news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 266099 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 29  Speed_OfLight

    05/07/2012 | 09:49 PM
    kahit ako, kung may kapatid ako ng 68yrs old na nakuyog ng ganun, makakapag-salita ako tulad ng sinabi ng 3 mas nakakabatang kapatid na mga tulfo. nag-lalabas lang ng saloobin yung mag-kakapatid.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 28  lilac0808

    05/07/2012 | 09:49 PM
    Kasalanan di ni Raymart ito, pinabayaan niya asawa niya mag maldita, sana kinontrol niya bunganga ni Claudine, sinubukan sana muna niya awatin at ipaalam na artista siya pag pipiyestahan sila. Andres de saya ito, di man lang ma kontrol asawa niya, tapos saka aaksyon kung labo labo na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 27  pretty

    05/07/2012 | 09:48 PM
    ang mga PALENGKERANG gaya ni aling Claudine ay SINISIPA di ba mang tulfo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 26  jill_pep

    05/07/2012 | 09:46 PM
    StocksAndBonds, your point?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 25  puckerlips143

    05/07/2012 | 09:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 24  StocksAndBonds

    05/07/2012 | 09:46 PM
    Oo nga ano? Bakit kaya lahat ng lalakeng na-uugnay kay Claudine nagbabago or namamalas?? Si Mark Anthony F. naging addict, si Rico namatay tapos itong si Raymart ngayon nagiging basagulero
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 23  jill_pep

    05/07/2012 | 09:45 PM
    IMaPeper2, sana maintindihan din na normal reaction sa isang asawa na ipagtanggol ang asawa nya na sinaktan sa harap nya. if you want to go down with human insticts, please don't be one sided. thanks
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 22  Manamalady

    05/07/2012 | 09:45 PM
    Gogogogo Tulfo brothers. Mangatog ka na Raymart wengweng. Matapang kyo kc nagiisa kalaban. I believe in Mon Tulfo's statement. Hindi matinong pagiisip ang bsta na lng manununtok dahil tinanong lang. Karapatan nmn ng isang mamamamahayag na tulad ni Mon ang kumuha ng balita. Besides nsa isang public place cla. Tama din cnabi ni Mon sa T3 laos ka na Balyenang claudine. Gusto nyo lang mapagusapan kya ayan gumawa kyo kwento. I feel the sentiments of Ben, Raffy and Erwin. Tama lang yan. Pinagtatanggol na nga nila sa mapang aping dorobong mga pulis t mga kriminal ang feeling api tapos kapatid nila hindi ni panganggol. Gogogogo Tulfo's.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 21  lilac0808

    05/07/2012 | 09:45 PM
    pahamak si claudine sa asawa niya...ahahaha, ayan akala ko si Marian na ang pinaka warfreak may hihigit pa pala sa kanya...ahaha! Naku DD pag asawa mo na si Marian para kang si Raymart taga linis ng mga kalat niya. Tagapag tanggol ng mga kaaway niya..ahahaha! Bat ba sinali ko si Marian dito... ahaha. Sorry ha parang good example kasi siya dito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  Honey_1046

    05/07/2012 | 09:44 PM
    grabe! sobrang tatapang! gosh, can't believe masasabi nila ito on national TV, sana nga mag-krus landas nila para magawa nila ung mga pinagsasasabi nila..dapat ata itong mga tulfo na to ang i-boycott eh, sobrang magsalita, ang tataas!! may mali si Claudine Raymart pero may mali din kuya nyo sa nangyari..hindi kawawang kawawa kapatid nyo, may ginawa sya kaya nangyari un pero hindi kayo batas para manghusta sa 2, if napatunayan na sila Raymart and team ang may sala, let them face the consequence pero hindi kayo ang dapat gumawa ng parusa..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  Xray

    05/07/2012 | 09:43 PM
    Tinadyakan niya nung pinagtulungan na siya, syempre dapat he has do defend himself. Hindi na-unang manakit si Tulfo. Yung mga wala dun, huwag mag-assume agad. Nandun ba kayo? Wala! Inis ako kay Tulfo pero sina Claudine at Raymart talaga ang nag-umpisang mag-amok!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  pink_latte

    05/07/2012 | 09:42 PM
    PI tlga 68 yrs old kinuyog nyo. kungpatas ang laban taob yang c raymart. yung nakapink talsik ke tulfo.hindi nyo kaya c tulfo kaya pinagtulungan ng mga patapon na to.talo talo na bastos tong c claudine eh, patuln nyo na yang baliw na yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  MrsFBI

    05/07/2012 | 09:39 PM
    dapat lang bugbugin yang si claudine nu.... para bumalik sa katinuan gosh ...isa siyang baliw lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  bac_tol

    05/07/2012 | 09:39 PM
    Nyahaha! Pano ba yan Raymart, magtago ka na sa saya ni Claudine. Tutal mas magaling naman syang jumombag kesa syo. Hehe...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  Imnaldrix

    05/07/2012 | 09:38 PM
    My side will go to Tulfo Brothers mali talaga ang mag asawang laos kahit saang anggulo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  heart7

    05/07/2012 | 09:37 PM
    jill_pep blocked na nga sa you tube pinanood ko then nung ni-refresh ko dahil gusto ko ulitin panoorin blocked na yung 2 magkasunod na videos tungkol sa paghahamon nila
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  palachika08

    05/07/2012 | 09:35 PM
    kahapon sa 24 oras weekend...inamin ni mon na natadyakan nya si claudine...tapos ngayon idedeny nya?...TAMA BA YUN?!...wag kayo magbanta...baka madagdag sa kaso nyo yan...umaabuso na kayo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  Space_Ace

    05/07/2012 | 09:35 PM
    napanood ko kanina yang sinabi ng mga hambog na magkakapatid na yan. akala ko ba ginagalang nila ang mga babae? bakit pati si claudine gusto rin nilang bugbugin?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  BopolEngot

    05/07/2012 | 09:33 PM
    kayabangan... mano bang tinira na lang nila ang santiago's at hindi na naghamon pa sa tv. kulang sa pansin ang mga ito eh hindi naman sila ang involved. dapat sa mga yan sibakin ni MVP sa tv5. nagsisimula pa lang ang network magpakitang gilas eto't binibigyan na nila ng masamang image. kung mapapansin nyo ung video ng T3 sa youtube pinatanggal na ng TV5 sa kahihiyang maaring idulot nito sa network.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  IMaPeper2

    05/07/2012 | 09:32 PM
    I understand yung paghamon nila...we've all been there....the brothers are upset and that's a normal reaction...pinagtulungan agawin ang cellphone tapos pinagbubugbug lang naman kasi ang kapatid nila. Pero sa korte ito dapat mapunta. A simple sorry is not gonna do it. If those actors get away with that, wow...watch out kayo mga reporters...press people!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About