news

Erwin Tulfo apologizes for threatening remarks on Raymart Santiago; Mon Tulfo says his brothers are at fault

by Jojo Gabinete posted on May 8, 2012  STATS: 117572 Views | 180 Comments

Erwin Tulfo (right) issued a public apology in behalf of his brothers Ben and Raffy for the statements they made against actor Raymart Santiago on their TV program yesterday, May 7. Mon Tulfo (left), on the other hand, admitted that his brothers were at fault and he castigated them for it.

Photo By: Screen grab from TV5 / Noel Orsal

Humingi ng paumanhin si Erwin Tulfo sa mga manonood at radio listeners ng T3 Kapatid, Sagot Kita! dahil sa mga salita na binitiwan nila kahapon, May 7, ng kanyang mga kapatid na sina Ben at Raffy sa programa nila sa TV5.

(CLICK HERE to read related story.)

Ito ay kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng kuya nilang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, noong Linggo, May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Nag-apologize si Erwin ngayong umaga, May 8, sa Punto Asintado—ang radio program nila ni Martin Andanar na napapanood sa AksyonTV at napapakinggan sa Radyo Singko 92.3.

Pahayag ni Erwin, “Kung kayo ho ay... kung hindi ninyo nagustuhan, kahit hindi kayo kasama sa problemang ito, ang amin pong paumanhin.

“Maging ang aming ina ay hindi nagustuhan dahil ito raw ay pagbabanta.

“Ang sagot ho namin sa aming ina, ito ay bugso ng damdamin. Inilabas lamang ho namin yung aming sama ng loob.

“Nevertheless, hindi pa rin karapat-dapat bilang isang broadcaster.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin sa aming mga tagapakinig, sa mga nasaktan po, sa mga natakot.

“Kami ho ay humihingi ng paumanhin—lalo na po yung mga nanood kahapon.

“Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na 'yan at isa pa, e, naiparating na namin ang mensahe kaya...

“Ang inyo pong pang-unawa at paumanhin sa mga salitang binitiwan namin kahapon dahil hindi naman po ito tinatangkilik ng aming istasyon, ng TV5 Network, sampu ng management.

“Mula po sa may-ari, sa pangulo, lahat ng mga opisyales ng TV5 ay hindi po sinasang-ayunan ang mga ganoong klase ng matatalas na pananalita kaya po kayo na ang umintindi.

“Kami po ay humihingi ng kapatawaran, sampu ng aking mga kapatid.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

180 Comments

  • 60  BlueBonnet

    05/08/2012 | 12:03 PM
    Kahit ako seguro magagalit din kung malaman kong hindi ko pala kasama mga dala ko. Lalo na kung may kailangan ka kaagad doon sa mga bagahe mo. Ok lang sana kung pinaalam nila sa mga pasahero nila na maiiwan ang kanilang mga dala at susunod na lamang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  monayme

    05/08/2012 | 12:03 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  SimonLaplace2

    05/08/2012 | 12:00 PM
    Alam nyo Tulfo Brothers. Lahat aware sa issue ni Clawclaw the past few years. Kaya nga lumipat yung tao sa GMA to salvage what little is left of her career. She has been acting strange publicly the past few years. Mabuti naman nag apologize kayo. Nasa inyo ang simpatiya ng tao at the start. Yung mga sumunod na ninyo na statements yung hinde nagustuhan ng iba at nag switch to Claudine. Just leave Claudine alone. Let Cebu Pacific and the law handle this petty issue blown out of proportion. May karapatan ang tao ma frustrate at magtalak sa counter. Respetuhin nyo rin yun. Di komo media kayo eh mag dyos dyosan na kayo. Mabuti naman nag sorry kayo. Sana mag sorry din si Clauclau for being sick or sad? Puede ba yun?? Sana maayos na ito. Napakaliit na bagay.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  goodgirl2die4

    05/08/2012 | 11:59 AM
    It's too LATE to say SORRY....words have been uttered already! Millions of Filipinos here and abroad have watched it...Thousands of kids and teenagers, have watched it... It is so obvious that the T3 got scared and MVP for your spoke to them...kaya biglang kabig! Iba ang nagsosorry lang sa salita sa NAGSOSORRY with sincerity!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  BlueBonnet

    05/08/2012 | 11:59 AM
    Ano ba ang pinagkaiba sa bugso ng damdamin ng mga Tulfo brothers sa bugso ng damdamin ni Claudine at Raymart? Pareho lang naman silang may pinanggalingan ang mga galit nila. Ang may kasalan dito talaga ay ang Cebu Pacific dahil sa hindi magandang serbisyo nila. Hwag din kalimutan ang kapalpakan ng mga namamahala ng NAIA. Hamakin mo walang security camera? Kung may securtiy camera sana e di nalaman na natin kung sino talaga ang may mali? Paano natin mahikayat ang mga taga ibang bansa na Its more fun in the Philippines e kung sa airport pa lang eh hindi na secure gamit nila at sila mismo. Paano na lang kung may ibang kumuha ng bagahe mo, paano mo mahuhuli kung sino ang kumuha?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  merleks

    05/08/2012 | 11:58 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  pretty

    05/08/2012 | 11:56 AM
    hindi yan mga kapamilya, hindi yan mga kapuso, mga kapatid yan aggressibo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  Tweetumzz123

