news

John Lapus explains how his segment "Don’t Lie To Me" contributed to the success of Showbiz Central

by Mark Angelo Ching posted on May 8, 2012  STATS: 10560 Views | 11 Comments

"Nakakaloka, kasi parang pag more akong nahihilo, more akong natutumba, parang mas tumataas yung rating ng show namin!” says John "Sweet" Lapus.

Photo By: Richard Gay

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) ang TV host at comedian na si John Lapus noong Linggo, May 6, sa taping ng Showbiz Central sa Studio 6 ng GMA-7 sa Quezon City.

Naimbitahan ang PEP na kapanayamin ang mga hosts ng nasabing showbiz talk show program para sa fifth anniversary nito.

Malaki ang ngiti ni John, na kilala rin bilang Sweet, nang kausapin ng PEP.

Natutuwa siya na umabot ng limang taon ang kanilang programa.

“Nagulat nga kami, five years na pala kami. Parang kailan lang,” sabi ni Sweet.

Limang taon na pala niyang ginagawa ang "Don’t Lie To Me" segment sa programa.

Sa "Don’t Lie To Me," sumasailalim sa lie-detector test ang mga celebrity guests ng programa. At kung Lie ang naging resulta ay nagkakaroon ng “Buwis-Buhay” performance si Sweet.

Aminado si Sweet na nakatulong ang segment na ito sa success ng Showbiz Central.

“Sabi nila! Kasi ang 'Don’t Lie To Me' ang pinakamatagal na segment ng Showbiz Central.

"Meron kaming mga segment noong araw na hindi na namin nagagawa ngayon.

“Nag-evolve na nga ‘yan, e. Dati mag-isa lang ako diyan, wala akong back-up dancers. Mag-isa lang akong sasayaw.

"Ginawa namin 'yan noong first year ng Showbiz Central,” saad niya.

Paano ba ito na-conceptualize?

“Ganito nangyari, sa staff nanggaling yung concept ng lie-detector test.

"'Tapos, tinanong nila ako kung anong gagawin ko 'pag Lie ang resulta.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  humandynamics

    05/09/2012 | 07:23 AM
    oo nga kakatuwa naman talaga ang dont lie to me, gustong gusto ko yung sobrang effort niya sa pagsayaw kung mali haha.. lalo na kung binabalibag siya pataas parang lalagpak pababa, nakakatakot haha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  Aginaya

    05/09/2012 | 12:42 AM
    Sana wag na magcomment dito ang mga squating na kapamilya fans. Hindi naman kayo inaano ni Sweet. And yes, mas entertaining ang SC keysa sa Buzz. The best ang Dont Lie To Me. Happy Anniversary!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • agathis

    05/08/2012 | 11:44 PM
    matagal nang nauungusan ang ratings ng katapat na show ng SC. Nakakainis na masyado sa The Buzz kasi overhyped masyado ang mga scoop, unlike SC na walang halong gimmick ang mga scoop at hindi OA ang mga hosts nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pearl102

    05/08/2012 | 11:02 PM
    CHIPNESS, inggit lang iyan. Sabihan mo ang kasabay na talk show ng peborit god mo na maglagay din ng ganyang segment yung nga lang yung sa kanila dapat LIE TO ME...then ang unang tatanungin si Andie at Albie.....hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • BERNARD2010

    05/08/2012 | 10:07 PM
    Huwag na lang patulan ang mga bitter dito pls.Stop wasting your effort.Happy lang ako that JOHN LAPUZ is still in GMA.He's doing good.Gustong gusto ko sya.Kakaaliw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Honey_1046

    05/08/2012 | 09:12 PM
    brainded stop mentioning God in your ungodly comments!kilabutan ka nga, pwede siguro si Lucy na lng i-mention mo, at least bagay sa personality mo un
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pulmoll_0709

    05/08/2012 | 08:20 PM
    Showbiz central the best!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapamskoo

    05/08/2012 | 07:37 PM
    galing mo sweet.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kapalmilyaks

    05/08/2012 | 07:37 PM
    congrats kapuso, ito lang ang showbiz talk show walang halong gimmik, gawagawa ng istorya di ba, more powers
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • jeac3

    05/08/2012 | 07:36 PM
    Good Job, Sweet Lapus........Proud to be Kapuso.....GMA PINOY TV
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • iam_brainful

    05/08/2012 | 07:31 PM
    SUCCESS? showbiz central? WHERE? WHEN? HOW? Goddd....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About