Raymart Santiago and Claudine Barretto, together with their legal counsel Atty. Alex Avisado, grant interviews in major primetime newscast earlier tonight, May 6. In his interview with 24 Oras, Raymart said about Mon Tulfo, "Yung pagsuntok po niya sa akin at pagsipa niya po sa akin, kaya ko pong tanggapin ‘yon, e. Parang experience na lang, parang gano’n. Pero yung sinaktan niya yung asawa ko at trauma nung mga anak ko, e, mali ‘yon. Hindi kita aatrasan.”

Photo: Noel Orsal

Laman ng news programs at ng mga pahayagan ang kaguluhang naganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng tanghali, May 6, kung saan sangkot ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ang veteran journalist na si Mon Tulfo.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil mga kilalang personalidad ang sangkot sa gulong nangyari ay naging interesado ang halos lahat na makuha at malaman ang panig ng magkabilang kampo.

Maliban sa mga nauna na nilang mga pahayag ilang sandali matapos ang insidente, nagpaunlak din ng live interviews ang mag-asawang Raymart at Claudine, at si Mon, sa major news programs ngayong gabi, May 7.

Sa 24 Oras ng GMA-7 ay magkasunod na nakausap ng anchors na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez sina Raymart at Mon.

Bagamat katabi ni Raymart ang misis niyang si Claudine habang kinakausap siya nina Mel at Mike, ang aktor at ang abugado nilang si Atty. Alex Avisado lamang ang nagsalita.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang dahilan ng hindi pagsasalita ni Claudine ay para maiwasan ang "emotional stress."

Habang nasa studio ng GMA Network sina Mel at Mike, sina Raymart at Claudine ay nasa isang bistro-restaurant sa may Quezon City, kung saan din ginanap ang ipinatawag nilang presscon kanina.

CHILDREN'S TRAUMA. Unang kinumusta ni Mel kay Raymart ang kalagayan ni Claudine at ng kanilang mga anak.

Ayon sa aktor, masakit pa raw ang katawan ng kanyang misis dahil sa natamo nitong pasa mula diumano sa sipa at panunulak ni Mon Tulfo.

Pagdating naman sa mga bata, sinabi ni Raymart na sasailalim daw sa “psychological test” ang mga ito bukas, May 8, dahil diumano sa “trauma” na dulot ng nasaksihan nila.

Ano ang nakikita nila sa mga bata?

Sagot ni Raymart, “Hindi, kasi po yung… lalo na po yung bunso ko, overprotective po ‘yon sa asawa ko, e.

“Hinahanap niya, ‘Where’s that man? Where’s that man who kicked my mom? Is he in jail?’ Gano’n…

“For a five-year-old, five years old, parang yun ang isip niya, di ba? Nagulat nga kami, e.”