"Nakakaloka, kasi parang pag more akong nahihilo, more akong natutumba, parang mas tumataas yung rating ng show namin!” says John "Sweet" Lapus.

Photo: Richard Gay

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) ang TV host at comedian na si John Lapus noong Linggo, May 6, sa taping ng Showbiz Central sa Studio 6 ng GMA-7 sa Quezon City.

Naimbitahan ang PEP na kapanayamin ang mga hosts ng nasabing showbiz talk show program para sa fifth anniversary nito.

Malaki ang ngiti ni John, na kilala rin bilang Sweet, nang kausapin ng PEP.

Natutuwa siya na umabot ng limang taon ang kanilang programa.

“Nagulat nga kami, five years na pala kami. Parang kailan lang,” sabi ni Sweet.

Limang taon na pala niyang ginagawa ang "Don’t Lie To Me" segment sa programa.

Sa "Don’t Lie To Me," sumasailalim sa lie-detector test ang mga celebrity guests ng programa. At kung Lie ang naging resulta ay nagkakaroon ng “Buwis-Buhay” performance si Sweet.

Aminado si Sweet na nakatulong ang segment na ito sa success ng Showbiz Central.

“Sabi nila! Kasi ang 'Don’t Lie To Me' ang pinakamatagal na segment ng Showbiz Central.

"Meron kaming mga segment noong araw na hindi na namin nagagawa ngayon.

“Nag-evolve na nga ‘yan, e. Dati mag-isa lang ako diyan, wala akong back-up dancers. Mag-isa lang akong sasayaw.

"Ginawa namin 'yan noong first year ng Showbiz Central,” saad niya.

Paano ba ito na-conceptualize?

“Ganito nangyari, sa staff nanggaling yung concept ng lie-detector test.

"'Tapos, tinanong nila ako kung anong gagawin ko 'pag Lie ang resulta.