    05/08/2012 | 11:56 AM
    hindi ba marunong mag basa yung iba dito?! ayan o nag sorry na nga!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  matoy_babyron

    05/08/2012 | 11:53 AM
    dapat i-ban yung tulfo brothers hindi sila responsible akala nila untouchables sila at pwede na nila sabhin kahit ano..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  wanna_change

    05/08/2012 | 11:50 AM
    kasalanan ng kapatid nila, tapos sila pa ang mayayabang at naghahamon.. dahil ba may connection sila at may batallion?? kung lahat ay kagaya nila na may battalion, civil war na ang kalalabasan niyan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  goodgirl2die4

    05/08/2012 | 11:46 AM
    it's so hard to judge neither to tell kung sino nagsasabi ng totoo between Mon Tulfo and Raymart Claudine. We are all NOT THERE during that time of "BUGBUGAN" and we saw is a piece of VIDEO and not the whole video... Kaya stop arguing nalang kung who in fault, leave it to the investigators... The truth shall prevail! Pero lalo akong na disappoint with the Tulfo brothers. At the start of their show they did mentioned the words Journalism Ethics....but is seems na they ATE THEIR own ETHICS. IT's a big shame for their show, for TV 5 sorry boss MVP and to the Philippine Journalist/news side to hear those T3 guys talking about REVENGE, BAD words "PI" and insults... Yes, there is freedom of the press, but don't forget to set your limitations kasi alot of people here and abroad are watching you!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  Lalalopez

    05/08/2012 | 11:41 AM
    Understood naman ang nararamdaman ng magkapatid na Tulfo ah Aba, just because mga Tulfo sila ini-expect ng ibang TAO dito na KAILANGAN BATO ANG PUSO NILA? Blood is thicker than Water. Sus, if ang matandang kapatid ko 68yrs old, pinatulongan bogbogin, nakahiga na sa floor, sinasakal, binobuntal, sinisipa, sinasabunutan, Kinakabayo pa! Sino ba nag hindi magagalit na kadugo let alone kapatid, Ang iba dito wag na mag plastic dahil Idol nyo si C LAO-US na may Malaking Deperensya sa Utak. If it happen to your own brother saka nalang kayo mag salita ng hindi maganda sa Tulfo Brothers! It was spur of the moment dahil sa Awa sa 68yrs old na kapatid kung bakit nakapagsalita ang mga Tulfo, Alam ko ang may sobrang galit sa mga Tulfo, mga masasamang tao lang at maraming ginawang kabulastugan sa Kapwa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  jj4f

    05/08/2012 | 11:40 AM
    lesson learned, keep yourself quiet when you're at the peak of anger. respect every person's right. to some of you who comments like me, be sensible too. AFTER A MISTAKE WAS DONE, SOMEBODY HAS TO APOLOGIZE. This brothers are known to be fighter, not only to OTHER people who are being abused, seeing their brother on that situation is painful for them. They may have uttered hurting words, atleast they realized their mistake and asked for public apology. Logic di ba? RIGHT GERTRUDE?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  Tweetumzz123

    05/08/2012 | 11:34 AM
    diwata---mayabang daw kaya galit sila...kamay na bakal, tapang at isama mo na din dun yung kayabangang gamit gamit nila sa pagharap sa mga mapagsamantalang opisyales sa gobyerno at sa mga walang hiyang kriminal at dahil jan sa kaangasan nila e maraming tumitiklop na kriminal at natatakot sa kanila,mas gusto ko ng magkaroon ng kinatatakutan yang mga walang hiyang kriminal na yan kesa naman mas dumami pa biktima nila, pero para sa iba na galit sa tulfo brothers hirap silang intindihin kong bakit kailangan ng tulfo bothers ang ganyang klase ng imahe..lol..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  candicebluv

    05/08/2012 | 11:34 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  wanna_change

    05/08/2012 | 11:30 AM
    kung may batallion ang mga Tulfo, dapat maghanap sila ng katapat nila na may batallion din... kaya ang kinaya kaya lang nila ay mga maliliit na empleyado ng gobyerno na walang capability na mag-hire ng batallion... ang yayabang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  marilousyj

    05/08/2012 | 11:30 AM
    Mabuti naman. Humbling experience sa mga aroganteng Tulfo brothers. Si Claudine dapat mag-apologize sa crew ng Cebu Pacific.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  itnok

    05/08/2012 | 11:26 AM
    at least consistent itong mga tulfo, nakilala naman sila sa pagiging magaspang. hindi tulad nitong si tabatchoy na sa likod ng kamera ang lulutong ng mura at grabe mag power tripping pero kung umarte sa tv kala mo aping api at kawawang kawawa. laos na kasi kahit pakikipagrambulan papatulan basta lang may publicity.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  malaya2007

    05/08/2012 | 11:26 AM
    sa dinami dami ng me galit sa inyong magkakapatid dapat careful kayo sa pagbabanta lalo na sa broadcasted sa tv kasi pagme nagyari dun sa dalawa sigurado suspect kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  pearl102

    05/08/2012 | 11:21 AM
    According to Erwin Tulfo...“Anyway, ‘ika nga, e, nasa korte na ang problema na 'yan at isa pa, e, NAIPARATING na namin ang MENSAHE kaya...---------Nakupo dapat mag ingat ang mag asawang Raymart at Claudine. Kanino kaya ipinarating ang MENSAHE??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About