news

Part 1. Raymart Santiago claims Mon Tulfo hit him and wife Claudine Barretto first

by Erwin Santiago posted on May 7, 2012  STATS: 174390 Views | 188 Comments

Raymart Santiago and Claudine Barretto, together with their legal counsel Atty. Alex Avisado, grant interviews in major primetime newscast earlier tonight, May 6. In his interview with 24 Oras, Raymart said about Mon Tulfo, "Yung pagsuntok po niya sa akin at pagsipa niya po sa akin, kaya ko pong tanggapin ‘yon, e. Parang experience na lang, parang gano’n. Pero yung sinaktan niya yung asawa ko at trauma nung mga anak ko, e, mali ‘yon. Hindi kita aatrasan.”

Photo By: Noel Orsal

Laman ng news programs at ng mga pahayagan ang kaguluhang naganap sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 kahapon ng tanghali, May 6, kung saan sangkot ang celebrity couple na sina Raymart Santiago at Claudine Barretto, at ang veteran journalist na si Mon Tulfo.

(CLICK HERE to read related story.)

Dahil mga kilalang personalidad ang sangkot sa gulong nangyari ay naging interesado ang halos lahat na makuha at malaman ang panig ng magkabilang kampo.

Maliban sa mga nauna na nilang mga pahayag ilang sandali matapos ang insidente, nagpaunlak din ng live interviews ang mag-asawang Raymart at Claudine, at si Mon, sa major news programs ngayong gabi, May 7.

Sa 24 Oras ng GMA-7 ay magkasunod na nakausap ng anchors na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez sina Raymart at Mon.

Bagamat katabi ni Raymart ang misis niyang si Claudine habang kinakausap siya nina Mel at Mike, ang aktor at ang abugado nilang si Atty. Alex Avisado lamang ang nagsalita.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ang dahilan ng hindi pagsasalita ni Claudine ay para maiwasan ang "emotional stress."

Habang nasa studio ng GMA Network sina Mel at Mike, sina Raymart at Claudine ay nasa isang bistro-restaurant sa may Quezon City, kung saan din ginanap ang ipinatawag nilang presscon kanina.

CHILDREN'S TRAUMA. Unang kinumusta ni Mel kay Raymart ang kalagayan ni Claudine at ng kanilang mga anak.

Ayon sa aktor, masakit pa raw ang katawan ng kanyang misis dahil sa natamo nitong pasa mula diumano sa sipa at panunulak ni Mon Tulfo.

Pagdating naman sa mga bata, sinabi ni Raymart na sasailalim daw sa “psychological test” ang mga ito bukas, May 8, dahil diumano sa “trauma” na dulot ng nasaksihan nila.

Ano ang nakikita nila sa mga bata?

Sagot ni Raymart, “Hindi, kasi po yung… lalo na po yung bunso ko, overprotective po ‘yon sa asawa ko, e.

“Hinahanap niya, ‘Where’s that man? Where’s that man who kicked my mom? Is he in jail?’ Gano’n…

“For a five-year-old, five years old, parang yun ang isip niya, di ba? Nagulat nga kami, e.”

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

188 Comments

  • 48  daldakinaka

    05/08/2012 | 05:09 AM
    Traumatized daw mga bata?! WEHH eh kayo yung sumugod pa! masama daw pakiramdam... weh! eh kung sumugod kababaeng tao parang UFC haha! kung concerned kayo sa mga bata. Raymart, you should've said, Claud look after the kids, I'll take care of this. SUS! may galit kayo sa mundo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  SimonLaplace2

    05/08/2012 | 05:07 AM
    For your information drugs, liquid and other gels are prohibited to be carried by hand. Ziplock lng ang puedeng dalahin. Wag nang umepal at mag advise kay Clawclaw ano ang dapat gawin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  SimonLaplace2

    05/08/2012 | 05:06 AM
    Agree ako sa sinabi mo jumeirah. Ang mga hindi nawalan ng baggage sa NAIA 3 Airport walang karapatang magreklamo. Try nyong mawalan ng 6-9 baggages, maghintay kayo ng maghintay sa carousel after 4 hours magreklamo kayo sa ground stewardess, tawagan nyo si Tulfo mag pa video kayo for appreciation award of civility.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  daldakinaka

    05/08/2012 | 04:59 AM
    Haba ng arms ni Tulfo! 2 meters! lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  jumeirah

    05/08/2012 | 04:56 AM
    Sana wag mG comment yung never pang nawalan ng bagahe, nadelayed ang flight at naka experience ng bad service sa NAIA. you guys will never understand the feeling of dealing this event. bumiyahe muna kayo try nyo kahit pumila lang ng pagkahaba haba sa bulok nating airport try niyo na di kayo mabuwisit! at pag nawalan kayo ng baggage bigyan niyo ng gantimpala or certificate of appreciation yung airlines tas mag pa video kayo kay mon tukmol. bait baitan image kayo don!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  Monicafer

    05/08/2012 | 04:49 AM
    Reliable airlines normally inform the passengers if ever they are overbooked, baggages will not be included in the flight. Now, for seasoned travellers who has kids and with so many "alalays" emergency items like medicines should always be included in hand-carry. In the case of Claudine, she has two alalays, herself and Raymart, medicines for her kids could easily be included in their hand carry. Is there a law in the Philippines that prohibit taking the pictures of celebrities? Unless, of course, there are issues that the concerned don't want the public to know.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  Monicafer

    05/08/2012 | 04:40 AM
    Be true to yourself Raymart. Why not just admit that there was a misunderstanding instead of telling lies. If Tulfo hit Claudine, she could have been floored down right away. And if you were hit, where are your bruises? In the video, you can see how energetic Claudine hitting Tulfo who was already down on the floor. What Claude could have done is not to intervene but instead be with her children and kept them away from the incident. Blame it on poor judgement from both of you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  avidreader53

