[x]

Raymart Santiago appeared before the press last night, May 7, with his wife Claudine Barretto (in photo). The two are dead set on filing charges against Mon Tulfo, who already slapped them with grave coercion and physical injury complaints at the Pasay City Prosecutor’s Office yesterday.

Photo: Noel Orsal

Sa kabila ng takot na nararamdaman, tila hindi natinag ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa mga reklamong inihain sa kanila ng nakaaway na beteranong kolumnista na si Mon Tulfo.

(CLICK HERE to read related article)

Inihain ni Mon ang grave coercion at physical injury complaints laban sa celebrity couple kahapon, May 7, sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Kaugnay nito, nagkaroon ng press conference sina Raymart at Claudine kagabi, Mayo 6, sa Red Garlic Bistro, Katipunan, Quezon City.

Dito nila inanunsiyo na magsasampa rin sila ng kaso laban kay Mon.

Ayon kay Atty. Alex Avisado, ang legal counsel ng mag-asawang Raymart at Claudine, “Dahil sinampahan na sila ng kaso, haharapin namin ang kasong isinampa laban sa kanila.

“At hindi lang ‘yon, pinag-aaralan na rin namin ang appropriate and necessary criminal complaints against Mr. Tulfo for physical violence na na-sustain ni Claudine, at emotional violence naman na na-experience ng mga bata, na sa harap nila ay sinasaktan ang kanilang ina.”

Karapatan daw ng kanyang mga kliyente na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Pahayag ani Atty. Avisado, “Sabi ko nga kanina, this is an unfortunate incident. Walang may gusto nito.

“Karapatan din naman nila na depensahan ang mga sarili nila, na mag-file din ng appropriate criminal case against Mr. Mon Tulfo.”

Balak nilang isampa ang kaso ngayong araw (Martes, May 8) o bukas (Miyerkules, May 9) ngayong linggo.

CLAUDINE KEEPS SILENT. Bagamat kasama nina Raymart at Atty. Avisado si Claudine na humarap sa media, hindi nagbigay ng anumang pahayag ang aktres hanggang sa matapos ang presscon.

Pinayuhan daw nila ang asawa ni Raymart na huwag nang magbigay ng pahayag para hindi madagdagan ang stress nito na naidulot ng insidente.

Paliwanag ni Atty. Avisado, “We have advised her, pasensiya na po kayo, na huwag munang magsalita. She’s undergoing a lot of stress.

“Siguro kahit sino naman din, kahit kami, kapag kami ang sinipa at sinapak ni Mr. Mon Tulfo, siguro naman mai-stress din.”