news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 265891 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 209  lotwina

    05/08/2012 | 05:08 PM
    Ngayon claudine, raymart at yung iba pang myembro ng sindikato na ang trip ay BUGBOG TRIP, harapin nyo ang kaso nyo. Kitangkita sa video na pinagtulungan nyo si mon tulfo, ganunpaman, dahil sa galing ni mon may tinamaan pa rin sya sa inyo at napabagsak nya. at kahit hindi na nya magamit ang mga kamay nya sa pakikipagbuno, at least nagagamit pa rin nya ang mga paa sa pagtadyak. Kaya buti nga sa iyo claudine nakatikim ka rin dahil pinagtutulungan na nga si mon sumugod sugod ka pa, KABABAE MONG TAO SUMALI KA PA KASI SA GULO …CHEAPIPAY KA TALAGA. bwahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 208  pinktiger

    05/08/2012 | 05:05 PM
    Yan ba ang responsible media at journalist? napapanood ko kau at alam ng madla kakayahan nu. God bless u sa pinagsasabi at plano nu pa. For raymart at Claudine go and fight for justice.. just pray nde hahayaan ng Diyos mamayagpag ang masamang tao..kaya nga nagulpi na ang isa para matuto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 207  lotwina

    05/08/2012 | 04:57 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 206  lotwina

    05/08/2012 | 04:52 PM
    At sino ba ang unang nambastos? Yang si CLAUDINE WALANG RESPETO SA MATANDA, kung muramurahin nya si mon tulfo sa police station akala mo wala ng bukas. E ginawa lang naman ni mon tulfo ang tinatawag na CALL OF DUTY BILANG ISANG JOURNALIST.. yang brat na babaeng yan ang may kasalanan ng lahat..NAPAKABAHO NG LUMALABAS SA BUNGANGA NG BABAENG WALA NG CAREER. Sorry pero yan ang totoo. Ahahaoha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 205  lotwina

    05/08/2012 | 04:46 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 204  lotwina

    05/08/2012 | 04:42 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 203  angchakamo

    05/08/2012 | 04:39 PM
    the TULFOs know nothing about ethics. biggest bully im media.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 202  lotwina

    05/08/2012 | 04:35 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 201  fujiko77

    05/08/2012 | 04:25 PM
    Geresh7.. korek, itong mga ito ang vaklush...ang daming putak..akala mo tig dadalawa ang bigbig na parang babae. lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  fujiko77

    05/08/2012 | 04:23 PM
    dinawit nanaman ang nanay kuno na nagpalaki sa kanila na gumalang sa babae eh dalawa o tatlong beses nilang binastos si Claudine dito sa article/show nila na ito... tsk! tsk! no wonder nasa pipitsugin silang istasyon ng news... walang nasa ABS lalong lalo na sa GMA sa kanila kasi puro dada at irresonsableng pagbibitaw ng salita.. sige, dakdak pa lagay nyo pa sarili nyo sa hukay.masyado mabibigat ang mga bunganga nyo yun ang kakaladkad sa inyo sa hukay na ginagawa nyo mga Tulfo! akala nyo naman kayo ang batas! kapal!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  gossiphungry

    05/08/2012 | 04:17 PM
    ka dema-demanda ang mga remarks ninyo mga tulfo... akala ninyo mga diyos kayo na hindi dapat makanti... eh may witness na naunang nanipa si Mon TUlfo.... mga kalalaki ninyong mga tao... kung ako nanay ko... hindi ko alam kung anong klaseng palo ang ihahataw ko sa inyo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  gossiphungry

    05/08/2012 | 04:12 PM
    gosh!! sobra! yan ang reaction ko... grabe ang mga tulfo!! nung makita ni Mon TUlfo si Claudine na nagagalit sa airport... naawa kuno sya sa receptionist.... and you all tulfo condemned Claudine and Raymart.... pero naiisip nyo ba ang lumalabas sa inyong mga bibig?? eh mas masahol pa kayo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  maria45

    05/08/2012 | 03:32 PM
    Was reading the article to the end where Mon Tulfo referred Claudine as mataba at laos,,,..parang walang respeto sa babae..is this the kind of journalists we have in the Philippines???...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  tatoyadik

    05/08/2012 | 03:02 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  tatoyadik

    05/08/2012 | 02:55 PM
    ano ba yan...mga wlang breeding...tama ba nmng jan pa magamok ng away at mgbanta...cge kau babantayan kau ng masa sa mga plano nyong masasama....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  Geresh7

    05/08/2012 | 01:49 PM
    Parang mga baklush din pala ang bunganga ng magkakapatid na tulfo manlait ng babae. TV5 anu bah pinagkukuha nyung personalities mga basura at rejects ng ibang network.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  Geresh7

    05/08/2012 | 01:46 PM
    tama nga yung comment dito... TV5 ay channel ng mga rejects. Kaya naman HINDI umaabante o makakuha man lang ng viewers na magtatagal sa kanila. Mga rejects ng CH7 at CH2 binibigyan ng show isama pa mga abusadong tulfo. Magsara na kayo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  Geresh7

    05/08/2012 | 01:45 PM
    tama nga yung comment dito... TV5 ay channel ng mga rejects. Kaya naman umaabante o makakuha man lang ng viewers na magtatagal sa kanila. Mga rejects ng CH7 at CH2 isama pa mga abusadong tulfo. Magsara na kayo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  kalye69_2005

    05/08/2012 | 01:01 PM
    Ano ang ginagawa ng KBP sa mga ganitong klase ng salita sa TV? Bakit pinapayagan ng TV5 na maging ganyan kagaspang ang mga sinsabi ng mga hosts nila? Baka maka apekto ito sa kanilang viewership na pinipilit pa naman nilang paangatin, kahit hirap2 sila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  angchakamo

    05/08/2012 | 12:38 PM
    TV5 is really a network of REJECTS. rejected entertainers and media personalities. the TULFOs are pieces of garb age. sino bang tumatangkilik sa mga toh? TV5 lang ang kumakagat sa kayabangan nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About