Celebrity couple Claudine Barretto and Raymart Santiago are set to file physical injury and child abuse against veteran broadcaster Mon Tulfo today, May 9, in connection with the incident that happened at the Terminal 3 of NAIA last Sunday, May 6.

Photo: Noel Orsal

Physical Injury at Child Abuse ang mga reklamong ihahain ngayong araw, May 9, ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto laban sa broadcast journalist na si Mon Tulfo sa Pasay City Prosecutor's Office.

Ito ay dahil sa insidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Linggo, May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Magsasampa rin ng reklamo ang mag-asawa laban sa mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin dahil sa mga pagbabanta na binitiwan ng tatlo laban kay Raymart sa TV show na T3Kapatid, Sagot Kita! noong Lunes ng hapon, May 7.

Grave threats ang ihahain nilang reklamo sa magkakapatid na Tulfo.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Atty. Alex Avisado ang legal counsel nina Raymart at Claudine, at kinumpirma niya ang pagdedemanda ngayong araw ng kanyang mga kilyente.

Ayon kay Atty. Avisado, may “emotional abuse at psychological trauma” na nararanasan ang dalawang anak nina Raymart at Claudine dahil nasaksihan ng mga bata ang pananakit diumano ni Mon sa kanilang ina.

Nagpasya rin ang mag-asawa na idemanda ang Tulfo brothers dahil napanood nila sa TV ang "serious threats" sa kanila.

Sinabi ni Atty. Avisado, “worried na worried” sina Claudine at Raymart sa mga pagbabanta sa kanila—isang bagay na inamin ng aktor sa presscon na ipinatawag nila noong Lunes ng gabi.

(CLICK HERE to read related story.)

Nauna nang naghain ng reklamo si Mon Tulfo laban kina Raymart at Claudine. Physical abuse at grave coercion ang mga reklamong inihain ng broadcaster sa Pasay City Prosecutor's Office noong Lunes, May 7.

GABRIELA. Noong Martes ng hapon, May 8, nagsadya sina Raymart at Claudine sa opisina ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) para humingi ng tulong.

Pero nakiusap ang mag-asawa na huwag na silang kunan ng mga TV camera.

Sa panayam ng Pilipinas News ng TV5 kay Joms Salvador, deputy secretary general ng GABRIELA, sinabi nito na isang oras na sumailalim sa counseling si Claudine.