    05/08/2012 | 04:34 AM
    HInding hindi ako naniwala na basta na lang sipain ni Tulfo si Claudine. Palibhasay walang ganyan na nakita sa video , magsinungaling na lang. Kitang kita ang ebidensiya sa youtube na pinagtulungan ni Raymart, claudine at mga kasama para bubugin si Tulfo. Mga sinungaling para lang matakpan ang masamang ugali ni Caludine. Claudine, wala ka ng career!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 40  milomilo123

    05/08/2012 | 04:21 AM
    AY NANINIPA PALA ANG MGA TULFO BOYS NG BABAE....PLEASE BEWARE LADIES
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 39  IMaPeper2

    05/08/2012 | 04:14 AM
    It doesn't make any sense unprovoked ay sisipain na lang basta ni Tulfo si Claudine. It doesn't make any sense at all. According to what I read, itong Claudine daw likes to throw her weight around sa airport kapag hindi nakuha ang gusto. Basahin ninyo. Ang Pilipinas ba controlado ng mga artista na minsan ang nagiging qualification lang kaya nakakapagartista ay dahil sa hitsura or connection at wala sa experience at education? I hope justice prevails.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 38  pantas_uno

    05/08/2012 | 04:09 AM
    sana nag inform ang cebu pacific sa mga passengers nila kung anong bagahe ang hindi makakasama ng pasahero, para at least nakuha ng passengers yung mga essential things na nasa baggage nila. may mali talaga sa service ng cebu pacific, kahit pa ihatid yan sa bahay, or i compensate ang passenger thru refunds, bad service pa rin yon, kc kaya sila may ganoong freebies dahil anticipated nila ang kanilang mga pagkukulang bilang service provider. ayan tuloy, may nagalit at may nakialam. sana si tulfo lumapit na lang at nakisali na talaga sa usapan kesa biglang kumuha ng video or picture, kung talagang maganda ang motibo mong tumulong doon sa nave verbal abuse, lumapit ka na lang sana. it would have been a different story kung nakisali talaga sa usapan si tulfo kesa sa kumuha ng video, kasi as for raymart instinct lang yung kanya eh, eto kayo at nagagalit at nagsisisigaw, tapos makita kita mo may nagbi video? mapo provoke ka talaga...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 37  pretty

    05/08/2012 | 04:06 AM
    ang babaeng PALENGKERA na gaya ni aling claudne ay sinisipa di ba mang tulfo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 36  pepreaderako1234

    05/08/2012 | 03:46 AM
    sa totoo lang sino ba ang maniniwala na you were hit for no reason. ano naman mapapala ni mon tulfo if he hit you for no reason. on the other hand, proven na, as in tried and tested ang pagiging palengkera ni claudine. proven na din that she provokes fights. may pagka godlike complex kasi si claudine na feeling nya she's above everyone! kaya ang mga taga Subic ikinahihiya na taga doon kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 35  SimonLaplace2

    05/08/2012 | 03:42 AM
    Limited quantity of gamot lng ang puedeng i hand carry. Since naipatupad and anti terrorism bill hanggang ziplock ang puede mong bitbitin as handcarry, see through pa lahat yan. Safety precaution na rin against drug trafficking. Kahit na nagwala or nagpaka demure si Claudine karapatan nya yun. Karma talaga ito kay Tulfo, sobrang HAMBOG. O ayan nakahanap lng kayo ng katapat. Asan ang judo at blackbelt mo? Dalawang tao lng naman pala nambugbog sayo. Bakit mo tinulak si Claudine? Bakit mo tinadyakan sa harap ng mister nya? Gagoka ngah! Buti nga sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 34  jdcamz

    05/08/2012 | 03:30 AM
    dapat ireklamo na ang serbisyo ng cebu Pacific kasi dami ng palpak. dati nawala then bagahe ko. at super kupad kumilos then walang tao sumasagot sa hotline..for sure magmura ka dahil upset ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 33  slickchick02

    05/08/2012 | 03:23 AM
    yan ba ang palusot na sinabi ng walang kwenta nilang atty, everybody knows that asthma is a life-threatening disease, so dapat ang gamot kasama sa mga passport and important stuff right? anong klaseng parent sila kung hindi nila pinapa-prioritize ung mga gamot na yon psh.. excuses lol, need to come up with a better palusot, also kelangan nga talaga ng mga bata to go under psycological test kasi nakita nila kung pano naging barbaric parents nila to others in public
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 32  DamonSalvatore143

    05/08/2012 | 03:19 AM
    kung concerned kayo sa mga bata eh di kayo na sana ang umiwas! as if naman hindi lumaking emotionally traumatized ang mga anak nyo, naku! bunganga palang ni Claudine sobrang trauma na ang abot ng mga yan! For sure, breakfast lunch at dinner ng mga yaya at maids ay sangkatutak na mura!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 31  pepreaderako1234

    05/08/2012 | 03:09 AM
    hay pati mga palusot hindi logical. puhlease. we, the public, are more intelligent than that. and we do not buy your excuses one bit! better luck next time hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 30  pepreaderako1234

    05/08/2012 | 03:06 AM
    thanks for yet again another entertaining story clawclaw, as always you have proved how PALENGKERA you are. hay someday your kids will find all your crazy antics online and they will be ashamed of you. well karama is really a btch because one day it will bite you in the a
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 29  stockton74

    05/08/2012 | 02:50 AM
    bgay nga kayong dalawa. c mrs palengkera at c mr barumbado. d ako fan n mg tulfo pero mas naniniwala ako sa mga sinasabi n mon tulfo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About