Ngunit hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ni Enchong ang pagpayag ng pamilya ni Julia na maligawan ito.
“Uhm, sa takdang panahon pa rin,” sagot niya nang aming kumustahin ang panliligaw niya kay Julia.
“Sabi ko nga, kapag nasa tamang edad... kailangan mo kasing respetuhin ‘yong kagustuhan ng lola niya, ng mama niya, ng management.
“So, kumbaga, learn how to wait.”
Bagamat hindi pa pormal na makapanligaw si Enchong kay Julia, natutuwa raw siyang may natututunan sila sa isa’t isa.
'Tulad na lamang daw nang matuto siyang “mag-relax” mula sa trabaho.
“[Tinuruan niya ako] how to relax, learn how to take the time na puwede kang matulog, mag-relax.
“Kasi mahirap kapag palagi kang trabaho nang trabaho, minsan nabe-burnout ka," sabi ni Enchong.
Aminado si Enchong na dati’y workaholic siya.
Paliwanag niya, “Siyempre parang andiyan lahat ng mga bagay, mga oportunidad na puwede mong makuha from the work.
“Sayang naman kung papakawalan mo ‘yon, and minsan [to] take it slow, di ba?”
NEW PROJECT. Samantala, matapos daw niyang gawin ang pelikulang The Reunion, muli raw sasabak si Enchong sa isang teleserye.
Ngunit sa pagkakataong ito’y hindi na ang ka-loveteam niyang si Erich Gonzales ang makakatambal niya, kundi si Maja Salvador.
“This Friday [May 11] we’ll have a story conference with the new teleserye na gagawin.
“So, talagang dapat na-maximize na namin ‘yong vacation namin kasi hanggang do’n na lang talaga, hanggang ngayon na lang talaga.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
28 intoxicatedredux
27 blue8
26 Clara Pastor
25 pretty
24 chenez88
23 Aginaya
22 baybrook
21 rhiamags
20 pinoycali_ako
19 lucky7
18 vivapinata
17 tulips522
16 alexangel
15 iam_a_tvfan
14 Joseth
13 damnitbabay
12 petiteclau
11 MissHugoBacungan
10 greatness
9 roxie_rookie
more comments