat i-boycott ang mag-asawang ito—kung mapapatunayan na sila ang nanakit."

Photo By: Screen grab from GMA-7 / File photo

Grave Coercion at Physical Injuries ang mga reklamong isinampa ngayong umaga, May 7, ng broadcast journalist na si Mon Tulfo laban sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.  

Ito ay kaugnay ng insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon ng tanghali, May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Inihain ni Tulfo ang kanyang mga reklamo sa Pasay City Prosecutor's Office.

Suportado ng National Press Club (NPC) ang kanyang aksiyon laban sa celebrity couple at sa mga kasama nito.

Si Jerry Yap ang presidente ng NPC.

Sa panayam kay Yap nina Martin Andanar at Erwin Tulfo—nakababatang kapatid ni Mon—sa Aksyon TV, sinabi niya na “lifetime member” si Mon ng kanilang organisasyon.

Ipinaliwanag din ni Yap ang mga “guidance” ng NPC sa mga miyembro nito.


NPC SADDENED BY THE ISSUE. Ayon kay Yap, “Kahapon pa lang minu-monitor na namin ang insidenteng ito at kami nga ay napapailing, nalulungkot na sa isang lifetime member ng National Press Club ay nangyari ito.

“Ang ibig pong sabihin ng lifetime member ay senior journalist na meron nang almost 25 years sa kanyang propesyon.

“At doon sa isyu tungkol sa pagkuha ng video, 'yan po ay kasama doon sa ating trabaho.

“’Yan ay kasama sa ating propesyon na kung may isang insidente na nangyayari na hindi kanais-nais ay puwede nating kunan, on the record.”


TULFO'S PURPOSE. Sinabi rin ng NPC President na ang unang intensiyon daw ni Mon sa pagkuha ng video ay “isulat pa ng pabor” para sa mag-asawang Raymart at Claudine.”

Ito ay dahil sa kapalpakan daw ng airline na “delayed na, nawawala pa ang bagahe.”

Patuloy ni Yap, “It turned out na iba naman pala ang dating sa mag-asawa.

“Tama rin po yung mga nasabi niya [Mon] na isyu tungkol sa mga guwardiya [Lockheed Security Agency] na kadami-daming guwardiya, walang ginawa.

“May report nga ako na hindi naman dumaan 'yan sa AVSAT—yung tinatawag na aviation security training.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

125 Comments

  • 125  2Curious_1

    05/12/2012 | 12:45 PM
    Mr. Yap, there is no doubt Claudine and her husband committed a crime. The evidence is documented on video. Any person in the world who watched the video would tell you Claudine, Raymart and a family friend should be charged a battery assault. Claudine’s husband was holding Mon while he allows his friend and wife beat the poor man. Some of the security guards just stood there instead of containing the fight. Were they not prepared for such incident or is it because Raymart and Claudine are celebrities and went along with the flow? Perhaps they think Mon is just an ordinary man and I guarantee Claudine and her husband did not know they have physically assaulted a veteran journalist until after the fact. Definitely boycott the couple. The airline employees should be compensated for the verbal-abused they have endured as well. Verbal abuse can lead to stress, depression, physical ailments and other damage.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  cinelamour

    05/10/2012 | 12:08 PM
    “Puwede nilang sabihin kay Mr. Tulfo na, ‘Kuya Mon, ganito po. Kunin ninyo ang side namin.’ - naku naman, sana nagtanong din si mr tulfo right in the very beginning sa mga santiagos. kaso hindi e. it was malicious
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  cinelamour

    05/10/2012 | 12:06 PM
    what about threats over television made by t3, npc?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  rockabye

    05/10/2012 | 02:47 AM
    Mag asawang war-freak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  jill_pep

    05/10/2012 | 01:17 AM
    Talagang hanga na ako sa mga haters ni Claudine. Wagas ang effort. Palakpakan para sa mapanghusga at mpanalait nyong pagkatao. Hindi perpekto si Claudine, tao din na nagagalit kapag may dapat ikagalit, nagrereklamo kapag dapat ireklamo. Pero pinalaki na naman ang kwento ng mga haters at bashers na ito na wala atang takot sa Diyos para hilingin na sana mamatay na nga itong mag-asawa. Disgrace to Filipino community? Sino ka para sabihin yan? Alam mo ba ang mga tinutulangang charities ng magasawa na ito. Na hindi naman nila, ever, pinagkalat. Alam ko ito dahil nasaksihan ko mismo. Kayong mpanghusga, anong nagawa nyo para sa ibang tao? Ang hirap sa inyo, sarado ang mga isip nyo. Basta narinig nyo ang pangalang Claudine, masama na agad. Bravo. Napakagandang pagaasal. Masaya ako na nasa korte na ang kaso. Hayaan na natin ang batas, sa gabay ng Panginoon na ma-process itong kaso. Tama na ang mga nonsensical remarks nyo. tandaan, babalik sa inyo ang anumang panghuuhusga na ibinabato nyo sa kapwa nyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  Shaunmateo_25

    05/09/2012 | 11:08 AM
    Claudine's a b1tch and everybody knows it! If it was me who sees her yelling at that steward I would've taken a video of it and sell it! She's an actress..she's famous..she should be use to people taking pictures of her.. People make a living out of it like paparazzi, media, etc. That's what you get for being in the public eye.. they will take pictures or videos of u whether you're doing something good or bad! People love these kinds of stories and it will sell! Money is money...Tulfo took a picture of you guys and then kicks you? Just doesn't make sense...you're husband hit em' first! A lot of people saw it! Claudine probably just got hit accidentally when she and her entourage wer beating him up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  pomelo

