Isang paraan din daw ito upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon dahil sa maaaring masabi ni Claudine.
Dagdag ng abugado, “May masasabi rin [si Claudine] na maaaring ikagalit ni Mr. Mon Tulfo. We want to pacify as much as possible.”
Pero diin niya rin, “Nandiyan na ang kaso, hindi sila aatras.
“Lalaban si Raymart at si Claudine sa kasong ito at magsasampa pa sila ng kaso against Mr. Mon Tulfo.”
LEGAL PROCESS. Samantala, ayon kay Atty. Avisado, mainam naman daw at sinunod ni Mon Tulfo ang legal na proseso sa pagresolba ng isyung ito.
Aniya, “It’s a welcome move, ‘yong pag-file, sabi nga naming mga lawyer.
“Buti na rin na nag-file ng kaso si Mr. Tulfo because that shows respect to the legal process.
“Dadaan sa proseso ‘yong nangyari sa kanila ni Raymart. Hindi outside ang pagtutuos nila kundi sa korte.
“Sa huli naman po, ‘yon ang decent thing to do, ‘yon ang tamang venue.
“Ready naman po ang kampo ni Raymart at Claudine na harapin sa korte ang demanda.
“Sana rin po, ready rin si Mon Tulfo na harapin naman ‘yong isasampang demanda laban sa kanya.”
“HINDI AKO ANG NAUNA.” Sa pagkakataon naman na nakapagsalita si Raymart, muli niyang inulit ang mga nauna niyang pahayag sa iba’t ibang panayam sa telebisyon:
“Hindi po talaga ako ang nauna. Palagi kong ii-stress po ‘yon.”
Dagdag ng aktor, “Alam mo, ‘yong katotohanan naman lalabas ‘yan at kakampi ko ang Diyos dito. Nagsasabi po ako ng totoo.”
Pagkatapos ay muli niyang inihayag ang ilang mahalagang parte ng pangyayari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Linggo ng tanghali.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
168 2psinapod
167 eisenheim1
166 DamonSalvatore143
165 hellokitty30
164 fecatada
163 fecatada
162 gormiti_2009
161 pretty
160 IMaPeper2
159 liwayway
158 liwayway
157 fabglam
156 nagpapakatotoolang
155 misstoe
154 my_sayad
153 talk1979
152 delfinnt
151 clairey0921
150 overseaspinay
149 AstroNut
more comments