[x]

Claudine Barretto and Raymart Santiago formally filed their complaints against veteran broadcaster Mon Tulfo at the Pasay City Prosecutor's Office earlier today, May 9.

Photo: Melo Balingit

Physical Injuries at Rep. Act 7610 o Anti-Child Abuse ang mga inihaing reklamo ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Baretto laban kay Mon Tulfo.

Inihain ng mag-asawa ang kanilang mga reklamo sa tanggapan ni Fiscal Juliet Garcia ng Pasay Prosecutor's Office kaninang hapon, May 9.

Samantala, pag-uusapan at pag-iisipan pa raw nina Raymart at Claudine kung kailan nila isasampa ang kasong Grave Threats laban sa mga kapatid ni Mon na sina Ben, Raffy, at Erwin Tulfo.

Ito ay dahil sa mga binitiwang pananakot at pagbabanta ng magkakapatid laban kina Raymart at Claudine sa TV5 public-service program nilang T3 Kapatid, Sagot Kita!.


(CLICK HERE to read related story.)

APOLOGY FROM TULFO BROTHERS. Pero pagkatapos magsalita ng Tulfo brothers sa kanilang programa ay pinagsabihan na sila ng kanilang Kuya Mon na huwag nang magsalita at mag-ingat sa mga sinasabi nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Raymart?

           

“Siyempre, kuya nila yun,” sambit ng aktor sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa Pasay RTC.           

Kinabukasan ay nagsalita rin si Erwin at humingi ng paumahin sa mga sinabi nila dahil napuna na ito ng Movie Television Review and Classifcation Board (MTRCB).

Naglabas na rin ng statement ang TV5 kaugnay dito at sinuspindi ang magkakapatid.

Pero reaksiyon ni Raymart dito, “Sa tao sila nag-sorry, e.

“Isa pa, hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang sorry nila.

“Kasi sinasabi nila na hindi sila pinalaki ng magulang nila na hindi sila nananakit ng babae. Wala sa Tulfo na nananakit ng babae.

“Pero sinasabi naman nila na 'pag magkita daw kami sa Terminal 1, Terminal 2, Terminal 3 [ng NAIA], huwag lang mag-krus ang landas namin, ‘makakatikim ka sa akin pati ang asawa... tatamaan ikaw at ang asawa mo.’

“Magulo, e, di ba?”

Kaya pagkatapos daw nito ay aayusin na nila ang paghahain ng reklamong Grave Threats laban sa Tulfo brothers.

HURTING HIS WIFE… Hindi naman napigilan ni Raymart ang maiyak nang magpahayag itong hindi niya matanggap ang pananakit diumano na ginawa ni Mon kay Claudine.