news

Raymart Santiago and Claudine Barretto to file criminal charges against Mon Tulfo

by Nerisa Almo posted on May 8, 2012  STATS: 69580 Views | 168 Comments

Raymart Santiago appeared before the press last night, May 7, with his wife Claudine Barretto (in photo). The two are dead set on filing charges against Mon Tulfo, who already slapped them with grave coercion and physical injury complaints at the Pasay City Prosecutor’s Office yesterday.

Photo By: Noel Orsal

Sa kabila ng takot na nararamdaman, tila hindi natinag ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa mga reklamong inihain sa kanila ng nakaaway na beteranong kolumnista na si Mon Tulfo.

(CLICK HERE to read related article)

Inihain ni Mon ang grave coercion at physical injury complaints laban sa celebrity couple kahapon, May 7, sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Kaugnay nito, nagkaroon ng press conference sina Raymart at Claudine kagabi, Mayo 6, sa Red Garlic Bistro, Katipunan, Quezon City.

Dito nila inanunsiyo na magsasampa rin sila ng kaso laban kay Mon.

Ayon kay Atty. Alex Avisado, ang legal counsel ng mag-asawang Raymart at Claudine, “Dahil sinampahan na sila ng kaso, haharapin namin ang kasong isinampa laban sa kanila.

“At hindi lang ‘yon, pinag-aaralan na rin namin ang appropriate and necessary criminal complaints against Mr. Tulfo for physical violence na na-sustain ni Claudine, at emotional violence naman na na-experience ng mga bata, na sa harap nila ay sinasaktan ang kanilang ina.”

Karapatan daw ng kanyang mga kliyente na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Pahayag ani Atty. Avisado, “Sabi ko nga kanina, this is an unfortunate incident. Walang may gusto nito.

“Karapatan din naman nila na depensahan ang mga sarili nila, na mag-file din ng appropriate criminal case against Mr. Mon Tulfo.”

Balak nilang isampa ang kaso ngayong araw (Martes, May 8) o bukas (Miyerkules, May 9) ngayong linggo.

CLAUDINE KEEPS SILENT. Bagamat kasama nina Raymart at Atty. Avisado si Claudine na humarap sa media, hindi nagbigay ng anumang pahayag ang aktres hanggang sa matapos ang presscon.

Pinayuhan daw nila ang asawa ni Raymart na huwag nang magbigay ng pahayag para hindi madagdagan ang stress nito na naidulot ng insidente.

Paliwanag ni Atty. Avisado, “We have advised her, pasensiya na po kayo, na huwag munang magsalita. She’s undergoing a lot of stress.

“Siguro kahit sino naman din, kahit kami, kapag kami ang sinipa at sinapak ni Mr. Mon Tulfo, siguro naman mai-stress din.”

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

168 Comments

  • 88  TVviewer

    05/08/2012 | 12:47 PM
    mas kapani-paniwala ang version in mon tulfo, dun pa lang sa sequence ng events ang kita na sinabi nya ay kung may common sense ka na tao ay alam mo na. sabi ni claudine ay sinipa raw sya, kelan yun, di nya sinabi kung paano ang kaganapan basta ang sabi ay sinipa raw sya...yung mga kwento nilang mag-asawa parang sila lang nila tulfo, raymart, claudine at yung guy ang magkakaharap nung mangyari yun. sinipa sya ng 2 beses? i mean, andun si raymart, pano sya hinayaan na sipain ni tulfo ng 2 beses? yung pinakita nya sa tv, para namang malaking gasgas na andun na ng kung ilang araw. kung sipa yun dapat bruise or mapula pero bakit parang matagal na yun dun?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  hellokitty30

    05/08/2012 | 12:23 PM
    Pano ba yan walang cctv walang concrete evidence para kila Raymart pag dating sa korte mas may weight ang evidence at testimony ng witnesses dahil pwedeng mangyari na yang sinasabe nila sa tv eh pawang kasinungalingan lang lahat, pano nila mapapatunayan sa korte na si Mon Tulfo nga ang unang nanuntok? nasan ang ebidensya nyo? eh yung na upload sa youtube can be admissible in the court at kitang kita ang involvement ng mag asawa sa pananakit kay Mon Tulfo. Dahil pag dating sa korte evidence na ang labanan! eh yung isang guardiya base sa interview dinuruduro pa ni Raymart kasama na yan sa witness laban sayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  candicebluv

    05/08/2012 | 11:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  pinaysausa

