Albie Casiño's mom, Rina, has this message for Andi Eigenmann: “Lahat ng gusto mong sabihin, puwede—magpaawa, nagsinungaling ka na dehado na yung pamilya ko. Pero ngayon, sobra na. Para sabihin mo na binugbog ka ng anak ko, tama na ‘yang kasinungalingan mo! It’s too much, Andi. Too much!”

Photo: Allan Sancon

Bagamat itinanggi ni Andi Eigenmann na may kinalaman siya sa pambubugbog sa dating kasintahang si Albie Casiño noong madaling-araw ng Sabado, May 5, naniniwala ang young actor at ang kanyang pamilya na alam ito ng young actress.

Sa panayam ni Albie at ng kanyang ina na si Rina Casiño kay Korina Sanchez para sa TV Patrol 25 kagabi, May 7, ay inilahad ng young actor ang nangyaring pambubugbog sa kanya, at naglabas naman ng saloobin ang kanyang ina tungkol diumano'y “pagsisinungaling” ni Andi.

THE INCIDENT AT THE PARKING LOT. Ipinakita ni Albie sa kamera ang mga pasang nakuha niya mula sa pambubugbog sa kanya noong Sabado ng madaling-araw.

Sinapak, tinadyakan, at pinukpok daw siya ng bote sa ulo ng apat o limang lalake sa harap ng Fiamma Bar sa Makati City.

Kuwento ni Albie, “I see like four to five guys run into me. They start punching me and I fall down.

“I curl up like this and my feet are up and they just started stomping on me.

“This is a foot stomp. It’s here all the way here,” sabi ng young actor, habang ipinapakita ang marka mula sa ibang bahagi ng labi niya hanggang sa kanyang leeg.

Dagdag niya, “Someone stepped on me like that.

“And they were saying, ‘Ano, masarap ba yung ganti? ‘Eto yung ganti ni Andi.’”

THE CONFRONTATION. Pinabulaanan ni Albie ang pahayag ni Andi na tiningnan siya ng masama ng dating kasintahan nang magkita sa loob ng Fiamma Bar kaya siya sinampal nito.

Ayon sa young actor, nagkataon lang daw na nandoon sila pareho ni Andi noong gabing iyon.

Itinanggi rin niya na nakita na niya si Andi bago ang pagsampal sa kanya nito.

Kuwento ni Albie, “Galing po ako sa CR. Paglabas ko po ng CR, nakaabang na po yung friend ko do’n.

“Sabi niya, ‘Albie, Andi is here, bumaba na tayo.’

“Paglabas ko pa lang ng bathroom, nakita na niya [Andi] ako.