news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 265939 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 89  boloboy1000_diva

    05/07/2012 | 11:35 PM
    whatever!!!!! accdg to this the video dat got viral was not complete so wag masyadong judgemental kc nakikita nyo n nanununtok n c tulfo b4 pg sumugod c raymart...Lahat n tao ay sinisabi n privacy so sn yn tulfo eh imbes umawat eh nagtake advantage doon s sitwasyon..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  nagpapakatotoolang

    05/07/2012 | 11:30 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  seabulletin

    05/07/2012 | 11:29 PM
    DIFFERENT VERSIONS ARE EMERGING, naturally from each camp. From Claudine's statement on Chika Minute posted by AnjayTVchannel on youtube: "They defended themselves. Tapos sumigaw ako sabi ko, ano ba ang problema mo? Sabi ko, bakit ka nanunungtok? Ganyan, ganyan. Humarap sya sa akin duon SA COUNTER NG CEBU PACIFIC, tinadjakan ako ng dalawang beses, SABAY TINULAK AKO SA COUNTER NG SOBRANG LAKAS. Tapos dito sa likod ko meron ako pang pa mark, meron akong red mark salikod ko tapos eto -pointing to her left thigh-, ayan namamaga pa,ayan!" MY QUESTIONS ARE: 1. Was the Chika Minute interview DONE BEFORE the video of the fight was released? At time 3:33 of this 5:11 minute video, Raymart started to look uneasy at what Claudine was saying. 2. The uploaded video didn't show a CEBU PACIFIC COUNTER, unless it was a bad angle shot. However, Claudine then said she was PUSHED AGAINST A COUNTER? That was nowhere to be seen in the video, unless of course, the fight started BEFORE THE FILMING OF THE NOW INFAMOUS VID
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  keen

    05/07/2012 | 11:27 PM
    ayan may nagsalita na na andon sa pinangyarihan na witness... naunang nanadyak si mon tulfo... at ang tinadyakan ay si claudine...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  lefty

    05/07/2012 | 11:25 PM
    oh hayan hinahamon ka ng one on one raymart ilabas mo ngayon ang tapang mo..sayang ng muscle mo pang display lang pala...come on take it one on one!!..LOL...napakasinungaling naman kc ng mag asawang toh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  keen

    05/07/2012 | 11:22 PM
    sabi ni mon tulfo, hindi daw nya kilala si claudine at raymart... ano ba yan, journalist at tagapag balita, hindi kilala sila claudine? kung taga bundok si mon, papaniwalaan mo pa siya na hindi niya kilala yung dalawa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  jolyn875

    05/07/2012 | 11:21 PM
    The video speaks for itself! no matter what people say...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 11:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  keen

    05/07/2012 | 11:20 PM
    sa balanseng coverage ng 24 oras kanina, parehas nagpahayag ang dalawang panig. sa mga nangyari, mas kapanipaniwala ang pahayag nila claudine at raymart, isama pa ang witness na nagtatago sa pangalang anna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  jolyn875

    05/07/2012 | 11:18 PM
    For me, The video speaks for itself. Raymart was running towards Mon makikita sa video..It shows na si raymart nga ang nauna...juskow ko naman 68 yrs old ang kalaban.. according to Jing reyes sa abc-cbn ang laki ng entourage ni mataba at ni laos daw sabi ni mon hhahahaha...di pa niya kilala si claudine hahahaha...grabe si claudine she can't deny grabe sinasakyan niya si mon at panay suntok.....hay ang daming accident na nangyari yan kay claudine kahit sa restaurant ganun siya...bakit ba takot kayo malaman ang katotohanan raymart and claudine? picture lng yan..I do understand tulfo's reaction...lintik lng ang walang ganti hahaha..exciting ito! hahahahaha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  lefty

    05/07/2012 | 11:17 PM
    ang tulfo brother harap harapan sa kamera kung bumira at mag mura pero itong claw na toh pa sweet ang image pag me kamera imburnal naman ang ugal isa totoong buhay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 11:16 PM
    What happened between Claudine and the employee is their business. Masyado kang pakialamero Mon Tulfo. Kung hinde naman sikat si Claudine wala namang issue eh. Kaya lng naman na sensationalize ito dahil sikat sya. Pero ang bottomline dito lousy ang service ng cebupac. Need pa nila na magwala si Claudine para mabigyan ng attention ang pangit nilang serbisyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 11:15 PM
    Eat a humble pie Tulfo Brothers. Eh di pahiyang pahiya kayo....Buti nga senyo nakuyog ang kuya ninyo mga hambog na magkakapatid. Wag nyong ismolin ang mga Santiago. Claudine and Raymart hire na kayo ng bodyguards. Yung pinaka mabagsik. Magkitaan na ng galing.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  yukie85

    05/07/2012 | 11:13 PM
    Yabang tulfo bro.akala mo kung sino,..Hindi maganda ehemplo broadcaster ka tapos ganyan ka umasta sobrang yabang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  SimonLaplace2

    05/07/2012 | 11:12 PM
    karma yan sayo mayayabang na Tulfos.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  Prd2bpnay8

    05/07/2012 | 11:11 PM
    Panahon na para turuan ng leksiyon si Claudine Baretto at ang asawa niyang si Raymart Santiago. Ang yabang at ang taas ng tingin ng mag-aswang LAOS na ito sa sarili nila. I-BOYCOTT ang mag-asawang abusado para gutumin na sila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  wanna_change

    05/07/2012 | 11:05 PM
    mga Tulfo brothers, kawawa naman yung kinakalaban at minumura ninyo na walang batallion at connection... hanapin ninyo ang katapat ninyo... napahiya lang kayo sa nangyari sa kapatid ninyong si Mon.. akala ninyo kasi, untouchable kayo, hindi pwedeng saktan.. ayan ang ebidensya.. masakit sa ego di ba??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  aaliyah2a

    05/07/2012 | 11:05 PM
    Hala kayo Claudine and Raymart mag-ingat na kayo at yung iba pang friends nyo na sumali sa suntukan madali lang makilala mga kasama nyo dahil yung mga pictures sa boracay naka post na sa ibang website lalo na yung naka Pink sa video lagot na kayong lahat..hindi basta basta ang nakasagupa nyo hindi nyo alam kung sino ang titira sa inyo. Extra ingat kayo kailangan nyo na yata may bodyguards na rin pag aalis kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  lady_camila

    05/07/2012 | 11:03 PM
    yayabang niyo kasi raymart at claudine.. magtago na kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  tineetinee

    05/07/2012 | 11:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About