Albie Casiño's mom, Rina, has this message for Andi Eigenmann: “Lahat ng gusto mong sabihin, puwede—magpaawa, nagsinungaling ka na dehado na yung pamilya ko. Pero ngayon, sobra na. Para sabihin mo na binugbog ka ng anak ko, tama na ‘yang kasinungalingan mo! It’s too much, Andi. Too much!”

Photo: Allan Sancon

“Pero hindi ko po siya talaga nakita. I promise, hindi ko siya nakita.

“I wasn’t looking her bad. I didn’t shoulder-check her. I didn’t push her. I didn’t shove her. I didn’t do anything.

“Because how will I do that… because this is what happened… I was walking and then, boom, I got slapped here [kaliwang pisngi].

“And when I got slapped, I looked to see who it is, and then wine is thrown at my face.”

PREMEDITATED. Naniniwala rin si Albie at ang kanyang pamilya na plinano ang panggugulpi sa Star Magic talent kung pagbabasehan ang mga binitiwang salita ng mga nambugbog daw sa kanya.

Tinanong ni Korina si Albie kung sa palagay niya ay diretsong may kinalaman si Andi dito.

“Yes,” mabilis na sagot ni Albie.

“Because after I got beaten up, she went up to me and she said, ‘Okay ka lang ba? Huwag ka kasing magpapakita sa akin sa labas kasi papatayin ka ng mga ‘yan.’

“And then I said… I know that she knew them, e, ‘coz I asked her, ‘What are their names?’

“Sabi niya, ‘Hindi mo kaya ‘yan. Promise, hindi mo kaya ‘yan.’

“So, course, she knows them if sasabihin niya na hindi ko kaya— di alam niya, di ba?”

THE SUSPECTS. Kinilala ng kampo ni Albie ang mga nambugbog daw sa kanyo bilang sina Neil Arce, Jake Lacson, Frank Magalona, at isang may apelyidong Concepcion.

Si Neil ay isang professional poker player at napapabalitang boyfriend ng aktres na si Maxene Magalona.

Si Jeric ay anak ni Senator Ping Lacson.

Si Frank ay anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona at kapatid nina Maxene at Elmo Magalona.