Suspended sa loob ng dalawang linggo si DJ Mo Twister at mga kasamahan niya sa Good Times na sina Tin Gamboa (DJ Suzy) at Mia Bayuga (DJ Mia) dahil sa pagpapasimuno ng trending topic sa Twitter tungkol sa Pinay international singer na si Charice.
Si DJ Mo, o Mohan Gumatay, ay kasalukyang nasa New York. Samantalang sina DJ Suzy o Tin Gamboa at DJ Mia o Mia Bayuga ay dito nakabase sa Manila.
Ang parusang ito ay opisyal na inihayag ng radio station na Magic 89.9 sa isang statement na inilabas nila kanina lamang.
"Suspension without pay" ang naging desisyon ng radio station dahil sa ginawa nilang #Charice PempengcoSexTape hashtag sa Twitter kaninang umaga, May 9, na wala namang katotohanan.
Ito ang kabuuan ng official statement ng Magic 89.9:
The management of Today’s Best Music Magic 89.9 does not condone what happened this morning, May 9, 2012 on GoodTimes. As a joke, the 3 DJs started an objectionable hashtag about Charice Pempengco on Twitter. An Apology to Ms. Pempengco shall be made tomorrow morning, May 10, 2012 on the said Radio Show. Furthermore, as sel regulation, The DJs involved shall be suspended from boardwork for Two Weeks without pay as consequence of their actions.
TRENDING TOPIC. Nagsimula ang false hashtag tungkol kay Charice sa kanilang radio show kanina, kung saan napag-usapan ng tatlong DJs na gumawa ng isang trending topic para sa kanilang programa.
Sabi ni DJ Mo sa kanyang co-DJs, “Let’s trend topic for our show.
“What we’re gonna do is we hashtag something completely unrelated to what we’re talking about today."
Ilang oras ding naging top trending topic in the Philippines ang hastag na ito, na nakakuha ng iba’t ibang reaksiyon mula sa kanilang mga tagapakinig—pati na rin sa ilang Twitter users.
CHARICE REACTS. Hindi nagtagal ay nagbigay ng reaksiyon si Charice tungkol sa hashtag na ito.
Nagbigay rin siya ng mensahe kay DJ Mo na tila may pagbabantang gagawa siya ng legal na aksyon.
Ang mga sumusunod ay Twitter posts ni Charice, na magdiriwang ng kanyang ika-19 na kaarawan bukas, May 10, subalit hindi na makikita ang mga ito sa kanyang timeline sa Twitter.
“@djmotwister you are...unbelievable.”
“@djmotwister too bad. Remember, you interviewed me? I thought you were nice. anyway, I should talk to you FACE TO FACE. :)”




CALLED OUT
ALL COMMENTS
95 Rachelle1818
94 remyr12
93 Marian_9
92 iTStHEsHOWnOTtHEtVsTATION
91 juliuserving
90 Xray
89 perlita66
88 fifiandtheflowertots
87 roglex89
86 makatingdila
85 makatingdila
84 luvcoffee
83 lostris
82 happyperson1966
81 happyperson1966
80 heart07
79 nettyfrau
78 lostris
77 mrsenchong
76 tan105
more comments