    05/08/2012 | 09:38 PM
    Cont...para mahuli ang gumagawa ng mga krimen...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  pomelo

    05/08/2012 | 09:28 PM
    maganda siguro ilabas nila yung batas tungkol sa mga journalist...para malaman ng mga tao na may karapatan talaga si Mon Tulfo na kunan yung ginawa ni Claudine kasi nasa public place sya at isang celebrity...siguro kung kinunan siya na nasa loob ng bahay ni Claudine yun ang invasion of privacy...siguro kung kabaligtaran ang nangyari na si Claw-claw ang inaapi sa airport sigurado ako na makikiusap pa sila kay Mon na ilabas yun sa news kasi malaking points yun kay Claw...May karapatan at kahit sinong mamahayag na kumuha ng news sa public places dahil yung ang trabaho nila kaya nga natin nalalaman ang mga hindi tamang nangyayari sa ating paligid dahil sa kanila at tama ang ginagawa ng NPC na i-boycott ang mag-asawa para hindi tularan kasi kung hahayaan nalang yon baka tularan ng iba na manakit ng journalist...dapat pa nga natin silang pasalamatan dahil minsan kahit nasa panganib sila ay tuloy parin ang trabaho nila...aminin nyo man o hindi malaking tulong ang nagawa ng Tulfo brothers para mahuli ang mga gumagaw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  lotwina

    05/08/2012 | 05:39 PM
    Oo nga ano, ano pa ba ang iboboycot sa mag-asawang yan e WALA NG SHOWBIZ CAREER…MGA LA OS.. . at mga wala ng pag asa pa. wahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  lotwina

    05/08/2012 | 05:35 PM
    SINUNGALING YANG CLAUDINE NA YAN. Yung gasgas nya sa hita nakuha nya yun by accident na natamaan sya ng tadyak ni tulfo. Hawak na nila ang kamay ni tulfo kaya natural na tadyak na lang ang pwede nyang ipanglaban. E itong wa-class na si claudine nakisali pa sa pagsuntok kaya yan tinamaan ka bruhilda dyan mo nakuha yang gasgas mo at hindi yan ang dahilan ng simula ng sakitan, huwag ka masinungaling. NAITULAK LANG NI TULFO SI RAYMART DAHIL DINIDIKITAN NA NYA SI TULFO AT PILIT NA KINUKUHA YUNG CELLPHONE NYA. sira ulo ba naman si tulfo para basta ibigay kay unano yung cellphone. TRABAHO LANG WALANG PERSONALAN ANG GINAWA NI TULFO. Di nyo naintindihan yon e. bumili ka kaya ng sarili mong cellphone! Wahahahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  maka_bansa

    05/08/2012 | 03:31 PM
    Wala ng dapat iboykot, wala na namang career ang mag-asawang ito, mga bayolente.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  kookies

    05/08/2012 | 12:18 PM
    sbi dun sa comment Tulfo side lang daw pinapakinggan. dpt basahin ng maayos ung statement ng NPC,sbi nila i pa-boycott ung mgasawa kung napatunayan na sila ang nauna.how can u say na d sila fair?kaya nga hihintayin muna kung sino nauna!ay T A N G ! basahin muna kc bago magmagaling!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  shidax

    05/08/2012 | 12:12 PM
    anong boycott na sinasabi mo mr.yap power harassment na yan!!!!papaano pag napatunayan na kaya nabugbug si tulfo dahil itinulak at sinipa niya si claudine..................president ka ng NPC hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan!rarason nalang iyang si tulfo kung concerned siya sa nangyari kina claudine at sa staff ng airline dapat nagpakilala sya at tumulong para maayos ang problema.pa iba-iba ng bersyon sa mga statements nya...for what???para kaawaan sya ng mga tao????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  sh0wbuzzer1979

    05/08/2012 | 10:36 AM
    aws na career no need for boycott
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  sh0wbuzzer1979

    05/08/2012 | 10:35 AM
    si claudine pa ang bastos bastos ng bunganga nun kahit sinung lalaki eh maiimbyerna sa kanya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  che_zhen

    05/08/2012 | 09:54 AM
    subra naman iyong reporter na ito.. bakit kayo lang ang my karapatan ang iba wala.. gawin lang ba nyo ang gusto nyong gawin, at iyong ibang tao pabayaan lang cla na inaapi nyo. kahit mali ang sinsabi nyo ok lang ba iyon.. kanya kanya may karapatan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  calisa20

    05/08/2012 | 09:28 AM
    Itong si Tulfo paiba iba ang statement
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  shingaling20

    05/08/2012 | 08:58 AM
    ano pang iboboycott e laos na tong mga to haisst..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  rixhart

    05/08/2012 | 08:25 AM
    Dapat sa Gabriela, ngayun nila pakita ang suporta nila sa babae. Panget man ugali ni Claudine, wala paring karapatan si Mon Tulfo tadyakan ang isang babae. Kayo nga makita nyong tadyakan ni Mon Tulfo ang kapatid nyong babae o asawa nyo? At napakainconsistent ng pinagtatanggol nyong kabaro nyo, hindi marunong magsinungaling.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  ginger2007

    05/08/2012 | 07:17 AM
    pinapaboycott? hindi ako fan ni Claudine pero tingin ko kasalanan talaga ni Tulfo..may nag witness na rin na nauna sya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About