“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.

Photo: Screen grab from TV5

“Unang-una, walang kasalanan iyong babae. I learned na nawalan siya [Claudine] ng bagahe o naiwan yata yung bagahe, na-offload.

“Hindi kasalanan nung babae, bakit pinepersonal mo yung babae?

“Maaaring mag-complain ka through her, pagalitan mo yung Cebu Pacific through the woman—but not the woman herself.”

THE KICK. Sa mga panayam kina Raymart at Claudine, isa sa inirereklamo nila ang ginawang paninipa diumano sa hita ng aktres, na nagkaroon ng pasa at sanhi ng paika-ikang paglakad ngayon nito.

Ito rin daw ang dahilan kaya lalong uminit ang ulo ni Raymart.

Pero paliwanag ni Mon dito, “Maaaring nasipa ko si Claudine nung bumagsak na ako.”

So, bago yung gulo hindi niya sinipa ang aktres?

“Wala,” sagot niya.

CONTROVERSIAL PICTURES? Sa gitna ng magkaibang bersiyon ng istorya, hindi raw babaguhin ni Mon ang ginawa niyang pagkuha ng litrato sa aktres na nagtatatalak daw sa ground staff.

Nagdalawang-isip ba siya sa pagkuha ng litrato? Naisip niya ba na baka bawal ang ginagawa niya?

“Hindi, hindi bawal. Alam ko, hindi bawal.

“Ang akin lang, ang intensiyon ko noon ay makakuha ng litrato nang sa gayun kapag isinulat ko na yung kolum ko, I was going to use, to write that incident na panggagalaiti ng isang babae at pag-aalipusta sa isang maliit na empleyada.

“At kapag sinulat ko sa Inquirer iyan, kapag nagdemanda yung babae, alam ko dahil sabi niya, madikit siya kay Gokongwei.

“E, siyempre, sabi ko, baka big shot ito.”

Sabi ni Mon, wala naman daw talagang nilalaman ang mga litratong pilit kinukuha ng mag-asawang Raymart at Claudine.