Miriam Quiambao continues to take a lot of flak from several quarters for her statement about homosexuality, the latest coming from Ladlad managing director Bemz Benedicto (inset, top) and Direk Joey Reyes (inset, bottom).

Photo: Noel Orsal / File photo

Marami ang nagalit mula sa hanay ng LGBT (Lesbians Gays Bisexuals Transgenders) kay Miss Universe 1999 1strunner-up Miriam Quiambao sa pahayag niyang “homosexuality is not a sin but it’s a lie from the devil” sa kanyang Twitter account.

Ito ay pagkatapos ng kanyang guest appearance sa late-night program ni Boy Abunda na Bottom Line noong April 28 kung saan ang Ladlad Party List representative na si Bemz Benedicto ang naging panauhin.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa The Buzz noong Linggo, May 6, naghayag ng pananaw si Bemz at ang film director na si Joey Reyes tungkol sa naging pahayag ni Miriam.

         

Ayon kay Direk Joey, “Nagulat ako dahil sa pagkakaalam ko at pagkakakilala ko kay Miriam, hindi ko akalain na masasabi niya ito.

“Yun nga raw, ‘Homosexuality is not a sin but it’s a lie from the devil.’ 

“Unang-una, hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

“It’s either napakalalim ng gusto niyang iparating o walang katuturan ang sinabi niya.

         

“So, either which way. 

"So, hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa.”

         

RESPONSIBLE STATEMENTS. Ayon pa sa award-winning director and scriptwriter, bilang bahagi ng showbiz, dapat daw ay mas maging responsable rin si Miriam sa kanyang mga desisyon.

           

“Tayo ay naninirahan sa isang demokrasya.

“Meron tayong kalayaan at meron tayong kalayaan na ipahayag ang ating iniisip at ang ating nararamdaman. 

“Kung ganyan ang opinyon niya, respetuhin natin. 

“Pero respetuhin niya rin kung ano ang mga naging opinyon ng mga tao sa kanya ngayon.”

         

Ano naman ang reaksiyon niya sa paghingi ng paumanhin ni Miriam sa kanyang Twitter account.

Sabi ni Miriam, “I'm sorry LGBT. Perhaps I was too harsh with the words I used. "Will do my best to be more sensitive. #respect #nobodysperfect #grace."

         

Ang sabi naman ni Direk Joey tungkol dito, “Kung susuriin natin ang sinabi niya, she apologized for the way she said it.

“But not for what she said. We respect her for that. 

         

“Ako, I personally respect her for that.”

         

MESSAGE TO MIRIAM. May huling mensahe naman si Direk Joey kay Miriam.

         

“Kung sa mata mo ay isang malaking kasalanan ang maging kasapi ng LGBT, dahil diyan at ayon sa Bibliya...

"Ipinapaalala ko rin sa ‘yo na ayon sa Bibliya, ‘Ang pinagsama ng Diyos, lalaki at babae, ay hindi puwedeng paghiwalayin ng tao man o anuman.’

         

“Hindi rin kinikilala ng Bibliya ang diborsiyo."

Ang tinutukoy marahil dito ni Direk Joey ay ang pakikipaghiwalay ni Miriam noon sa kanyang Italian husband na si Claudio Rondinelli.