Dingdong Dantes (extreme left) on working again with Star Cinema: “Parang kailan lang, parang ang bilis-bilis lang since Segunda Mano. But come to think of it, it’s been a year na, ‘no, so I’m happy. I’m happy to work with Star Cinema again because they gave me such a wonderful experience exactly a year ago.”

Photo: Rose Garcia

Sa parte ni Dingdong, gaano ka-daring ang gagawin niya sa pelikula?

“Hindi pa naman namin napag-usapan specifically. 

“Pero gaya ng sabi ko, yung pagiging daring o pagiging sexy ng pelikula is just a result ng pagkakumplikado ng plot at istorya.”

Wala pa raw ideya si Dingdong kung kailan ipalalabas ang One More Try, pero tatapusin muna raw niya ang taping ng My Beloved bago nito magsimula ng shooting.

Ang My Beloved ang primetime soap na pinagtatambalan ni Dingdong at ng kasintahan niyang si Marian Rivera.

MARIAN’S SUPPORT. Speaking of Marian, nabanggit na ba ni Dingdong sa girlfriend ang tungkol sa bago niyang pelikula, lalo na’t medyo maselan ang magiging tema nito?.

“Of course,” sagot niya.

“In fact, she’s very supportive of it. 

“Ganyan naman kami sa mga kanya-kanya naming projects, e—we support each other.

“Dahil sa totoo naman, kumukuha kami ng lakas sa isa’t isa.”

Wala rin daw problema kay Marian ang bagong leading ladies ni Dingdong na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin; kagaya ng pakikipagpareha ni Marian sa ibang mga aktor.

               

Dagdag ni Dingdong, “You know what, sa liit ng industriya, you will really come to a point na makakatrabaho mo at mae-encounter mo ang ibang artista.

“And I think, this is the time na mangyayari yun, and it’s a job, and someone just has to do it.”