Pia Guanio on her sixth month of pregnancy: “Good, everything’s going well. I haven’t really experienced the nightmares that most expectant moms do, so I’m really thankful for that. Nothing, zero complications, so I think I’m definitely getting a thumbs up and full support from the Guy Upstairs for this pregnancy because it’s running really smoothly.”

Photo: Richard Gay

Bumista ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Studio 6 ng GMA-7 kahapon, May 6, para sa live airing ng Showbiz Central.

Fifth anniversary na kasi ng nasabing showbiz talk show ng Kapuso network kaya nag-imbita sila ng press.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP ang mga hosts ng programa, kasama na si Pia Guanio.

Bukod sa Showbiz Central ay host din si Pia ng Eat Bulaga! at ng "Chika Minute" segment ng 24 Oras.

SIX MONTHS. Agad na kinumusta ng PEP ang pagbubuntis ni Pia sa unang anak nila ng asawang si Steve Mago.

Six months na pala ang dinadala ni Pia.

Excited na nga siyang makita ang kanyang baby, lalo na’t hindi pa nila alam ang kasarian nito.

Wala pa rin daw silang napipiling pangalan para sa kanilang anak.

“Wala pa, kasi, e, we don’t know the gender as of now.

"On my last check-up, we had an ultrasound, but the baby’s not been cooperative.

"Very ano siya, timid or shy,” masayang kuwento ni Pia.

Pero kung papipiliin siya ay nais niya ng anak na lalaki.

“Because my brother has a family of girls already, I’m kind of wishing that it’s a boy.

"But I’ll be okay with whatever God gives me—as long as normal and healthy,” saad niya.


EASY PREGNANCY. Isa sa mga ipinagpapasalamat ni Pia sa kanyang pagbubuntis ay ang pagiging madali nito para sa kanya.

Sa katunayan ay hindi niya nga kinailangang mag-leave sa tatlo niyang shows sa GMA-7.