“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.

Photo: Screen grab from TV5

Inamin ng beteranong broadcaster na hindi siya marunong gumamit ng kanyang camera phone kaya ang kinalabasan daw ay halos hindi niya nakunan si Claudine na natatakpan ng bagahe.

“Hayun, wala. Hindi ako marunong e, napakabano ko.

“Ayun lang si Claudine, wala nga, e.

“Kaya nga sabi ko, Erap envelope na when it’s finally opened, nothing was there. Ganun din,” sabi ni Mon habang ipinapakita kay Luchi ang mga litratong nakunan niya.

Pero hindi raw talaga siya pumayag na makuha ang telepono niya.

“Kaya lang, iginiit ko yung aking kalayaan sa pamamahayag. At saka personal property ko ito, e. Bakit ko ibibigay sa kanila?”

NO FIREARM. Noon bang pinagtutulungan na siya, may effort ba ang mga nakaengkuwentro niya na kunin ang telepono niya?

“Oo, meron. Pakinggan mo yun [video], ‘Kunin mo yung telepono.’

“May mga narinig na ganun: ‘Kunin mo yung telepono.’

“Si Claudine ang nagsisisigaw: ‘Kunin yung telepono. Kunin yung telepono!’”

May time ba na feeling niya ay gusto niyang lumaban dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na may armas siya at may bodyguard siya?

“Wala akong armas kasi yung armas ko ay ire-retrieve ko pa.

“Pasalamat na lang ako, nagpapasalamat ako sa sanlibutan na hindi ko pa na-retrieve yung armas.

“Kasi kung hindi, maraming masasaktan. Maraming mabubuwis na buhay.”

AIRPORT POLICE. Matapos ang kaguluhan sa NAIA 3 ay dinala sina Mon, Claudine, at Raymart sa airport police station upang mabigyang-linaw ang mga pangyayari.