[x]

Sarah Geronimo on wanting to get to know Gerald Anderson better and fall in love with him for a deeper reason—not just for his looks: "Kasi, guwapo niya, di ba? So ayokong tumingin sa pisikal ho. So, it takes time para malaman namin kung ano talaga yung feelings naming sa isa’t isa."

Photo: Noel Orsal

"Gusto ko po mas makilala pa namin ang isa’t isa.

"Mahalin ko hindi yung good looks niya kundi yung ganda ng ugali niya... ng puso niya.

"Kasi, guwapo niya, di ba? So, ayokong tumingin sa pisikal ho.

"So, it takes time para malaman namin kung ano talaga yung feelings namin sa isa’t isa."

RAYVER CRUZ. Tanong naman ng isang entertainment writer kung ano ang masasabi niya sa sinabi diumano ng kanyang ex-boyfriend na si Rayver Cruz na gusto umano siyang balikan ng binata.

Ayon daw sa binata, ito ay dahil sa iilan na lang ang dalagang Filipina na gaya ni Sarah na hanggang holding hands lang ang kayang ibigay.

Ibig sabihin ay konti na lang ang kasing-hinhin daw ni Sarah.

"Ayoko na pong mag-comment. No comment na lang po," nangingiting pakiusap ng Pop Star.

Sakali, iimbitahan ba niya si Rayver sa kanyang darating na concert?

"Everybody’s welcome naman po to watch sa concert ko," tugon niya.

Okay sa kanya, pero payag ba naman ang kanyang Mommy Divine?

"Basta bibili ng ticket!" sabay bungisngis niya.