    05/08/2012 | 11:33 AM
    nagalit kasi si Claudine kc nakuhanan siya ng picture/video habang pinapagalitan ang pobreng ground stewardess...nag amok si Raymart kc baka ipublicize e..makikita ng madlang people ang ugali ng asawa nya..kaso lumabas din ang masamang ugali ni Raymart walang awang binugbog kasama ng kanyang mababait na friendzzzz...lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  diwata

    05/08/2012 | 11:25 AM
    Janama, ang corny mo. Nebulizer lang pala. Ang daming nebulizer sa Hospital kung talagang emergency sus! wag mo ng ipagtanggol si claudine at nasa video na ang ginawa nya. Kahit anong iyak pa ang gawin nya ngayon wala ng maniwala sa kanya kundi kayong mga die hard fans nya na lng! Sinungaling yang idolet mo kitang kita na kinakampihan mo pa. Kaya malakas ang loob nyang maghanap kuno ng cctv kse alam nya bago pa sya nagsisisisgaw dun sa counter, alam nyang walang camera! LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  Charminguts

    05/08/2012 | 11:11 AM
    MOn Tulfo is just defending himself sa mga kumukuyog sa kanya. dahil nakikisapak den si Claudine natural defense mechanism ng tao yan ang magfight back. kung hindi nakigulo si Claudine hindi sya masisipa dahil hindi naman yung intentional. kahit kayo ang lumugar sa sitwasyo ni Mon ganon den magagawa nyo duh i cant wait to see the result of this case dapat talagang turuan ng leksyon yang si Claudine masyado syang feelingera kung makapanglait ngmaliit na tao akala mo higante sya pwe!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  bac_tol

    05/08/2012 | 11:04 AM
    Para sa kin, hindi na po kailangan ng CCTV, hindi importante kung sino nag umpisa nang-away. Ang mahalaga kung pano ito nagwakas. Tingnan nyo na lang sa mga interviews kung ano itsura ni Raymart, Claudine at Mon Tulfo para malaman nyo kung sino nadehado! Sa atin, pag may nahuling snatcher ng celfone bugbog sarado sa taong bayan, eh dito si Raymart ang nangunguha ng celfone, yung may-ari pa ang nakuyog?! Wah! Kahit sabihin na nating totoong natadyakan si Claudine, kung matapang talaga si Raymart dapat hinamon nya ng one on one si Tulfo, lalake sa lalake. Alam ko marunong din sa martial arts yang si Raymart noh! Kunwari pa bait baitan. Dapat nag Bruce Lee vs Jackie Chan na lang kyo ni Manong Tulfo! Hehe....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  Lalalopez

    05/08/2012 | 11:02 AM
    Hindi PO Nawala ang BAGAHE NG PAMILYA WARFREAK....RAMDOM ISA SA NAIWAN FOR SAFETY REASON dahil Over Baggage na....See within 24hrs. Binigay na sa kanila ang Bagahe nila...Being C LAO-US BARRETTO...She make A Big Deal out it or Out of Everything kasi nga Being a PSYCHOTIC alam nyo na! O ano na ngayon Mrs Raymart Barretto... NAHAWA NA RIN C Lao-us ...HALA! NOW WHAT? MAG-DRAMA KAYONG DALAWA sa Press Conference nyo BUT A Video doesn't LIE! fACE the the Consequences of Your own doings.....C LAO-US have that evil look in her Eyes! Nakakatot ka na....YOU NEED HELP...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  Tweetumzz123

    05/08/2012 | 10:47 AM
    hahaha alam nyo namang walang cctv pero paulit ulit parin kayo jan?! para ano? para kunwari sincere kayo sa mga testimonya nyo?! manigas kayo eskandalosang mag asawa,may video na mag papatunay kong gano kayo kawalanghiya,magpasalamat kayo at walang cctv kong hindi baka nabaon kayo sa kahihiyan...sana nga may lumabas na tao na nakapag video pa kong pano magmura yang baliw mong aasawa,baliw ka rin raymart,kitang kita sa video kong pano mo sinakal si mon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  PTnextdoor

    05/08/2012 | 10:44 AM
    I dont believe n bigla na lang sya manununtok nga walang dahilan. After the fight gs2 pa din kunin ni Raymart ung cellphone na wala nmn plang kwenta ung photos. Parang takot na takot sila ilabas ung baho ng asawa nya. Sa tagal ni Tulfo na mamayag ang nakakaaway lng nya pulis, pulitiko, criminal hindi katulad nyang claudine na yan na walang breeding na kayan kayanin ung mga tao sa paligid nya. ADDICT pa!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  puckerlips143

