news

Tulfo brothers Ben, Raffy and Erwin air their disgust over the beating of brother Mon by Raymart, Claudine and the latter's friends

by Rommel R. Llanes posted on May 7, 2012  STATS: 265875 Views | 229 Comments

On their afternoon show, T3, brothers Ben, Raffy, and Erwin Tulfo, hit Raymart Santiago and Claudine Barretto for the beating their older brother Mon got from them and their companions.

Photo By: Noel B. Orsal (Raymart), screengrab from TV (Tulfo Brothers)

Hindi lamang ang newspaperman na si Ramon "Mon" Tulfo ang binangga ng mag-asawang artista na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa nangyaring away sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo, Mayo 6.

Maging ang mga kapatid ni Mon na nasa media rin—sina Ben, Raffy, at Erwin—ay pumasok na sa isyu.

Sa mahigit anim na minutong segment ng T3: Kapatid, Sagot Kita, ang late-afternoon public service show ng Tulfo brothers sa TV5, binusisi ng mga ito ang kumalat na video sa YouTube ng kumprontasyon nina Mon at Raymart at Claudine.

Binatikos din nila ang kawalan ng kontrol ng airport security sa sitwasyon. Makikita kasi sa video na hindi naging effective ang airport security sa pagpapatigil ng gulo.

Higit sa lahat, sinabi ng tatlong magkakapatid ang kanilang saloobin.

BEN, RAFFY, AND ERWIN AIR DISGUST. Ang panimula ni Ben, 57: “Ito ang mahirap para sa amin, hindi madaling magsalita. Baka madulas kami.

“Baka isipin ng iba na ginagamit namin ang programang T3, dahil Tulfo ang sangkot dito.

"Ayaw na naming mag-interview ang kapwa Tulfo sa isang Tulfo ng isyung Tulfo.

“Ang word na dapat kong gamitin, ‘propriety,’ and at the same time yung ethics na gagamitin namin, na hindi kami mag-i-interview bagamat masama ang loob namin doon sa mga sangkot.

“Pakinggan niyo ang sasabihin ko, read my lips: Hindi pa tapos.”

Pagkatapos na magsalita ni Ben ay sumunod naman si Raffy, 52.

Tinawag ni Raffy na “Raymart Barretto” ang aktor, at saka nito sinabing masuwerte ito dahil nagkataon na marami itong kasama nung naganap ang gulo sa Terminal 3.

“Gayunpaman, I’m very proud of my kuya [Mon]. May tinamaan sa inyo.

“Kasi kung ang kuya ko lang, one-on-one kayong dalawa, baka yung puwet mo nasa bunganga mo na. Bali-bali ka,” ani Raffy habang itinuturo ang daliri sa kamera.

Ayon kay Raffy, isang expert sa Japanese martial arts na aikido ang kanyang Kuya Mon.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

229 Comments

  • 69  lalola_1980

    05/07/2012 | 11:00 PM
    yabang nyo tulfo bros.. nde kya kayo ang matapang kse apat kayo!! wala nmn tlga kayong respeto e.. kn murahin nyo sa teleponoon air yun mga opisyales o mga mayor at congressman.. tpos kpg binalikan kyo ng mura galit na galit kyo.. natural lng nmn dhil nakakalalaki kyo!!! tapos na career nyo!!! mayayabang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  krenda

    05/07/2012 | 10:56 PM
    grabe ang mga yan kapag makapag salita sa mga shows nila.. hindi maganda panoorin.. puro mura ang maririnig mo sa mga bunganga nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  krenda

    05/07/2012 | 10:55 PM
    I hate tulfo brothers sobrang yabang..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  Labskie

    05/07/2012 | 10:53 PM
    Team Tulfo ako..Its time to teach Claudine Barretto some lesson..Di ang naman isang beses lang nangyari ito..Sige Tulfo brothers turuan ng leksyon yan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  wanna_change

    05/07/2012 | 10:52 PM
    ang yayabang, ang tatapang ng mga Tulfo... hanapin ninyo ang katapat ninyo na may private army at hindi yung isang taong walang sariling batallion.. suggestion, sa Scarborough Shoal kayo magmayabang ng tapang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  tgif

    05/07/2012 | 10:47 PM
    Dapat kasi itong si Claudine magbago na ng ugali para tahimik ang buhay nila. Napakamataas naman kasi kung umasta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  lovelypinay

    05/07/2012 | 10:46 PM
    team claudine raymart
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  washdckami

    05/07/2012 | 10:42 PM
    grabe naman ang magkakapatid na tulfo yan nagbabanta pa mga hindi na nahiya, kahit dito sa amerika basta nawala ang bagahe nagagalit din ang may ari pero di na kailangang kunan pa ng video. oo mga celebrities cla pero kailangan namn nila ng konting privacy.hindi ngunit newscasters kayo ay magagawa nyo lahat ang gusto nyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  heaven123

