news

German Moreno says he will not leave GMA-7 unless the management tells him so; denies Jake Vargas is his favorite talent

by Ruben Marasigan posted on May 9, 2012  STATS: 12013 Views | 11 Comments

German Moreno or "Kuya Germs" started his showbiz "career" as a janitor and telonero in the post-war Clover Theater and went on to vaudville stage and movie acting. His youth-oriented TV shows such as That's Entertainment and Master Showman have produced stars who have made a name for themselves in other TV shows, mainstream and indie movies.

Photo By: Noel Orsal

Nagdiriwang ng kanyang 49th sa showbiz ngayong taon ang Master Showman na si German Moreno.

Bilang pagdiriwang, nagpatawag ng isang salo-salo si Kuya Germs (popular na tawag kay German) para sa entertainment press noong Lunes ng gabi, May 7, sa Vera Perez Gardens sa Valencia, Quezon City.

Dito ay natanong si Kuya Germs tungkol sa bagong henerasyon ng mga artista na tila mahirap mahirap ma-interview ng ibang press.

Maging si Kuya Germs ay may karanasan din palang ganito sa ilang mga young stars.

Halimbawa na lang daw nang minsan lapitan ng veteran TV host at star builder ang young rapper-actor na si Elmo Magalona para ma-interview sana niya, pero tinanong daw siya nito ng: “Nagpaalam na po ba kayo sa Mommy ko?”

Ang tumatayong manager ni Elmo ay ang kanyang ina na si Pia Magalona.

Ikinagulat daw ito ni Kuya Germs at tumalikod na lang, pero hindi naman daw siya na-offend.

    

Aniya, “May ano yata sila… may regulasyon talaga, e.

       

“Na dahil mga bata ‘yan, e, talagang kailangang dumaan muna sa kanilang mother bago mangyari na magpa-interview sila.

       

“Pero I don’t take it ano naman… hindi naman ako na-offend. 

“Ano na ako… hindi naman ako ang mawawalan, e.

       

“In fact ngayon, hinihintay ko nga ang sagot [ni Pia] e."

“Ewan ko kung na-contact na ni Carmelites [Rigonan, isa sa mga sekretarya ni Kuya Germs] dahil si Elmo ang bibigyan ng German Moreno Youth Achievement award sa FAMAS. 

“So, hindi ko pa alam. 

"Sabi ko kay Carmelites, tawagan si Pia para malaman ko kung tatanggapin, para lang makasiguro ako.

"Kaso, hindi pa nako-contact.”

       

NEW BREED OF STARS. Sa obserbasyon ng ilang veteran movie reporters, kakaiba na ang attitude ng present generation of stars. 

Noong '80s at '90s daw kasi ay gustung-gusto ng mga artista na makahalubilo’t kakuwentuhan madalas ang members ng media.

       

“Hindi nila inabot yun, e,” ani Kuya Germs.

“Hindi nila inabot yung gano’ng sistema noong araw kaya iyan ang nangyayari.

       

“So, in fact, maraming bagay na… pagbabago.

       

“Ako, sa inabutan kong henerasyon, I can see it kung ano ang malaking pagkakaiba.”

Nagsimula si Kuya Germs sa paglabas sa mga pelikula ng Sampaguita Pictures noong '60s.

       

Ano ba yung pinakamalaking pagbabago sa kasalukuyang henerasyon ng mga artista?

       

“Ang ikunalulungkot ko, personally, yung mga talagang inalagaan ko at napalaki ko, na contact number man lamang ay hindi ko makuha-kuha.

        

“But I don’t want to mention names. Alam na nila kung sino sila.

         

“No’ng araw, kapag siya ang may kailangan, ang dali kong kontakin. 

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  mandersnork

    05/10/2012 | 09:47 AM
    Happy Anniverysary Kuya Germs!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  coolitz4coolitz

    05/09/2012 | 04:11 PM
    Talagang iba ang sitwasyon noon at ngayon... Mas nakikipaghalubilo mga artista sa mga mediamen dati dahil enjoy sila at they feel safe... Don't expect the same these days... Umiiwas konti mga artista sa media ngayon dahil as observed, masyadong MALISYOSO mga reporters ngayon, lahat binibigyan ng kulay, at mas pinapansin ang kahit konting di magandang nakikita sa mga artista kaysa sa magaganda...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • lostris

    05/09/2012 | 03:43 PM
    i remember, masama loob ng magalona family sa iyo, di ba, kc nung buhay si francism, tinatanong ka niya lagi, not once ha, kung kelan mo siya ilalagay sa walk of fame mo, lagi mo sinasagot, darating din time nya... tapos nung namatay siya saka mo gusto bigyan... i forgot kung tinanggap ni pia un star na un sa walk of fame na binibigay mo after his death....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/09/2012 | 03:25 PM
    Tama si BERNARD!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • hototguy

    05/09/2012 | 03:21 PM
    Pwede rin si kuya Germs maging National Artist, ang laki na rin ang naiambag ni Master Showman!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • amayabai

    05/09/2012 | 02:47 PM
    GMA - German Moreno Association. GMA will never be the same without Kuya Germs.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • tilapyangmataba

    05/09/2012 | 11:33 AM
    hindi naman kasi cash ang kailangang kumisyon ni kuya germs, in kind dapat palagi hihihi. ikaw na kuya germs, ikaw na!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Uripon

    05/09/2012 | 11:17 AM
    hindi naman favorite si Jhake, flavor of the month lang. :
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • ronald_pascal

    05/09/2012 | 09:36 AM
    eto talagang si brainless nakabantay lagi sa mga article na may kinalaman sa mga artist at sa GMA. nakikisawsaw lang puro nega pa. magbagong buhay ka na.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    05/09/2012 | 08:43 AM
    German Moreno is already an institute like Dolphy,Nora,Vilma.Andami na ngayong mga Big Names actors and actresses na kung wala si German ay wala din ang mga ito.At hanggang ngayon nandyan pa din sya.Ang mga iba dito instead na matuwa dahil kung hindi kay Kuya Germs ay wala silang mga idolo ngayon eh yinuyurakan pa ang pagkatao nito at pinag-iisipan pa ng masama.They should be thankful instead.Sana humaba pa ang buhay nya at ng mas marami pa syang matulungang mga future stars.Thank you Kuya Germs at napasaya mo kami during THATS ENTERTAINMENT days!!!!Sana maibigay sa iyo ng GMA ang pangarap mong maibalik ang show na yan!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/09/2012 | 08:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About