Sabi ni Raymart, “Alam mo, siyempre meron, dahil hindi naging maayos. Pero kakampi ko ang Diyos dito.
“Alam nilang totoo ang sinasabi ko dito. Wala akong ginagawang masama.”
Sa ngayon, may mga bodyguards na raw na nakabantay sa kanyang mag-iina.
Sasailalim din daw sa isang konsultasyon ang mga anak nina Raymart at Claudine dahil sa trauma na idinulot ng nasaksihan nilang insidente sa airport.
FIGHTING FOR HIS FAMILY. Sa kabuuan ng press conference, ilang ulit nabanggit ni Raymart na nagawa lamang niya ang kanyang inasal sa airport dahil sa pagtatanggol sa kanyang pamilya.
Aniya, “Hindi natin matatanggal ‘yong takot. Pero tama rin ‘yong ginawa ko, e, parang pinoprotektahan ko lang din ang pamilya ko.
“Kahit sinong lalaki naman siguro gagawin ‘yon.
“‘Yon lang ang importante, ginawa ko lang ang tungkulin ng isang ama at isang asawa.”
Sa pangyayaring ito, natutunan daw ni Raymart na manindigan kung tama.
“Ang sa akin, sa totoo lang, nasa tama ako.
“‘Yon ang natutunan ko, kung nasa tama ka, ipaglaban mo. ‘Yon lang ang akin.”
RELEASE THE CCTV RECORD. Samantala, una nang naiulat dito sa PEP na wala raw Closed-Circuit Television (CCTV) camera sa baggage area ng NAIA Terminal 3, kaya walang video na makapagpapatunay kung ano paano nagsimula ang nangyaring gulo sa pagitan nina Raymart at ni Mon.
(CLICK HERE to read related article.)
Pero hindi naniniwala ang kampo ni Raymart dito.
Sabi ni Atty. Avisado, “Covered po dapat ‘yan [ng CCTV].




CALLED OUT
ALL COMMENTS
168 2psinapod
167 eisenheim1
166 DamonSalvatore143
165 hellokitty30
164 fecatada
163 fecatada
162 gormiti_2009
161 pretty
160 IMaPeper2
159 liwayway
158 liwayway
157 fabglam
156 nagpapakatotoolang
155 misstoe
154 my_sayad
153 talk1979
152 delfinnt
151 clairey0921
150 overseaspinay
149 AstroNut
more comments