[x]

Claudine Barretto and Raymart Santiago formally filed their complaints against veteran broadcaster Mon Tulfo at the Pasay City Prosecutor's Office earlier today, May 9.

Photo: Melo Balingit

“Sinasabi niya ‘Who’s that guy? Is he in jail now? The one who kicked my mom?”

Kaya daw naging emosyunal si Raymart dahil sa ganung epekto sa kanilang mga anak.

Paulit-ulit din niyang sinasabing hindi nito matanggap ang pananakit diumano ni Mon sa kanyang asawa.

MEDIATION. Balitang nagbigay ng pahayag si Senator Miriam Defensor-Santiago na willing daw siyang mag-mediate sa paghaharap at posibleng pagbabati nina Raymart at Mon bilang kamag-anak naman daw ng asawa niya ang aktor.

Pero umiiling si Raymart sa posibleng pagbabati at pag-aayos nila ni Mon.

“Yung sa akin, mapapatawad ko yung panununtok at paninipa niya sa akin.

“Pero yung pananakit niya sa asawa ko, dun ako gigil na gigil,” mariing pahayag niya.

Pero umayon si Atty. Avisado sa pagsampa ni Mon ng kaso. Naniniwala naman daw sila na dapat idaan ito sa korte at hindi sa marahas na paraan.

Aniya, “Nauna nag-file si Mr. Tulfo dito. Dito nagpapakita na may respect siya for the judicial process.

“If ever may complaints siya o grievances against the couple, inihain niya sa korte.

“So, kami rin naman, dito ang aming takbo, e. Dito ang tamang venue para ipaglaban yung kaso.

“Dito na lang sana kami magharap-harap at huwag na ho sana magkasakitan pa sa labas.”

MYSTERIOUS VAN. Nabanggit din ni Raymart na may nakikita raw silang van na umaali-aligid sa bahay nila ilang gabi na ang nakalilipas.

“Hindi ko sinasabing sila yun. Pero kuwento ng kapitbahay namin, nakikita rin nila yung van na umaaligid sa tapat ng bahay namin.

“Meron pang isang van na may pangalan…” pahayag ni Raymart.