Dingdong Dantes (extreme left) on working again with Star Cinema: “Parang kailan lang, parang ang bilis-bilis lang since Segunda Mano. But come to think of it, it’s been a year na, ‘no, so I’m happy. I’m happy to work with Star Cinema again because they gave me such a wonderful experience exactly a year ago.”

Photo: Rose Garcia

Muling tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN ang Kapuso star na si Dingdong Dantes.

Nagpunta ang aktor sa Star Records office sa ABS-CBN compound kagabi, May 8, para sa story conference ng ikalawang pelikula niya sa Star Cinema—ang One More Try.

Pagkatapos ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Segunda Mano—na co-produced ng Star Cinema at Agostodos Productions ni Dingdong—ay gagawa na naman siya ng pelikula para sa film arm ng Kapamilya network.

Sa pagkakataong ito, makakasama ni Dingdong sina Angel Locsin, Zanjoe Marudo, at Angelica Panganiban.

Nakatrabaho na ni Dingdong si Angelica sa Segunda Mano at si Zanjoe sa Kimmy Dora; ito ang una niyang pelikula kasama si Angel.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong pagkatapos ng story conference ng One More Try, sinabi ng aktor ang kanyang nararamdaman sa pakikipagtrabahong muli sa Star Cinema.

“Parang kailan lang, parang ang bilis-bilis lang since Segunda Mano

“But come to think of it, it’s been a year na, ‘no, so I’m happy.  

“I’m happy to work with Star Cinema again because they gave me such a wonderful experience exactly a year ago.”

GMA-7 KNOWS. Kinamusta namin kay Dingdong ang paggawa niya ng pelikula ulit sa Star Cinema? Nagpaalam din ba siya ulit sa home network niya, ang GMA-7?

Ayon sa aktor, “Of  course, hindi naman magiging posible ang lahat ng ito kung wala yung support ng GMA—particularly si Mr.  Jimmy Duavit, Atty. [Felipe] Gozon, at si Ms. Annette [Gozon-Abrogar].

“So, I’m very thankful na pinayagan ako ulit to do another movie.”

Hindi pa nakakontrata sa alinmang movie company si Dingdong kaya malaya siyang gumawa ng pelikula sa anumang produksiyon.

Sa ngayon, inaayos at pinag-uusapan pa raw ang magiging kontrata ni Dingdong sa GMA Films. Pero tiniyak ng aktor na pipirma siya sa film arm ng Kapuso network.

SEXIER AND MORE DARING. Bago ang story conference ng One More Try, nabanggit ng direktor ng pelikula na si Ruel Bayani na “mas sexy at mas daring” ang mapapanood sa adult drama nilang ito.