news

B-Meg's James Yap wants to celebrate PBA championship with family and son Bimby; says MVP award is a bonus

by Nerisa Almo posted on May 9, 2012  STATS: 39170 Views | 9 Comments

"Wala pa talagang pahinga at wala pang time na mag-celebrate," says basketball player James Yap about his team's championship in the recently-concluded PBA Commissioner's Cup.

Photo By: Jerome Ascano

Hanggang ngayon ay lubos pa rin ang kasiyahan na nararamdaman ni James Yap at kanyang teammates sa B-Meg Llamados dahil sa pagkakapanalo nila sa Philippine Basketball Association  (PBA) Commisioner’s Cup.

Tinalo ng B-Meg ang koponan ng Talk 'N Text sa Game 7 ng kanilang championship series noong Linggo, May 6.

At bilang selebrasyon, ibinahagi ng B-Meg Llamados ang kanilang tagumpay sa fans sa pamamagitan ng isang victory party na ginanap sa San Miguel Corporate Center, Ortigas, Mandaluyong City, kagabi, May 8.

“Sobrang saya talaga kaya gusto kong magpasalamat sa lahat ng fans. Talagang nandoon sila para sa amin,” sabi ni James sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at TV5 News.

Sa basketball conference din na ito nakamit ni James ang ikatlong Most Valuable Player (MVP) award niya sa PBA.

Para kay James, ang award na ito ay bonus sa tagumpay na nakamit ng kanilang koponan.

“Hindi ko talaga ine-expect [ito],” sabi ni James.

“Kumbaga, sa akin kasi, ang MVP is parang bonus na lang, e.

“Ako, as a player, gusto ko na lang isipin ‘yong team para happy lang.

“Pero sino naman ang hindi gustong maging MVP, di ba?

“So, for me, maglalaro lang ako na iisipin ko ‘yong team, kung paano ako makakatulong sa team.”

Unang itinanghal bilang Most Valuable Player si James noong 2005-06 Fiesta Conference, kung saan nanalo rin ng championship ang dati niyang team na Purefoods Tender Juicy Giants.

Ito ay nasundan noong 2009-2010 Philippine Cup kahit na hindi nakapasok sa finals ang kanilang koponan.

BUSY DAYS AHEAD. Bagamat nakapag-celebrate na ang kanilang koponan, kasama ang fans, hindi pa naman daw nakakapag-celebrate si James kasama ang kanyang pamilya.

Ngayon linggo kasi ay tutungo na si James at iba pang basketball players para sa PBA All-Star Weekend sa Laoag, Ilocos Norte.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

9 Comments

  • greatness

    05/10/2012 | 12:47 PM
    Congrats!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • piedaderiberta

    05/10/2012 | 06:53 AM
    James as a person has a pure heart, with a strong positive character. Baka sa huli, magsisi si Kris, she let go of James. Always pray James; and congrats ! Stay healthy.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • washdckami

    05/10/2012 | 12:43 AM
    congrats!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • misstoe

    05/09/2012 | 10:14 PM
    Congrats James...talaga ganyan siguro, sometimes yung mga couple are better off as friends than husband and wife...parang mas maganda yung relasyon nila ni Kris ngayon na friends lang sila...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yaralei

    05/09/2012 | 09:25 PM
    congratulations James! at least may maipagmamalaki ka sa echosera mong asawa...EX pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • wharshalak

    05/09/2012 | 05:35 PM
    champion na naman ang B-MEG!!! James Yap pa ang Finals MVP...good job LLAMADOS!! pba is back...more championship to come :DDD
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • juicypulp

    05/09/2012 | 05:13 PM
    bmeg no.1
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • juicypulp

    05/09/2012 | 05:12 PM
    congrats papa james
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • artwork

    05/09/2012 | 04:24 PM
    Congrats, James.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About