news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 265874 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 109  pearl102

    05/08/2012 | 12:54 AM
    54 GMAsimplyTHEbest 05/07/2012 | 10:26 PM dba ngat sinabi na yan na hindi nya kilala sina lukaret na claw-claw at unanong raymart.. so meaning akala nya ordinaryong babae lang yung nagmumura at nagwawala----------naniniwala ka naman kaagad sa sinabi ng TULFO na iyan??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  BelleGrey

    05/08/2012 | 12:43 AM
    Good for you Raymart Santiago. I hope you and your trashy wife get a taste of your medicine. Your show business careers are about to fade in the distance. Good riddance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  amfkah

    05/08/2012 | 12:29 AM
    grabe pano kapag kunwari napatay sila raymart o claudine o yung isang lalaki nakapink? edi silang pedeng pagbintangan. nako naman d na sila dapat ngsalita ng ganyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  janggojey

    05/08/2012 | 12:14 AM
    buti nga sa mga mayayabang na tulfo! hahahah!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  janggojey

    05/08/2012 | 12:11 AM
    these tulfo brothers are arrogant bullies..buti nga nasampolan kayo sa kayabangan nyo! sana next time maghinay hinay kayo at wag masyado pakialamero!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  daiguro01

    05/08/2012 | 12:10 AM
    iyak pa sa tv, kawawa daw mga bata nakita ang incident, onga kitang kita nila kung pano nya kinabayo si tulfo. Senior citizen na yun kinuyog nyo wala kayong awa, nag iisa. ngayon patay kayo sa mga nakakabatang kapatid. tawagin nyo na si super inday! haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  Myopinionmatters

    05/08/2012 | 12:08 AM
    anyare, sabi kahapon ni tulfo na nasipa nya si claudine. ngayon sa 24 oras, pinaninindigan nya daw nya di nya sinipa si claudine kahit may witness na nag testetify.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  lefty

    05/08/2012 | 12:04 AM
    yung pwetness nilang pinagmamalaki eh kasama nila sa bora yun..ayaw pa daw pakita sa cam kc mabubuking na isa sya sa nga kasama ni clawclaw!..nayk!!!..LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  lefty

    05/08/2012 | 12:02 AM
    sus ang babaeng bungangera at mala imburnal ang bibig minsan kailangan mo ring pakainin ng sili ng magtanda!!..hindi ka pa pala tapos raymart hayan hinahamon ka ng isa sa nga tulfo one on one daw..kung hindi mo tatanggapin yang isa sa hamon nila ay urong na pala ang ballz mo!..ang tapang tapang mong kuyugin ang nag iisa ngayon ipakita mo tapang mo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 100  pepreaderako1234

    05/08/2012 | 12:00 AM
    umandar nanaman ang camp clawcalw para ipagtanggol sya sa mga comments dito sa pep. eh hello may naniniwala pa ba sa inyo? kahit anong sabihin ni clawclaw sa presscon nya alam ng sambayan at pati may tfc na ubod sya ng SINUNGALING and so PALENGKERA napaka walang breeding. wala kasing pinag-aralan. Porke marunong kang magenglish PASOSYAL KASI hindi ibig sabihin edukada ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 99  Myopinionmatters

    05/07/2012 | 11:57 PM
    ok na sana my sympathy goes to the tulfo na sana but not until nag puputak na naman nationwide ang mga sisteret tulfo..sana dinaan nyo na lang sa demandahan..hindi yung nagbabantaan pa kayo sa TV nationwide ang nakakapanood..kaya pati mga bata puro karahasan ang natutunan sa istasyon nyo. buti na lang walang nanonood sa tv5.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 98  cybergenics

    05/07/2012 | 11:57 PM
    abusive tulfo brothers....i hope you all rot in h e l l
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 97  Glak9

    05/07/2012 | 11:56 PM
    Ang sigaw ni raymart, hindi pa ako tapos, sige, sundan mo pa, sa isang warehouse, mano mano, matira ang matibay, fight club, ang pera ko sa mga tulfo, pero kung ako sa iyo raymart, let the tulfos speak, paawa effect na lang ikaw, para ang sympathy ng tao nasa iyo, bahala na ang sa asawa mo, kaya niya ang sarili niya, palengkera naman yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 96  Myopinionmatters

    05/07/2012 | 11:53 PM
    ang babae ginagalang di tinatadyakan.. shame on tv5 for allowing their channel to be used for death treathing and cursing people on national TV. this is the reason why i always tell my kids not to watch that channel..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 95  Speed_OfLight

    05/07/2012 | 11:44 PM
    masama din kasi minsan sa mga Tulfos, mahilig mag pulis-pulisan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  Speed_OfLight

    05/07/2012 | 11:42 PM
    binalya pala ni Mon Tulfo si Claudine sa counter, ayon sa witness.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 11:40 PM
    Siempre lumabas ang pagka guerrera ni Claudine ikaw ba naman tadyakan, eh kahit ako babanatan ko yan! Alam mo Mon, kaya mo naman skinoop ito dahil sikat si Claudine. Kamo naawa ka sa pobreng empleyada. Pero kay Claudine na nawalan ng bagahe, di ka naawa. Naawa ka dahil minura mura nya ang pobreng empleyada. Eh dahil nga pangit ang serbisyo nila. Natural taga absorb sya ng frustration ng pasahero. Aminin man natin o hinde all eyes nationwide ang tao dahil sikat ang Baretto. Maraming fans si Claudine at one point in her life. Gusto mo pahiyain yung tao, nanlaban, eh kaya nagrambol kayo! TEAM CLAUDINE
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  PTnextdoor

    05/07/2012 | 11:39 PM
    tawang tawa ako sa opening ni BEN. Gayang gaya ni Michael V ang acting. Tiklop si Raymart, bumangga sya sa pader. Nararamdaman ko maareglo to, halata nmn sa reaction nila kanina sa TV patrol. Paminsan minsan hindi rin nagiging boring ang showbiz, nakaksawa na din kse ung mga patweetums sa showbiz and hiwalayan. Ibang storya naman ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  seabulletin

    05/07/2012 | 11:38 PM
    If this happened where I am, Claudine and Raymart may have a case against Tulfo because TULFO HIMSELF ADMITTED HE PUSHED RAYMART FIRST. Therefore, TULFO became PHYSICAL FIRST. Thus Claudine and Raymart can claim self-defense. But then again, I don't know anything about Philippine Law. xoxo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  seabulletin

    05/07/2012 | 11:36 PM
    If this happened where I am, Claudine and Raymart may have a case against Tulfo because TULFO HIMSELF ADMITTED HE PUSHED RAYMART FIRST. Therefore, TULFO became PHYSICAL FIRST. Thus Claudine and Raymart can claim self-defense. But then again, I don't now anything about Philippine Law. xoxo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About