After starring in the horror-suspense movie Segunda Mano with Kris Aquino, Angelica Panganiban (in photo) will star again opppsite Dingdong Dantes in the upcoming Star Cinema movie, One More Try.

Photo: Rose Garcia

Pagkatapos ng Segunda Mano noong Metro Manila Film Festival 2011, muling magsasama sa isang pelikula ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban at ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Ito ay sa upcoming movie ng Star Cinema na One More Try.

 

Makakasama ng dalawa rito sina Angel Locsin at Zanjoe Marudo. Ang pelikula ay ididirek ni Ruel Bayani, na siya ring direktor ng blockbuster movie noong isang taon na No Other Woman.

 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Angelica sa story conference ng One More Try kagabi, May 8, sa opisina ng Star Records sa ABS-CBN compound.

ADULT DRAMA. “Adult drama” ang pangkalahatang deskripsiyon ng Star Cinema sa One More Try. “Mas sexy” rin daw ito sa No Other Woman.

Ayon kay Angelica, “Well, yun ang sabi. Yun din naman ang gusto naming ma-achieve para mas maganda ang kalabasan.”

Wala naman daw problema kay Angelica kung mas sexy man ang tema ng pelikula kumpara sa mga nauna niyang nagawa.

“Wala naman… Kasi, kung yun ang gusto, e, di yun ang ibibigay. 

“Trabaho naman kasi talaga yun,” sabi niya.

SECOND TIME WITH DINGDONG. Mag-asawa ang role nina Angelica at Dingdong sa One More Try.

Sabi ng aktres, sa muling pakikipagtrabaho sa Kapuso actor, “Mas nakaka-excite kasi alam mo na mas nakikilala mo siya. Mas marami kang natututunan. 

“Ayun... enjoy lang sa work.”

Dagdag ni Angelica, kung may mga sexy scenes man daw sila ni Dingdong ay mas kumportable na siya ngayon dito.

“Nakatrabaho ko na siya, so sa ganoong aspeto, sa pagiging kumportable, konti na lang siguro ang adjustment na mangyayari.”

May magtanong kung gaano ka-daring ang gagawin sila sa pelikula at kung may maghuhubad daw ba kanila rito.

Natatawang biro naman ni Angelica, “Hubad lang kami dito all the way. Hindi kami naka-damit!”

Pero bawi niya, “Hindi...siyempre yung mga eksena naman na mangyayari, hindi pa naman namin yun puwedeng ilatag dahil wala pa naman kami do’n—marami pang changes na puwedeng mangyari.