    05/08/2012 | 10:44 AM
    I admire raymart swerte ni clau makikipagbasagan ng mukha si raymart ng dahil sa kanya kesehodang mali o tama si clau kapag nakita nyang sinasaktan lumalabas ang tapang nya. Hayy raymart lalo kang naging gwapo sa paningin ko lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  lhes2004

    05/08/2012 | 10:43 AM
    kay raymart na niniwala akong mabait na tao siya pero sa asawa nya? ewan ang ugali nyan! sayang si raymart at napunta lang sa babaeng ka2lad ni claudine na sobrang sama ng ugali! sana nga tinuluyan na lng ni raymart yung hiwalayan nla noon! akala ko pa mandin sa 3 sister barretto si claudine ung may matinong pg uugali pero hindi pala! oo at siya yung hindi nagpapalit ng asawa sa ngayon pero mas gus2 ko na ngayon si ms.gretchen barretto,palaban nga yun pero nasa tama nmn siya at may K naman siya maging sosi! sabagay yung si la greta nga na may malaking nai2long sa kanya noon nagawa pa nya awayin? yun pa kayang mga stewardes dun sa air4rt na di nya kilala?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  shidax

    05/08/2012 | 10:41 AM
    o ayan walang CCTV pero may babaeng talagang nagkusa talaga na magwitness at ang mga guards ng NAIA magwi-witness na rin.............
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  hototguy

    05/08/2012 | 10:33 AM
    Tama yan para maputol na kayabangan ng mga Tulfo bros. Sana magbayad sila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  bac_tol

    05/08/2012 | 10:31 AM
    Ay si Mr. Raymart Barretto daw pala yung bigla na lang sinuntok ni Tulfo eh nagtanong lang nman daw sya bat kinukuhanan asawa nya? Ang bait ng dating ah! Hello Gng Raymart, walang sumusuntok ng walang dahilan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  bac_tol

    05/08/2012 | 10:26 AM
    COMMON SENSE lang ha, anong rason ni Tandang Tulfo para bigla na lang suntukin si Mrs Barretto? Kahit ang pinakama askad na tao, hindi basta basta nanununtok ng walang dahilan. Mas naniniwala pa ko sa sinasabi ni Tulfo na PILIT kinukuha ni Gng Raymart ang kanya celfone kaya naitulak nya ito. Saka maraming tao dun sa airport ang nagsasabi na si Gng Raymart ang nauna. Yung dalawang empleyado sinasabi din nila na talagang they were verbally abused by Mr Boksingera. Ang witness lang nung mag asawang baliw ay yung kasama din nila. Very Credible! Haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  fabglam

    05/08/2012 | 10:14 AM
    GO CLAUDINE AND RAYMART Ipaglaban nyo ang karapatan nyo! Nakahanap din ng katapat ang mga mayayabang na Tulfo borthers na yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  MissHugoBacungan

    05/08/2012 | 10:10 AM
    ABS CBN COVERAGE OF RAYMART Santiago's interview SHOWS GMA7 SIGNATURE ALL OVER THE SCREEN. Kalowkah ang ABS CBN News Room, talagang makikita mo kung gaano ang pagnanasa nila na magkaroon ng interview kina Raymart at Claudine, kesehodang nung ipalabas sa BANDILA ang interview, OBVIOUS na obvious at kitang kita na may GMA7 logo showing very prominently on screen! AAkalain tuloy ng tao, GMA7 yung pinanonood nila. IP issue na naman itetch, talo na naman ang DOS! NAKABUYANGYANG ang ebidensya sa footage ng news nila!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  GMAsimplyTHEbest

    05/08/2012 | 10:04 AM
    steelwings hindi lahat ng tao kagaya niong lukaret ni Claw-claw, na nadelay lang ang bagahe magwawala at magmumura na.... hindi ba pwedeng magreklamo ng maayos at may diplomasya?? mga lukring
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  GMAsimplyTHEbest

    05/08/2012 | 09:55 AM
    ai si MISSUGO isa pang lukring, basta may masabi lng.... ni hindi nga nakapagpakita si lukaret ng Claw sa harap ng Camera habang iniinterview si Misis Raymart Barreto... baka kasi magwala na naman ang lukaret, hindi kaya ung andun sa bagahe ng lukaret eh gamot nya na pampakalma.. hindi cguro nakainom kaya nagwala ang lukaret sa NAIA..hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About