“Palagay ko, ginusto ng sanlibutan na itadhana iyan upang ma-expose yung mga kabalbalan nila Claudine at ng pagiging inutil ng mga pulis sa airport at mga guwardiya, at yung management ng NAIA—dahil wala silang camera, yung CCTV," says Mon Tulfo.

Photo: Screen grab from TV5

May imahe nang nabuo sa isip ng mga tao kapag ang ilalarawan ay ang magkakapatid na Tulfo, na pawang mga broadcasters at journalists—sina Ramon, Ben, Raffy, at Erwin.

Ang apelyidong Tulfo ay tila kumakatawan daw sa pagiging "matapang at palaban." Pero para sa ilan, ang impresyon nila sa mga Tulfo ay "arogante at mayabang."

Lumabas nga raw ang ugaling ito ng mga Tulfo nang masangkot sa karambola si Ramon, o mas kilala bilang si Mon, sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong May 6.

(CLICK HERE to read related story.)

Ilang pagbabanta laban kina Raymart at Claudine ang inihayag nina Erwin, Raffy, at Ben sa kanilang programang T3 Kapatid, Sagot Kita! sa TV5 noong May 7.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero kaagad din nag-public apology si Erwin kinabukasan, May 8.

(CLICK HERE to read related story.)

Bunsod pa nito ay naglabas din ng official statement ang TV5 na hindi nila kinukunsinti ang naging asal ng magkakapatid na Tulfo sa show at pagpapaliwanagin nila ang mga ito.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ni Luchi Cruz-Valdes kay Mon na napanood sa Journo sa TV5 kagabi, May 8, may paliwanag ang panganay na Tulfo sa impresiyon ng mga tao sa kanila.

Ayon kay Mon, “Misunderstood kami, kontrobersiyal kami. Namana siguro namin iyan sa aming ama [Ramon Tulfo Sr.].

“Yung aming ama na colonel ng Philippine Constabulary was a very controversial figure, too.

“Namana namin iyan at parang genes… at kuwan, yung napapasuong sa mga kontrobersiya.

“Pero deep down, ang aking intensiyon ay ipaglaban yung kaapihan na dinanas nung pobreng babae [ground staff] sa isang matronang 'kala ko ay Tsinay o Tsinoy. At hindi ako nagsisisi.”