“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.

Photo: Screen grab from TV5

Ano ang naramdaman niya noong nasabi sa kanya na sina Raymart at Claudine ang nakaengkuwentro niya? Paano niya nalaman na sila iyon?

“Nung dinala na ako sa presinto, may tama na ako, e, sabi niya [pulis], ‘Hindi mo kilala?’

“Sabi ko, ‘Hindi.’

“‘Si Claudine Barretto yun.’

“‘Ganun ba?’ sabi ko.

“Sabi niya, ‘Hindi ka rin nakilala.’

“’Tapos meron pang isang pulis na, ‘Akin na yung telepono mo at diyan pala… kumukuha ka pala ng video.’

“Sabi ko, ‘Huwag mo akong hawakan at saka huwag mong kunin ito dahil wala kang karapatan.’

“May isang pulis na ganun, kinukuha niya [yung cell phone].”

NO CCTV. Hanggang ngayon ay pinagtatalunan pa rin kung sino ba talaga ang nagpasimula ng gulo.

(CLICK HERE to read related story.)

Wala pang resulta ang imbestigasyon dahil hindi pala gumagana ang closed-circuit camera television (CCTV) sa bahagi kung saan naganap ang insidente.

Tanging ang kumalat na YouTube video at ilang litrato lang mula sa mga saksi ang nagpapasilip sa mga pangyayari.

Ang karambola raw na nangyari sa pagitan nina Mon at mag-asawang Santiago ay tila patunay ng mahinang seguridad sa NAIA. Hindi napigil agad ng mga guwardiya ang kaguluhan.

Komento ni Mon: “Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV.”