    05/07/2012 | 10:41 PM
    you cannot correct a mistake by another mistake! anong pinagkaiba ng mga tulfo kina claudine! geez!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  semsem

    05/07/2012 | 10:40 PM
    grabe ang yabang ng apat na to!nambabanta pa..hala sige, kasi kayo naman ang batas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  numbnuts

    05/07/2012 | 10:39 PM
    Just like adding salt to a wound of a dying career. And yes some pepper too aka tulfo brothers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  PTnextdoor

    05/07/2012 | 10:34 PM
    Ewan ko ba d2 kay claudine buti nga may kumuha pa ng video mo at hindi mo kailangan magpatawag ng media. Just like what you did sa bank. Nka ready na ung media para macover ung pag kawala ng pera mo. Kung nandun ba si Raymart mang aagaw din kya sya ng camera.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  gorgeous_aleck

    05/07/2012 | 10:30 PM
    grabeh! may kasalanan ang dalawang kampo. pero itong sawsawerong mga kapatid, di nila naisip na newscasters sila. hindi na tama ang sinasabi nila sa tv na pagbabanta kasi pwede silang kasohan. palibhasa kasi yayabang niyong magkakapatid.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  bulagafan

    05/07/2012 | 10:28 PM
    Sa naunang interview, inamin ni Mon Tulfo na nasipa niya si Claudine. Ngayon sinasabi niya at mga kapatid niya na di yun ginawa ni Mon Tulfo. Baka naman dahil sa edad na yun kaya makakalimutin na siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  pinay_rn

    05/07/2012 | 10:27 PM
    REGARDLES OF WHO INITIATED IT..ANG BOTTOM LINE DITO EH WALANG KARAPATAN MANAKIT ANG TAO SA KAPWA NYA..! CANT REALLY BLAME THE TULFO BROTHERS, KAPATID MO KAYA KUYUGIN NG GANON,NORMAL REACTION YAN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  GMAsimplyTHEbest

    05/07/2012 | 10:26 PM
    pearl102 Hindi ako maka Claudine pero ang tanong ko kay Mon Tulfo, kung ordinary citizen ba yung nagrereklamong nawalan ng luggage sa part ng airport na walang CCTV magkakainteres kaya siyang lapitan ang mga ito?? ... dba ngat sinabi na yan na hindi nya kilala sina lukaret na claw-claw at unanong raymart.. so meaning akala nya ordinaryong babae lang yung nagmumura at nagwawala...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  jasonsight

    05/07/2012 | 10:24 PM
    kaya tinanggal sa ABS CBN si Erwin, walang journalistic ethics... Ang TV5 walang standard... walang self-censorship... ONLY IN THE PHILIPPINES...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  sowat_keber

    05/07/2012 | 10:18 PM
    paulit ulit cnsabi ni mon na di nya kilala c claudine at raymart,, ARE YOU SURE MON OR ALIBI MO LANG YON? kami nga taga probinsya eh kilala namin sila ikaw pa kaya na taga media ang di makakilala sa kanila? ug sa cebuano pa, ESTURYAHEEEE!!!! Obvious nmang nagsisinungaling ka na di mo sila kilala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  AstroNut

    05/07/2012 | 10:17 PM
    mabuti na lang nung minura mura rin ni Claudine yung mga tao nung nagwala sya sa bangko noon eh wala si Raymart doon kung hindi nabugbog din si Nelson Canlas na kumuha din ng video...ay oo nga pala si Claw pala ang tumawag sa media para kunan sya ng video.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  daldakinaka

    05/07/2012 | 10:14 PM
    RAYMAAART ANONG NANGYARI SA'YO?? sana tulad ni gelli na lang nakatuluyan mo... tahimik lang buhay nila ni ariel kasi may breeding si gelli kahit mataray. MAHIYA KA CLAUDINE NAKISAPAK KA PA! MATANDA NGA NAMAN PINATULAN MO.. MAY TATAY KA BA? BUTI NGA MAY VIDEO O LOKO! HAHA DI NIYO MAPIPIGILAN YAN ARTI-ARTISTA KAYO EH! KUNG TUTUUSIN MAS DETAILED YUNG VIDEO, PHOTO LANG NAMAN KINUNAN NI MON TULFO, BUTI NGA MAY KUMUHA PA RIN SQUATTER KA! SABU-SABUY KA PA NG ASIDO KAY ANGELIKA DATI MMM LOKO KUNG MURAHIN MO ATE GRETCHEN MO, MMM LOKO... GOKONGWEI-GOKONGWEI KA PA DIYAN... MATAPOBRE! KARMA IS LOOKING FOR YOU "ANAK"!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About