“If I wanted him to get hurt, I could have done that a long time ago, please trust me. But I never seek for revenge,” says Andi Eigenmann on talks that what happened to her ex-boyfriend Albie Casiño was premeditated and planned bu her.

              

Photo: Noel Orsal / Allan Sancon

Muli na namang naging kontrobersiyal si Andi Eigenmann dahil sa nangyaring gulo pagkatapos ng pagkikita nila ng ex-boyfriend at sinasabing ama ng anak kanyang anak na si Albie Casiño.

Nangyari ang pagkikita ng dalawa sa Fiamma Bar sa Makati noong madaling-araw ng Sabado, May 5.

               

Inamin ni Andi na binuhusan niya ng alak si Albie, pero itinanggi nito na may kinalaman siya sa nangyaring pambubugbog sa dating boyfriend sa parking lot matapos ang kumprontasyon nila.

               

Bukod sa insidenteng nangyari noong Sabado, marami pang naging rebelasyon si Andi sa taped interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz kahapon, May 6.

Muling naungkat at lumabas kung ano ang mga hindi magandang namagitan sa kanila noong sila pa ni Albie.

               

HER SIDE OF THE STORY. Ang unang tanong ni Boy kay Andi: Ano ba talaga ang nangyari sa Fiamma Bar?

               

Kuwento ni Andi, “I went out last night because it was my friend’s birthday. Kasama ko ang friends ko.

“I was on the second floor and I was talking to my friends.

"I saw him [Albie]. For the first time, we went face to face since the last time.”

               

When was the last time?

               

“That was when we both found out I was pregnant.”

               

Was he alone?

               

“I don’t really remember because all I saw was him.

"When I saw him, I saw him. Then, he saw me back.

"He gave me a look."

               

Lumapit ba si Albie sa kanya?

               

“Hindi po, e. Parang nagkataon lang. Parang lumapit siyang ganyan. 

"I don’t know if he saw me from afar or just there. But I saw him. 

"I looked there and he was right in front of me.”

               

Tinanong ni Boy yung sinabi ni Andi na parang siniko raw siya ni Albie.

               

“Parang ganyan na po,” pagmuwestra ni Andi na napataas nang bahagya ang siko raw ni Albie. 

Patuloy ng 21-year-old actress, “Yung sa akin po, parang it’s the first time I’m seeing him again.

"The last time that I saw him, things didn’t go well. It was bad.

“I never really spoke about it. I never said anything about it because at that time, I loved him. And I wanted to protect him. I still had respect for him.

               

“But the thing is, after what happened, instead of being shy or being humble enough to move out or go away or say hello at least… he cursed me.”

               

ON HER OWN? Nilinaw ni Boy kung yung sinasabi niyang curse ay mura.

               

“Opo, minura niya po ako," pagkumpirma ni Andi.

               

Ayon pa kay Andi, ang huling pagkikita raw nila ni Albie ay nangyari noong Friday night [May 4], midnight.

               

“A little past midnight.”

               

What happened then, minura ba siya ng isang beses, maraming beses?

               

“Isang beses lang po. Parang nag-curse siya.

"And then what will I do? Last time I saw him, sobrang kawawa ako.  

“Sorry po, pero naawa rin naman ako sa sarili ko. After that, I poured wine on him.

               

“But I just told you, only half of the hurtful things that he did to me and how he treated me before. 

“The only thing I did was pour wine to his face.